Sunday, December 16, 2007

Christmas revisited



The song remains the same. But not everything is the same.


Akap

Nagtatanong
bakit mahirap
sumabay sa agos
ng iyong mundo

Nagtataka
Simple lang naman sana
Ang buhay
Kung ika'y matino

Sabihin sa akin lahat ng lihim mo
Iingatan ko
Ibaling sa akin ang problema mo
kakayanin ko

Pikit mata
kong iaalay
ang buwan at araw
pati pa sapatos kong suot

Nagtatanong
simple lang naman sana
ang buhay
kung ika'y lumayo

Sasamahan ka sa tamis
Sasamahan ka sa dilim
Sasamahan ka hanggang langit
Sasamahan ka sa tamis
Sasamahan ka sa pait
Sasamahan ka sa dilim
Sasamahan ka hanggang langit Sasamahan ka

Saturday, November 24, 2007

UTANG NG INA KO!



Nov 25 8PM on Rock Ed Radio >> "Utang ng Ina Ko" a primer on our national debt





Kanino tayo may utang? Gaano kalaki ang utang natin?

Paano natin naging utang yan? Sino umutang? Sino nakinabang?

Linawan lang.

Kausapin natin ang Freedom from Debt Coalition, subukan natin mag imbita ng taga NEDA, o Economics Professors. Sa ngayon ang nag confirm pa lang ang FDC reps na sina James Miraflor at si Emman Hizon.

Abangan.

Pagkatapos nito, EMO na talaga tayong lahat...



VISIT: http://rockedradio.blogspot.com/




Si Gang ang babae. Si Lourd ang lalake. Rock Ed Radio is your alternative Social Studies class on air. Walang chismis dito (*sayang). Usapang ugali, musika, sining at sibika. Mangelam naman tayo. Pag-usapan natin kung papaano. Rock Ed Radio.created by NU107 and Rock Ed Philippines.

Saturday, November 17, 2007

HURT



The song Trent Reznor "unconsciously wrote" for Johnny Cash.



HURT
Trent Reznor


I hurt myself today
to see if I still feel
I focus on the pain
the only thing that's real
the needle tears a hole
the old familiar sting
try to kill it all away
but I remember everything
what have I become?
my sweetest friend
everyone I know
goes away in the end
and you could have it all
my empire of dirt

I will let you down
I will make you hurt

I wear this crown of thorns
upon my liar's chair
full of broken thoughts
I cannot repair
beneath the stains of time
the feelings disappear
you are someone else
I am still right here

what have I become?
my sweetest friend
everyone I know
goes away in the end
and you could have it all
my empire of dirt

I will let you down
I will make you hurt

if I could start again
a million miles away
I would keep myself
I would find a way

Monday, November 12, 2007



I may not be the man I wanted to
I may not be the king of wit
I may not know the things you need to know
I might not measure up quite yet

I may not have the grace of Fred Astaire
I may not have the mind of Jung
I cannot buy the things you need to have
But there is something you can't forget

It may not seem that I care enough
I may not take the time to say
You can't leave me standing here alone
Until you hear what I have to say

-Saigon Kick

Saturday, November 10, 2007

BLANK PAGE

Blank page is all the rage
Never meant to say anything
In bed I was half dead
Tired of dreaming of rest
Got dressed drove the state line
Looking for you at the five and dime
Stop sign told me stay at home
Told me you were not alone

Blank page was all the rage
Never meant to hurt anyone
In bed I was half dead
Tired of dreaming of rest

You haven't changed
You're still the same
May you rise as you fall

You were easy you are forgotten
You are the ways of my mistakes
I catch the rainfall
Through the leaking roof
That you had left behind
You remind me
Of that leak in my soul
The rain falls
My friends call
Leaking rain on the phone

Take a day plant some trees
May they shade you from me
May your children play beneath

Blank page was all the rage
Never meant to say anything
In bed I was half dead
Tired of dreaming of rest
Got dressed drove the state line
Looking for you at the five and dime
But there I was picking pieces up
You are a ghost
Of my indecision
No more little girl

-Billy Corgan, Smashing Pumpkins

Sunday, November 4, 2007

Ang Natatanging Papel ng Uring Manggagawa

Emmanuel Hizon

Ang sinasabi lang natin dito ay: ang uring manggagawa ang “pangunahing” motibong pwersa at hindi natatangi o
eksklusibong motibong pwersa ng rebolusyon o pagbabago.







Sino ang Manggagawa?

Bago natin muling balikan ang natatanging papel ng
uring manggagawa para sa tunay na pagbabago importante
na muli natin suriin at tukuyin kung sino ba at ano
ang manggagawa lalo na sa isang panahon na binobomba
tayo ng isang katerbang depenisyon at pagpapaliwanag
na sa katotohanan ay pamamaraan lamang upang tayo ay
patuloy na malito at sadyang hindi maintindihan ang
ating posisyon at kamalayan sa ilalim ng isang
kapitalistang lipunan.

Sabi sa Communist Manifesto, sila ang uri ng modernong
sahurang trabahador/manggagawa na walang anumang
pagmamay-ari sa kagamitan sa paggawa, at ang tanging
natitirang kapangyarihan ay ang kanilang kakayahang
gumawa na kadalasan ay tinatawag na “labor power” o
kapasidad ng gumawa kapalit ang kakarampot na sahod o
kita.

Samakatuwid, ang uri (class) ay sadyang nabibigyan ng
konkretong depinisyon ayon sa relasyon sa produksyon.
Sa madaling pagpapaliwanag, ang uring nang-aapi
(kapitalista) ay nabubuhay sa pamamagitan ng
pagmamay-ari ng mga sensitibong kagamitan sa paggawa
(private ownership of the means of production) at sa
kabilang banda ang mga manggagawa ay nabubuhay sa
pamamagitan ng pagtatrabaho (wage slavery).

Dahil sa malinaw na pagkakahati ng dalawang uring ito
sa ating lipunan, maraming mga akademiko,
sosyolohista, maging mga seksyon ng sosyalistang
intelektuwal ay nagtangka na mag-isip ng mga
alternatibong depenisyon sa marxista/sosyalistang
pagpapaliwanag. Sa iba, lalo na sa mga burgis-liberal
na sosyolohista at mga romantisista, importante ang
istilo ng pamumuhay (lifestyle) bilang batayan upang
sukatin kung saang uri ka napapabilang. Oo nga
importante ang istilo ng pamumuhay ngunit hindi ito
sapat na batayan upang sukatin kung saan kang uri
napapabilang! Dahil dito, Sa kanila ang manggagawa ay
natatagpuan lamang sa tradisyonal na komunidad ng
paggawa kagaya ng mga planta o pagawaan. Kaya’t kapag
may nakita silang seksyon ng mga manggagawa na umaalis
sa mga tradisyonal na komunidad ng paggawa ay agad
nilang sasabihing ang mga ito ay nagiging gitnang uri
(middle class) na. kaya sa kanila ang mga manggagawa
sa hotel at restaurant, maging mga manggagawa sa auto
industry ay hindi na lantay na manggagawa kundi mga
manggagawang nasa proseso na maging peti-burges o
peti-bruges na (babalikan natin ang usapin ng
peti-burgesya mamaya).

Sa iba naman, pera ang batayan ng depenisyon ng uri
dahil ang kapitalistang sistema daw ay tungkol sa
pera. Sa unang banda mukhang lohikal naman na sabihin
na maaari kang sukatin bilang manggagawa batay sa
tinatanggap mong pera. Kaya’t kapag tumatanggap ka ng
below minumum wage ay tunay na tunay kang manggagawa
ngunit kung ikaw ay sumasahod ng P 700/800 kada araw
ay hindi ka na ganap na manggagawa. Sa katotohanan,
Hindi lamang ito baluktot kundi hiwalay sa isang tunay
na pagtatangkang sosyalistang pagsusuri ukol sa uri na
kung gagamiting parametro ng pagsusuri ay tila
paghingi ng tulong sa isang bulag upang tumawid sa
isang tawiran.

Tayo bilang mga sosyalista ay mas interesado hindi sa
gaano kalaki o kaliit ang sahod ng isang tao upang
tawagin siyang manggagawa kundi kung sino ang
nagpapasahod sa kanya at kung saan ito nagmumula.
Bagama’t totoo na iba-iba ang kita ng mga manggagawa,
wala naman yumayaman sa kanila sa ilalim ng ganitong
relasyon at sistema. Kahit na ang mga sinasabing mga
manggagawang may mataas na sahod ay barya lamang kung
ikukumpara ito sa kabuuang kita ng kapitalista.
Kadalasan, ang mga mas nakakaangat sa buhay na mga
manggagawa pa nga ang mas militante dahil hindi nila
maaabot ang ganoong antas ng pamumuhay kung hindi sila
kolektibong lumaban para sa kaganapan ng kanilang mga
ekonomiko at politikal na karapatan.

Sa iba naman at ito ang opisyal na depenisyon ng
burgis nating gobyerno, ang manggagawa ay yaon lamang
mga may malinaw na employee-management/employer
relationship, matatagpuan sa mga pagawaan o opisina at
sa huli may “regular” na katangian. Kaya’t ang mga
casual, informal o contractual na mga manggagawa ay
hindi pa mga “ganap” na manggagawa at dahil dito wala
silang karapatang mag-unyon o makinabang sa CBA ayon
sa lohika ng ating batas. Kadalasan, pinag-aaway pa
ang mga ito, regular laban sa contraktual,
rank-and-file laban sa superbisor.

Ngayon, kung ang mga nabanggit ay mga mali o kundi man
ay mga bansot ng pagpapaliwang ng uri at ng
manggagawa, Kung gayon, sino ba talaga ang manggagawa?

Bagama’t ang Communist Manifesto, isa sa maraming mga pagunahing
dokumento ng kilusang Marxista at mga sosyalista, ang
nagbigay ng unang konkretong pagpapaliwanag kung sino
ang manggagawa hindi rin ito sumasapat sa kasalukuyang
realidad. Ngunit tayo bilang mga sosyalista ay sadyang
humahabi pa rin ng malaking pagsusuri batay dito.
Kaya’t para sa atin, ang manggagawa ay kinakailangang
sinusuri pa rin sa ilalim ng lenteng sosyalista na may
malalim na pagdiin sa Marxistang pagsusuri at dahil
dito ang manggagawa ay sinumang:

1. Hindi nagmamay-ari ng kapital o mga kagamitan upang
lumikha ng bagay, serbisyo sa kanilang sariling
kapasidad.
2. Hindi nagmamay-ari ng kagamitan sa paggawa na
pwedeng mang-api ng kapwa tao.
3. Dahil hindi sila nagmamay-ari ng kapital o
kagamitan, lumilikha sila ng produkto o serbisyo para
sa iba kapalit ang konting kita.
4. Bahagi sila ng isang malawak ng hukbo ng reserbang
murang manggagawa (unemployed and underemployed).
Kaya sa ganitong klaseng depenisyon ng manggagawa na
mataimtim pa rin sa marxista o sosyalistang pagsusuri
hindi na lamang mga manggagawang industriyal ang
manggagawa kagaya ng tradisyunal na depenisyon ng mga
klasikong Marxista/sosyalista kundi kung sino man ang
pumapasaok sa kateogryang ito (may kotse man o wala,
nagsasaya sa dvd player o hindi, regular man o casual,
etc.) na sa dulo ay naiisantabi (marginalized),
‘alienated” kumpara sa mga kapitalista at nagmamay-ari
ng malaking negosyo.


Ang Nahiwalay na Seksyon ng Manggagawa

Ngunit kung ganito ang depinisyon natin ng uri at ng
manggagawa hindi ba tama na sabihin na manggagawa rin
ang mga Chief Executive Officer (CEO) at ang hanay ng
management ng kayraming mga kompanya? Hindi rin naman
nila pag-mamay-ari ang mga kagamitan sa produksyon,
sila ay nagta-trabaho at kumikita din sa ilalim ng
sistemang aliping pasahod?

Ngunit kung sila ay mga manggagawa bakit tila kalaban
sila ng mga mulat na maka-uring manggagawa sa kanilang
mga politikal at pang-ekonomiyang mga pakikibaka?

Sa isang teknikal na pagtingin, OO sila ay mga
manggagawa. At kadalasan kabilang pa rin sila sa hanay
ng lumalaking hukbo ng uring manggagawa. Sila ay
manggagawa sa isang teknikal na pagtingin dahil sila
ay tumatanggap ng sahod at ang kanilang kabuhayan ay
nakabatay sa nasabing sahod. Ngunit hindi tulad ng mga
manggagawang dinadalisay natin, ang pangunahing gawain
nila ay magsilbing destakamento ng aparato ng burgesya
sa pamamahala o “management” ng produksyon,
distribusyon at pagpapalitan ng kalakalan o serbisyo
na pagmamay-ari ng mga kapitalista. Kadalasan, sila
ang tumatayong tagapagsalita ng may-ari ng kapital,
mga pangunahing tinyente ng malalaking negosyo at sa
dulo ay may tuwirang “KONTROL” (kadalasan tinatawag na
Management Prerogatives), ngunit hindi pagmamay-ari ng
kagamitan sa produksyon, distribusyon at kalakal.

Dahil sa sinasabing “KONTROL” na ito na hindi naman
katangian ng mayoryang manggagawa sa sistemang
kapitalismo ang naging dahilan na kanilang
pagkakahiwalay sa malawak na hukbo ng uring gumagawa.
Sila ay pangunahing nahiwalay sa makauring kamalayan
(class consciousness) ng mga manggagawa dahil sa
kanilang matingkad na kontrol at tila masugid na
pagsunod sa linyang interes ng kapital.

Kadalasan, kinakahon o tinatawag sila ng mga klasikong
Marxista sa ilalim ng lebelong “peti-burges”, isang
uri sa ating lipunan na may mga lehitimong
demokratikong aspirasyon at may kakayahan na makibaka
sa ilalim ng radikal demokratikong linya ngunit hindi
kayang lubusang yakapin ang makauring interes at
adhikain ng proletaryo. Kaya’t sila ay namomobilisa at
bumubuhos sa lansangan sa mga isyu gaya ng corruption,
moralidad, reporma etc. lalo na kung naapektuhan ang
kanilang pangkabuhayang katayuan sa lipunan.

Ang tanong, dapat rin bang organisahin, imulat at
pukawin ang nasabing nahiwalay na seksyon ng uring
manggagawa?

Sa ating punto de bista ay walang masama. Kung
kakayanin, isama natin sila lalo na pagsasakatuparan
ng mga demokratikong aspirasyon at pakikibaka ng
samabayanan. Ngunit dapat maging malinaw sa atin na
ang ating pangunahing pokus, atensyon at enerhiya ay
nakalaan sa pangunahing uri na magsusulong ng bagong
lipunan at mundo, ang sosyalistang uri: ang
manggagawa.

Ngayon kung malinaw na sa atin kung sino ang
manggagawa ay muli nating silipin ang kanyang iba’t
ibang tipo sa ating kasalukuyang eksperiensya.


Ito ang ilan sa mga iba’t ibang uri ng manggagawa sa
ilalim ng lipunang Pilipino:

1. Manggagawang pormal
2. Manggagawang impormal
3. Manggagawang agrikultural
4. Manggagawang kababaihan
5. Manggagawang kontraktuwal
6. OFWs
7. Manggagawang walang trabaho ngunit handang gumawa
(surplus labor)
8. Manggagawang Manegerial

Sa ngayon, sa huling pag-aaral ang manggagawang
Pilipino ay umaabot mahigit kumulang sa 34 million
(2001 labor force), kalahati ng ating buong
populasyon, Sapat na bilang upang maghalal ng sarili
nilang presidente o gobyerno, sapat na pwersa upang
maging rebolusyonaryong pwersa ng pagbabago.

Ngunit ang hindi maialis na mga tanong ay bakit hindi
pa rin dumarating ang pagbabago? Bakit wala pa rin
sariling gobyerno ang mga manggagawa? Bakit patuloy pa
rin nakatali sa kaapihan ang mga mangagawa? Wala pa
rin ang inaasahang rebolusyon na sa kayraming mga
sosyalistang literatura ay pangungunahan diumaano ng
uring mangagawa?


Manggagawa: Pangunahing Motibong Pwersa ng
Pagbabago?


Sabi ni Karl Marx, ang bagong lipunan labas sa
kapitalismo ay kinakilangang kakitaan ng demokratiko
at kolektibong pamamahala ng kagamitan sa paggawa na
kung saan ang esensya ng pagtatrabaho ay boluntaryong
pinagkakaloob ng bawat indibiduwal na tao para sa
kabutihan ng lahat at sa dulo ang lahat ng kayamanan
likas man o nilikha ay maipamudmod ng makatarungan at
batay sa kanya-kanyang pangangailangan. Ang sinasabing
talibang uri na mangunguna para sa pagbabagong ito
labas sa krisis ng kapitalismo ay ang uri ng modernong
sahurang mangagawa na nilikha mismo ng sistema ng
kapital.

Ngunit babalik ulit tayo sa nakakabagabag na tanong,
ang rebolusyonaryong papel o gampanin na iniatas ni
Marx at kay daming mga sosyalista sa mga manggagawa ay
kaya pa ba nilang gampanan? Sa ngayon, marami sa atin,
maski mismo sa hanay ng mga sosyalista, maging mismong
mga lider-manggagawa ay tila nawawalan na ng tiwala o
kung hindi man tuluyan ng nawalan ng kumpiyansa sa
kapasidad at determinasyon ng uring manggagawa upang
baguhin ang lipunan. Sadya bang wala ng pag-asa at ang
kapitalismo na ang katuldukan ng ating buong
kasaysayan?

Ngunit kung atin din namang muling susuriin ang ating
karanasan sa ilalim ng kapiltalistang sistema ay tila
wala rin naman pagbabago.
Kung may pagbabago man ay tila sa antas lamang ng
kaapihan at kahirapan na kadalasan ay laging papunta
sa kasidhian. Ang pangakong kasaganahan at
pagkapantay-pantay sa ilalim ng kapitalismo ay
nanatiling isang malayong hinaharap.

Sa totoo lang, sa buong kasaysayan ng sistemang ito,
ang mga manggagawa ang pianakamarami at
pinakadominanteng uri saan mang panig ng mundo.
Tendensiya kasi ng kapitalismo ay pagpapalawig ng
kanyang pang-ekonomiyang sistema (kaya may neo-liberal
globalisasyon tayo), pag-accumulate ng labis na
kapital na kinakailangan ng pagpapalawig din ng uring
manggagawa, ng reserbang hukbo ng murang manggagawa at
ang patuloy na pagkakahati ng mundo sa lumalawak na
pagitan ng mayoryang mahirap at kakarampot na mayaman,
minoryang kapitalista at mayoryang manggagawa. Kaya
kung importante ang papel ng manggagawa sa ikakatagal
ng sistemang kapitalismo, mas importante ang papel
niya sa pagbabago.

Tandaan natin ang pusod at kaluluwa ng kapitalismo ay:

1. Kailangan ng kapitalismo ang manggagawa upang
lumikha ng produkto o serbisyo sa pamamagitan ng
eksploytasyon sa pagkamkam ng
2. Surplus value- labis na trabaho na hindi
nababayaran bunga ng mahabang oras ng trabaho, barat
na pasahod na pinanggagalingan ng kita at tubo ng
kapitalista.
3. Paglikha ng yumayabong hukbo ng reserbang murang
manggagawa na kailangan din upang magarantiya ang tubo
at pag-igting ng eksploytasyon
4. Ang sagarang dibisyon sa ilang nag-iisip
(kapitalista) at mayoryang nagbabanat ng buto
(manggagawa) na
5. lubhang nagpapanatili ng “alienation” sa hanay ng
mga manggagawa, ang patuloy na pagkahiwalay nila sa
mga kagamitan sa paggawa at sa produkto at serbisyong
kanilang nililikha na sa dulo ay lantarang pagsamba sa
rabidong
6. pribadong pagmamay-ari ng mga kagamitan (private
property).

Sa lahat ng nabanggit, may importante o
napaka-sensitibong papel ang mga manggagawa hindi man
nila ito gusto sa ilalim ng kapitalismo.
Nangangahulugan ng napaka-importanteng papel o
kontribusyon ng mangagawa sa pagbabago.
Nangangahulugan din na wasto pa rin ang makasaysayang
atas sa uring manggagawa, na siya ang may radikal na
responsibilidad at gampanin na pangunahan ang
pakikibaka para baguhin ang lipunan.

Ngunit kung pagbibigyan naman natin ang argumento ng
ibang mga kasama na hanapin natin sa ibang grupo sa
lipunan ang rebolusyonaryong inspirasyon o iatas sa
iba ang papel ng pagiging “pangunahing motibong pwersa
ng pagbabago” na tila “binigo” ng manggagawa ay tila
babagsak tayo sa tatlong katergorya.

Ating isa-isahin. Ayon kay Michael Yates (Associate
Editor ng Monthly Review):

1. Kapitalistang uri- wala tayong maasahan sa uri na
ito. Ito ang talibang tagapagtanggol ng umiiral na
sistema at natural na lohika ay magsasabi sa atin na
ang interes niya ay ang pag-sasaayos at pagdedepensa
ng sistema imbes na pagkadurog nito. Kahit mismo ang
mga nabansagang “enlightened” ones sa hanay ng mga
kapitalista kagaya ni George Soros at ni Joseph
Stiglitz ay hindi nag-aalok ng radikal na programa ng
pagbabago labas sa kapitalismo.

2. Gitnang uri (peti-burgesya)- Sila ay hindi
kapitalista o maituturing na manggagawa, bukod na
lamang siguro sa isang seksyon ng mga manggagawang
pangunahing nangangasiwa sa gawain ng capital (CEOs,
managerial employees etc.) na hinanay rin sa gitnang
uri. Sila ay maaaring “self-employed”, sumasahod o may
konting kapital .Kadalasan, gumegewang ang kanilang
interes, may bahagi sa kanila na gusto maging
kapitalista (upward mobility) at sa kabilang banda may
bahagi sila na sumasama sa mga progresibong masang
organisasyon, nakaka-intindi sa kanilang kalagayan
ngunit hindi laging maasahan. Sa kabuuan, wala sila
masyadong interes bilang isang uri hindi gaya ng
kapitalista o ng manggagawa na sadyang kanilang
kalakasan at kahinaan na rin bilang isang uri. Sa
huli, kayang umigting ng sistema kahit wala sila.

3. Uring Magbubukid- Ang mga pesante ang unang
binibiktima ng kapitalismo dahil na rin sa sila ay
umusbong sa ibang panahon (pyudalismo) kaya’t ang
kanilang mga sinauna o tradisyonal na pagkatali sa
lupa ay araw-araw dinudurog. Ngunit may mahabang
kasaysayan ng militansya ang mga magbubukid. Kahit si
Marx ay kinilala ang kanilang rebolusyonaryong
kapasidad at importansya sa pagbabago. Ngunit
importanteng elemento man sila sa pagbabago hindi sila
pwedeng maging pagunahing pwersa. Una, tayo ay
kinukubabawan ng sistemang kapitalismo na ang lohika
ay relasyong eksploytasyon sa pagitan ng kapitalista
vs. manggagawa (dahil kung hindi ganito dapat naabot
na natin kaagad ang sosyalismo pagkatapos pa lamang ng
pyudalismo) Pangalawa, sila ay lubusang tintanggalan
ng katangiang magbubukid, kinakamkam ang mga lupain at
marami sa kanila ay napapabilang na sa reserbang hukbo
ng murang manggagawa. At sa dulo, may posibilidad sila
ng pagkaubos (extinction) at totoong pwede rin
tumuloy-tuloy ang sistema kahit wala sila.

Ilang Puntos Hinggil sa Magbubukid

Hindi dapat nating ikatuwa ang tuluyang pagkadurog ng
mga magbubukid sa ilalim ng kapitalismo o tignan na
progresibong transisyon ito sa pagkahinog ng
kapitalismo papuntang sosyalismo bagkus dapat itong
labanan. Importante ang gampanin ng mga magbubukid at
kanilang kaalaman lalo na sa isang sosyalistang
lipunan lalo na sa usapin ng food security,
environmental issues at alternatibong pamamaraan ng
paglikha ng pagkain na hindi sinsagasaan ang kalikasan
o ang supply ng pinanggagalingang pagkain. Importante
rin na mabuo ang alyansa sa pagitan ng proletaryo at
magbubukid dahil sa lahat ng nakatalang kasaysayan
(Rusya, Tsina, Vietnam etc.) ang magbubukid lalong
lalo na ang pinaka-abante at pinaksulong nilang
seksyon ang pinakaminam na kakampi ng uring manggagawa
sa pagbabago.

Uring Manggagawa: Sosyalistang Uri

“Walang dangal ang hindi gumagawa”. – Amado Hernandez

Sa pagbabalik, kung wala sa mga nasabing uri ang
karakter ng “pangunguna” (primary motive force), muli
tayong babalik sa uring manggagawa. Kung atin muling
susuriin ang karakter ng kapitalismo kitang-kita ang
esensya at importansya ng manggagawa sa ilalim ng
kapitalismo. Muli natin balikan:

a) Sila ang dominanteng uri sa halos lahat ng panig ng
mundo na pinaghaharian ng kapitalismo.
b) Kailangan sila ng kapitalista sa produksyon
c) Sa kanila pangunahing nanggagaling ang tubo at kita
ng mga kapitalista bilang surplus value
d) Sila ay nasa pusod ng sistema kaya mas may
kakayahan silang intindihin ang karakter at lohika ng
sistema
e) Walang mawawala sa kanila (workers have nothing to
lose but their chains) dahil wala sila halos
pagmamay-ari bukod sa kakayahan nilang gumawa.

Dahil dito, tumpak pa rin ang engrandeng pagsusuma ng
mga sosyalista na ang mga manggagawa ang tagahukay ng
libingan ng sistemang kapitalismo. Nilikha hindi
lamang ng sistemang kapitalismo ang mga modernong
alipin sa katauhan ng manggagawa ngunit nilikha rin
niya ang pwersang magsasarado ng kanyang maka-isang
panig na kasaysayan.

Ngunit huwag tayong magkamali na isipin na kakayanin
lamang mag-isa ito ng mga manggagawa. Huwag din tayo
magkamali na isipin na hindi na importante ang ibang
pakikibaka gaya sa mga estudyante, gitnang uri,
kababaihan, magbubukid etc. para sa pagbabago. Ang
sinasabi lang natin dito ay ang uring manggagawa ang
“pangunahing” motibong pwersa at hindi natatangi o
eksklusibong motibong pwersa ng rebolusyon o
pagbabago. Kaya sa bawat paghakbang ng mga manggagawa
sa pakikibaka ng sambayanan kagyat na kasama nila ang
mga magbubukid, kababaihan, kabataan at iba pang
inaaping uri sa ating lipunan.

Bagamat tila may mga pag-atras ang mga manggagawa sa
pakikibaka, luhaan, duguan at tila sugatan sa muling
panlalakas ng kapitalismo lalo na sa kanyang
pangunahing expresyon sa anyo ng globalisasyon hindi
dapat ito maging rason upang pagdudahan ang kakayahan,
kapasidad at rebolusyonaryong karakter ng manggagawa.
Dapat magsilbing aral, hamon sa mga sosyalista, mga
lider-manggagawa lalong lalo na sa mga kabataan kung
papaano maghahanap ng mga makabagong pamamaraan upang
organisahin, palakasin at muling patatagin ang tiwala
ng manggagawa sa kanyang sarili upang lumaban para sa
tunay na pagbabago. Lalo na sa isang yugto na mas
mahirap mag-organisa at pagkaisahin ang mga manggagawa
sa ilalim ng rehimeng kontraktuwalisasyon at sagarang
anarkismo ng merkado mas kailangan tayo ng uring
gumagawa hindi ang ating mga agam-agam at kawalan ng
tiwala.

Tandaan natin, naitayo ang kauna-unahang sosyalistang
gobyerno at sistema sa buong daigdig sa ilalim ng
liderato at talibang pakikibaka ng uring manggagawa.
Ito ang rebolusyonaryong ambag ng kasaysayan ng
rebolusyong Rusya bilang pagpapatunay na kayang abutin
ang sosyalitang lipunan at kaya itong itayo mula sa
bisig, pawis, dugo, pagkakaisa at pakikibaka ng uring
gumagawa kasama ang lahat ng inaaping uri na handang
yakapin ang radikal na programa ng pagbabago na
hinahandog nito.

Lagi natin isaisip, ang tunggalian ng uri ay isang
mahaba at mapait na digmaan ng magkabanggang interes.
Ang kasaysayan ng tunggalian ng uri ay isang mahabang
kasaysayan ng pag-atras at pag-abante ng uring
manggagawa. Maaaring panalo ngayon sa ilang maliliit
na labanan ang mga kampon ng kapital ngunit tandaan
natin hindi pa tapos ang buong digmaan. Isang digmaan
para sa isang mas magandang bukas, isang digmaan para
sa katuparan ng proletaryong demokrasya. Isang digmaan
para sa Sosyalismo. Sosyalismo o Barbarismo!

At kung hindi ito gagampanan ng uring manggagawa hindi
matatapos ang digmaan. Kung hindi niya maiintindihan
at mauunawaan ang kanyang rebolusyonaryo at
makasaysayang papel para sa tunay na pagbabago sa
tulong ng mga sosyalista hindi matatapos ang engrande
at makabuluhang trabaho upang baguhin ang buong mundo.







Reference:
Communist Manifesto, Karl Marx and Friedrich
Engels
Social Movement Unionism, Alliance of
Progressive Labor (APL)
“Can the Working Class Change the World”,
Michael Yates Monthly Review
Marxism Encyclopedia Marxism Internet
Archives (MIA)

Friday, October 26, 2007

Let a Hundred EDSAs Bloom

By Emmanuel M. Hizon and James Miraflor

We are glad Mr. Joseph Estrada was pardoned. We are glad Erap entered into a compromise with Mrs. Arroyo, in effect absolving him of any wrongdoing he bestowed in a country so wronged and offended. Thank you for sparing us the effort to remind everyone that justice here in our society is a plaything of the rich and powerful, that the search for truth within the comforts of legalism, of our ‘beloved constitution’ and jurisprudence, is nothing but a blind alley.

We are also glad Mrs. Arroyo is capable of feelings, however twisted the brand of empathy and compassion she usually evokes whenever her throat and her ‘presidency’ is on the line. We are glad Mrs. Arroyo once again spat on the spirit and ethos of Edsa 2, reminding everybody especially the middle class that it takes more than a restrained remonstration to bring forward a better future free from elite exploitation and domination.

We are equally glad Erap puked on the masses who stormed the gates of Malacanang in Edsa 3, all for the comfort of his mansion in San Juan which none but the few like him enjoy. We are glad he swindled those who believed in him, those who sacrificed and died all in his name. We are glad the self-styled champion of the poor accepted a cowardly, pathetic and unsacrificing settlement with the same faction of the elite he regularly lambasted as the ‘real enemy.’ We are glad he finally went back to the fold of his true class roots. We are happy that with his newly found freedom he denied satisfaction to a people longing for truth, justice and accountability.

We are glad they did it. We are happy they finally shed any form of pretension and illusion. We are relieved they finally erased any memento that their was an indeed an “Erap-Gloria war”, that our society is stupidly divided between their interests, that our struggle is a fight between the camps of Estrada and Arroyo and that we are compelled to decide if we are for “Erap for the masses”, for “Gloria’s Economic paradise” or national suicide.

Now, it’s just between them and us, between the haves and have-nots, between the different factions of the elite pursuing the same elite interests and the poor who for the longest time have been sidelined, used and abused.

Now, let us march in the streets not in their name, not with their plundered resources, not with their prodding. Let us pour in the streets without them, without their plastic smiles, without their fake patriotism, without their unsolicited leadership, without their phony loyalty to the people—the same people they unhesitatingly rob and oppress whenever they are in power. We must hit the streets because we are sick and tired of them all. Let us tell them that we are tired of elitist reruns, of same conjured dreams, of the same trapo governance.

We must muster our strength because we believe that a better world is not only possible but is currently under construction. We should not limit ourselves in outlining an alternative society; we must begin building the edifice of a humane and egalitarian future now. For pete’s sake, let us spare the next generation of this system.

Instead of getting frustrated and disappointed, instead of running away to some first world country, instead of being paralyzed by apathy and indifference, let us have the resolve to have another Edsa. Let us reclaim it from the elite who bastardized it.

Let a hundred Edsas bloom. Edsa uprisings that are radical, mass-oriented and explicitly anti-elite rule.

Tuesday, October 9, 2007

"The Song Remains the Same"

Your words they make just a whisper
Your face is so unclear
I try to pay attention
And the words just disappear

Cuz it's always raining in my head
Forget all the things i should have said

So i speak to you in riddles
Cuz my words get in my way
I smoke the whole thing to my head
And feel it wash away


Cuz i can't take anymore of this
I wanna come apart
And dig myself a little hole
Inside your precious heart

Cuz it's always raining in my head
Forget all the things i should have said

I am nothing more than
A little boy inside
That cries out for intention
That i always try to hide

Cuz i talk to you like children
Though i don't know how i feel
But i know i'll do the right thing
If the right thing is in fear

Cuz its always raining in my head
Forget all the things i should have said

-Epiphany, Staind

Friday, October 5, 2007

Ten years and still angry



Ten years ago, I feel so invincible and indestructible. No baton, shield or threats of incarceration can break us. They will never break us. Not the hypocritical school dictator, not the local police, not even feudal god himself. We paint the town red, crimson red, scarlet-like, warning the unrepentant, giving notice to the coming. Words were shouting, written, angry, splattered on ugly Manila walls, reeking with piss and shit. Words, though sometimes alone, were never really alone. A reminder that the imperishable remain imperishable and unconquerable.

Ten years ago, I feel I can take the whole world, deny it and refuse it, rip it apart, rip it to pieces and rip the rotten cadaver out of its propertied soul. I scream so loud that no boundaries can limit it, no stupid blog can confine it, no restrictions and imposed margins can scare or mellow it, no politician can interpellate it.

Everyday for the last ten years, I can hear my scream echo in every street corner, in every diploma mill, in every factory, in every music and poetry, joining with other screams, with other roars, flirting with peril, like a bullet forever on a ricochet, coveting the impossible, demanding the unattainable, celebrating the orgy of the great unwashed.

Now, I’m 29 years old, ten years after. I'm sitting on the edge of the cliff, pondering, wondering, looking. Was it all worth it? Do I still feel unbreakable, undying and unyielding?

"It is always raining in my mind."

//////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////
//////////////////////////////////////////////////////////////////////////////
/////////////////////////////////////////////////////////////////////
////////////////////////////////////////////////////////////////
////////////////////////////////////////////////////////////
///////////////////////////////////////////////
/////////////////////////////////////
//////////////////////////
/////////////////
////////////
/////////
/////////

Was it all worth it?



You bet it is. And we are just warming up. Hear us roar louder. We will spit on the cradle of this ‘new democracy’ and mock it again and again. We will never be satisfied. We will never be contended. Yes, we will destroy your ‘world’ and build a new one instead.

Screw you. We're still here.


Emman Hizon, 29, and still angry.

Thursday, September 20, 2007



total wreck...

Monday, September 17, 2007

Silent All These Years - Tori Amos featuring Leonard Cohen



The saddest is also the most beautiful...
The loneliest is also the most fulfilled
The most fulfilled is also the the emptiest
The most loved is also the most hated...

Sunday, September 2, 2007

BRAD

***Para sa lahat ng katotong hindi naging mga kaibigan dahil naging mga kagyat na kaaway. Para sa lahat ng nasaktan, dinusta, kinamuhian ng walang dahilan at sinaktan pang muli. Mapatawad sana tayo ng kasaysayan at ng buhay sa ating mga kapalaluhan. Sayang at sadyang sayang ang mga pagkakaibigang hindi nangyari. Higit sa lahat, para kay Bems.


Kunin ang pamalo
Paluin at lumpuhin ang mahina ang pananampalataya
Utusan at gawing alipin ang mga kaibigan, kaklase at kasama
Umastang mga macho, siga at palaban
Gumuhit ng linya sa pagitan ng mga 'barbaro' at mga mahihina
gumihit ng linya at dugo sa pagitan natin at ng mga uhuging kapatiran
Gumuhit ng gumuhit
mamalo ng mamalo
umasta ng umasta

Kunin ang mga tubo, boga, martilyo at mga beinte nueve
karnehin ang kaaway paputukin ang mga ulo
Ihagis ang mga pillbox
Saluhin ang mga suntok
sugod atras sugod
may gulo tayo
may gulo tayo
may gulo tayo!
Ano nga ba ang iskor na? 3-2? 2-1? 0-2?
Basta,
Abangan sila sa kanto
Abangan sila sa kanto
Patayin sila sa kanto

Ipagdiwang ang kapatiran
Ipagdiwang ang bagong tinira
magyabangan
magbidahan
magpataasan ng ihi
'di ako umatras
'di ako natakot
buo ang aking loob
sinamahan kita sa dulo
Sinalba kita
pinagtanggol kita
Ginanti kita
malaki ang aking titi
Malaki ang ating titi

Kaya maghanda ng isang piging
Magkamayan tayo lagi
Magpalitan ng mga lihim at koda
Sampalin ang hindi matahimik
Magparami
Magparami
Mag-ubusan
Mag-ubusan
Brad
Sis
GC
GT
MI
Alpha
Beta
Chi
Delta
Epsilon
Neo
Full Brad
Half Brad
Master
Lord
Senyores
Alumni
Anib
Forever
May gulo
May gulo

Lahat tayo ay mga uhugin, duwag at iyaking paslit.
Kasing pangit at kasing krudo ng tulang ito, tayo.

Fratman ako.
Hindi ako fratman.




Emman Hizon
Scouts Royale Bortherhood (SRB)
Beta Tau Chapter
University of Santo Tomas

Ang Trahedya ng Wowowee Part 2 (Mga Tula ng Galit at Desperasyon)

At nahugot nga ni Willie, mula sa kahon, ang tamang sagot sa bugtong
Ni Lolito Go

Napako ang mga naluluhang
mata ni Tiya Meling sa T.V.
nang makita niyang umiiyak
ang Idol na si Willie,
hinahamon si Joey, kinukumbinsi
ang sambayanan na hindi siya
mandaraya, at ang istasyong
kinabibilangan niya ay laging
matapat sa layunin nitong
makapagbigay saya at pag-asa.
Nakalimutan na ni Tiya na iisang
tao lang ang nanghipo noon sa isang
kandidata sa Calendar Girl ,
ang nanakit sa bagong kasal niyang
asawa, ang naabsweltong bugaw sa Ultra
at ngayon, ang nabistong nananalamangka.

Nakalimutan na ni Tiya na galit siya
sa mga mandaraya, nakalimutan
din ni Tiya na noong nanakawan siya
ng paninda sa bangketa, binayaran
niya ng tig-sisingkuwenta ang mga
binatang gumulpi sa nahuling istambay.
At ni hindi tumulo ang kanyang luha
nang makita ang gumagapang
at duguang katawan ng kawatan.
Subalit tuwing humihingi ng paumanhin
ang idolo nya sa T.V., binubuksan niya
ang puso, pati lagusan ng kanyang luha,
at tinatanggap ang mga pampalubag-loob
na katulad nito: "Kapamilya, kayo po
ang tunay na bida dito, at hindi ako".

Araw araw tuwing tanghali,
bukambibig ito sa Wowowee.
"Salamat sa mga subscribers ng TFC.
Salamat sa pinadadala ninyong tseke,
sa mga pinagpaguran nyong dolyares.
Makakaasa po kayong aabot ito
sa bibig ng mga nagugutom."
Subalit hindi laging naililihim
sa loob ng mga bayong o ng mga kahon
ang katotohanang hindi kawang-gawa
ang paboritong palabas ni Tiya;
isa lamang ito sa maraming
hanap-buhay ng iilang nasa itaas
na magkakapamilya.

Sunday, August 19, 2007

ANALOG, Malakas St.


By Emmanuel Hizon


Small joint
Small talk
Cheap beers
Cheap thrills
Pink Floyd
In vinyl
Melancholic
Psychedelic

Debate
Articulate
Drink more
Deliberate
Drink more
Communicate
Intoxicated
Intellectually inebriated.

The children will play
The children will play
Hear their stories, songs and fears.
The children will play
The children will play
of hide and seek games
yet, nobody disappears.


Heavy rain
Big flood
We stay
You stay
You looked
I looked
Our best friend is our peripherals.

Past loves
Oh how they stay
Old school
Will you just go away?
Ancient
Archaic
Previous.
Before.

Do I need to drink in a 'museum' that is so full of you?
Do I need to get drunk with my forgotten self-imaginings of you?
Must I puke on the carcass--of what is left of us?
Must I wake up with a hangover of trying to get over you?

Oh, Analog. Primordials are the most painful of all.

Airport

by Emmanuel Hizon

Road after road of listless sights and fears, will you be here?
Night after night of sleepless hours of darkness,
wondering where you will be
Wondering where I will be.

And everything feels like the same
Nothing new
Except a few


Everything feels like the same
Consistently
Inevitably


Day after day of numb daydreaming, callous wandering
Hour after hour of counting infinity
Where do I begin?

And everything are shades of gray
Not black and white
I feel so gray

Everything is colored drab
No boundaries
Left for me.

Monday, July 16, 2007

Happy Birthday

Beinte Nueve...Malapit na sa Bangin.

Learning Curve

In the midst of winter, I finally learned that there was in me an invincible summer.
- Albert Camus

Sunday, June 10, 2007

Maraming pangalan ang kalungkutan


Nakikita mo sila sa iba’t-ibang hugis
Lumilitaw silang paisa-isa o sabay-sabay
Nagpapasalin-salin sa mga labi, sa mga pisngi
Dumadampi sa mga guhit ng palad sa kamay
Dumadadagan sa dibdib sa yakap na mahigpit.

Nagpaparamdam sila nang walang pasintabi -
Sa madaling-araw, sa tanghali o sa kalaliman ng gabi.
At madalas kung walang pagsidlan lumalabas sila
Sa mga lansangan, nakakasalubong mo sa tawiran
Humahangos kapag green na ang signal.

Sumasakay sila, nakikipagsiksikan sa MRT pa-Ayala
Nasa huling upuan sa bus papuntang Alabang
O taga-abot ng bayad sa jeep na biyaheng Baclaran.
Umuupo sila sa may fountain area sa Glorietta
O kasabay mong humihigop ng white choco mocha.

Nagsusuot sila ng iba’t-ibang estilo, bago o retro
Nanganganak ng maraming kulay, humahalo
Sa karamihan minsan kusang humihiwalay:
Matingkad na pula, itim, puting-puti, basta sari-sari
Ang tubog ng balat, ng damit, ng buhok, ng labi.

Kinakawayan sila, binabati ng kakilala,
Nakakabunggo, nakakasabay sa daan
Tinatawag sa maraming pangalan ang kalungkutan
Sa iba’t-ibang araw, sa iba’t-ibang lugar
Kahit pa nananahan sa iisang katawan.

Thursday, May 31, 2007

Perfect Day

By Lou Reed
Transformer (1972)

Just a perfect day,
Drink Sangria in the park,
And then later, when it gets dark,
We go home.
Just a perfect day,
Feed animals in the zoo
Then later, a movie, too,
And then home.

Oh it's such a perfect day,
I'm glad I spent it with you.
Oh such a perfect day,
You just keep me hanging on,
You just keep me hanging on.

Just a perfect day,
Problems all left alone,
Weekenders on our own.
It's such fun.
Just a perfect day,
You made me forget myself.
I thought I was someone else,
Someone good.

Oh it's such a perfect day,
I'm glad I spent it with you.
Oh such a perfect day,
You just keep me hanging on,
You just keep me hanging on.

You're going to reap just what you sow,
You're going to reap just what you sow,
You're going to reap just what you sow,
You're going to reap just what you sow...


"Perfect Day" is a song written by Lou Reed in 1972. Its fame was given a boost in the 1990s when it was featured in the 1996 film Trainspotting, and after its release as a charity single in 1997.

The song was originally featured on the 1972 album Transformer. The song's lyrics are often considered to suggest simple, conventional romantic devotion, possibly alluding to Reed’s relationship with Bettye Kronstadt (soon to become his first wife) and Reed’s own conflicts with his sexuality, drug use and ego.[1]

However, on a deeper reading of the song's lyrics, amongst the idealised description of a "perfect day", interposed lines such as "You just keep me hanging on", and "I thought I was someone else, someone good" suggest a far deeper yearning than just the superficial romantic cliches, and allude to the underlying and painful bitterness of nostalgia often felt even as an event is lived - an event one knows or fears to be a mere distraction or illusion.

Some commentators have further seen the lyrics as displaying Reed's romanticised attitude towards a period of his own addiction to heroin. Critics of this view assert that Reed never tried to conceal his drug use, so the song does not have concealed meanings of this nature. However, this popular belief of the song's underlying meaning gave many across the United Kingdom a smile when the BBC used the song and the charity version was released.

Reed re-recorded the song for his 2003 album The Raven.

(sourced from wikipedia)

Tuesday, May 29, 2007

Open Sea

By Emmanuel Hizon

She is a shipwreck
Feral tide in love with disorder
Overthrowing life
An orgy of pandemonium and un-peace
Drowning the unbelievers
Dragging to uncertainty who do

She is the brave blissfulness of disarray
Watching bodies upon bodies of desperation
Seeking air,
Clutching to whatever handles just to live
Their tired reruns
Holding on to loveless loves

Will you trespass the depths of her sanity
And plunge to the bosom of her promise?
The promise of getting you lost
You, closet wanderer, broken compass
Lonely lost and found attendant person
Finding almost everything, everyone
Except yourself.

Make love to her; make love to the open sea
Embrace her
Succumb to her
Resist her
Rebel for and against her
Break away
Swim wherever.

Tuesday, May 22, 2007

Ruins

By Emmanuel Hizon

Don’t talk to me anymore. Don’t utter nice words to me.
Don’t greet me with your beautiful smile. Do not even patronize me.
Don’t be so pleasant when I see you. Don’t try to be civil with me.
Don’t try to have a short chat with me. Don’t even try asking me how I am doing these days.
Don’t be too kind and concerned. Don’t look at me with your unyielding stares. Don’t thank me for anything. Don’t be a friend.
Just be on your on way. Just be on your way.

Instead, I want you to throw me your dagger glances that will cut me to pieces.
I want you to dismiss me without relent and mercy.
I want you to utter awful words that will stab my heart repeatedly like how a serial killer will.
Remind me how I almost wrecked your life.
Tell me that I am incapable of change or of having second chances.

I want you to be a full-time snob, an unmindful person,
Become my most distinguished radical stranger by the day.
Hate me again and again, despise me, and mock me if you will until I’m convinced with the feeling.
Be harsh and insensitive. Push me to the wall, make me feel that I’m a worthless piece of shit, the loser of all losers hitting rock bottom.
Let me scrap my own empty barrel; make me realize that I’m a negligible piece of dirt that must be kicked without remorse.

Do all these things…

Because each time you talk to me, I get rapt in your melodious voice and fragrant sighs.
Each time you utter nice words to me, hope, the deep-seated optimist will once again tap my back and let me charge the unconquerable windmills.
Because each time you smile, my wall of defenses I’ve worked so hard to build simply crumble into pieces. And I am tired of building it over and over again.
I’m tired of the ruins. I’m tired of sleepless nights thinking of you.
I am tired of writing every song and poem about you.

So, be callous, uncaring, cruel, numb, indifferent, cold and distant.
Obliterate me,
smash me to pieces,
beat the senses out of me and leave me for dead.
Show me no compassion, no understanding.
Obliterate me
Reduce me to nothing.



February 26, 2007

Friday, May 18, 2007

Paano Kitang Minamahal

ni Ravelth Castro


Ano’t kailangan ko ng lumisan ay hindi kita maiwan-iwan
Hindi masanay-sanay gayong paulit-ulit ka na noong namaalam
Tatakbo na lamang ang tren sa istasyon
Subalit waring mga punong nakaugat
Itong aking mga paa sa pagkakatindig sa hinatayan.
Hindi ko nais matinag o yumukod man lang,
Kahit kumurap at malingat ang tingin sa iyong mukha.
Ganito ang tindig ng isang pararangalan
Kapag tatanggapin ang kanyang parangal, kinakabahan
Subalit nakatango, nakamasid sa kanyang ginto
O ng isang deboto tuwing mamanata sa harap ng altar,
Mataimtim kung magdasal, malalim, katulad ng aking panalanging
Sinasambit parang ritwal, panay na panay kahit hindi
Nakaharap sa mga santo o mga litratong dinadasalan.
Ganyan din ang pag-usal ng dasal ng isang bayaning
Babarilin o lalatayin ang likod para sa kanyang bayan
Hindi mapag-imbot kung mag-isip, buong-buo kung magbigay
Ng sarili. Namamaalam subalit iiwanan ang kanyang aral
Maisusulat sa mga aklat, maikikintal sa mga utak
Ng mga anak, hanggang sa kanilang mga anak-anak
At mistulang isang istoryang hindi nagwawakas
Kung paanong ang pagkabilog ng isang bilog
Ay di nauubos o napuputol katulad ng singising
Kahit san malaglag ay mananatili sa kanyang hugis
Hindi maikakaila ang pagkabilog kahit anong panahon.

Ganyan sinta kung ibigin kita, walang kinikilalang
Taon, lugar, salita. Walang paghihiwalay na susukat
Sa aking di mabibilang na pagmamahal, di mahahati,
Kahit paulit-ulit mo akong iwan, saktan o masaktan kita.
Hindi itong pamamaalam ang siyang wawaksi
Sa di maampat kong damdaming lampas-dibdib
Iniibig kita hanggang sa muling pagkikita,
Hanggang sa muling paghihiwalay iniibig kita.
Hanggang sa muling walang katiyaka’y ikaw pa rin sinta
Kung ikaw ma’y muli’t-muling darating at lilisan sa aking kandungan.
Buong ringal kong sasabihin kung paano kitang minamahal
Minahal at mamahalin, paulit-ulit at malakas na malakas
“Ikaw lang at wala ng iba”, “Ikaw lang at wala ng iba”.

Wednesday, April 25, 2007

Walang tula ang kayang magbalik ng dating tayo

Emmanuel Hizon

Walang tula ang kayang magbalik ng dating tayo.
Walang mga tugma, linya at mga berso ang kayang magpalambot
sa mga pusong tila mga asero kung sumuntok sa pagmamatigas.
Walang mga suyuan, nakagisnang ritwal at pagsasamo ang kayang pakiligin at kilitiin ang mga malulungkot na sulok ng ating mga damdaming halos inamag na sa pagkaumay.

Walang tula ang kayang magbalik ng dating tayo.
Walang mga paumanhin, pangungumpisal at pagsisisi ang kayang magpapurol sa mga
Matatalim na tinginan at salita na ating pinansasaksak sa isa’t isa,
Malalalim at magpapasyang mga unday na sumusugat,
Tila mga lason sa ating mga ugat.
Walang anumang awit o ritmo ang kayang magpatulog o magpaindak sa ating mga kamalayang gising at dilat sa kalaliman ng gabi
Umiiyak,
nagluluksa
Sumisigaw ng tahimik sa ating mga ‘di inaasahang inabot at pasanin.

Walang tula ang kayang magbalik ng dating tayo.
Walang buhay, naghihingalo at patay na makata ang kayang mangumbinsi na dapat nating bisitahin ang museo ng ating nakaraan.
Lubhang hindi uubra ang mga taludtod at prosa nila Pablo, Francisco, Virgilio at Krip
Lahat sila ay pawang mga serye ng kabiguan
Walang historyador ang kayang maghalungkat ng ating mga nakatagong buto, mga antigong sumpaan at iba pang reliko,
Walang simuman ang may kakayahan,
Walang sino man ang makakahukay.

Walang tula ang kayang magbalik ng dating tayo.
walang bahay-aklatan at biblioteka ang makapagbibigay ng anumang ayuda
walang lansangan at bulwagan ang kayang magbitiw ng mga talumpati para muli tayong ipagdiwang
walang papel at panulat ang makakasulat ng anuman upang maging tayo muli.
Walang tula ang kayang magbalik ng dating tayo.
Wala,
Wala,
Wala.

Monday, April 9, 2007

Minsan, Kailangan Natin Ang Tumula

ni Fermin S. Salvador

Minsan, kailangan natin ang tumula:
Pagbigyan ang utos ng mayuming puso
Na isalaysay ang hibla ng pagsuyo
Sa panahong tigang ngunit nagdurugo.

Minsan, kailangan natin ang tumula:
Hangga't may sandali, ngayong dapithapo'y
Tila gumagapang dapwat nag-aapoy,
At ang kamalaya'y pawang pagtatanong.

Minsan, kailangan nating mabahiran
Ng tintang may hiyaw, may samyo, may igkas
Sa daliri't maging sa pusod ng lakas
Matapos mahimbing, maghaka't magmalas.

Minsan, kailangan natin ang umibig:
Sa kinabuwalang malamig na lupa,
Tukod ay pangarap at mga pandama,
Minsa'y kailangan natin ang tumula.

Thursday, March 29, 2007

Jun Ducat

Ano kaya ang tumatakbo sa isip mo ng mga panahong iyon?
Ano kaya ang nilalaro ng iyong pagal na pagmumuni-muni at pagninilay
Ng piliin mong igarahe ang bus sa tapat ng monumento ni Bonifacio
Bitbit ang iyong nakatikom kamaong galit na kay tagal mong tinago at binusalan.

Ano kaya ang tunay na dahilan?
Ano kaya ang sadya mong layunin?
Ng isara mo ang pintuan ng bus
kasama ang iyong mga mahal na musmos
Upang magbukas lamang ng panibagong pinto
ukol sa isang partikular na yugto
na wala halos nangangahas sumilip o panandaliang pumasok.

At ano ang yugtong ito?
Ano ang iyong binabanggit na realidad?
Ano itong katotohanan na sadyang pilit pinapagpag ng marami
At pinagdadamutan ng pansin?
Ano itong luma at inaamag na istorya na iyong nais muling ikwento
At ilathala sa panlipunang libreto ng tao?

Ito ba yung sumisigaw na realidad na kailangan mong gawin ito?
na kailangan pang mangyari ito?
Upang maipaabot at mairehistro ang sugat ng marami,
Ang lalim ng peklat ng mga binusabos at inapi
sa mga nahihimbing at kinakalyong damdamin ng mga walang pakiramdam
sa hanay ng mga kunwaring inosente at walang alam
sa mga nagbabalat-kayo at mga swapang.

Ito ba yung katotohanan na sadyang binabaliw tayo ng bulok na sistemang ito
Ang paulit-ulit na kwento ng mga pamilyang sama-samang nagpapakamatay
nasisiraan ng bait dahil sa gutom
Kahirapan at kawalan ng pag-asa
Ang araw-araw na pagpapatiwakal ngunit walang pangako ng kamatayan
Ang taon-taon na kalbaryo
Ang minu-minutong paghuhukay ng sariling libingan
Ang paghahanda ng mumurahing nitso.

Ngunit ano ang sinabi at ganti nila sa iyo?
Ikaw daw ay sira-ulo, anarkista
Bayolente at terorista.
Silang mga hipokrito, mga bulol na verbalista at mga sinungaling,
Silang mga mahilig ngumawa at magreklamo
Habang komportableng sumisipsip ng kape sa malalamig na coffee shop,
Silang mga hungkag at duwag na usisero ng buhay.

Alam ko at alam mo rin,
Muli ka nilang ilalagay sa piitan,
dudurugin,
wawasakin
at pilit lilimutin.
Ngunit huwag kang mag-alala,
Huwag kang malulungkot.

Darating ang araw tunay na sasabog ang mga granada,
Darating ang araw mabibingi ang lahat sa putok ng mga gatilyo,
Susuntok sa langit ang milyong mga kamao
At sasaya ang mga musmos gaya ng pinapangarap mo.



Emmanuel Hizon Marso 2007

Monday, March 12, 2007

"Comfortably Numb"

Beginning tomorrow
everything will change
I will start dying assiduously
wisely optimistically
without wasting time

-Tadeus Rosewicz



I woke up early, decided on things, closed a lot of doors and contemplated on almost everything my mind can think of during that moment. I just woke up and I'm tiring myself already. Anyway, the sun shines differently now in my bedroom. The morning seems pleasant enough. My old lady neighbor got a new hairstyle. A girl across the street gave me the most beautiful smile ever. And I am chewing gum.

The morning seems pleasant enough.

Wednesday, March 7, 2007

Sick and Tired

I'm so sick and tired of writing every song and poem about you...



Saturday, March 3, 2007

Time to Move On


A piece by Paulo Coelho entitled ‘Closing Cycles’: (Salamat Bonn)

One always has to know when a stage comes to an end.

If we insist on staying longer than the necessary time, we lose the happiness and the meaning of the other stages we have to go through. Closing cycles, shutting doors, ending chapters – whatever name we give it, what matters is to leave in the past the moments of life that have finished.

Did you lose your job? Has a loving relationship come to an end? Did you leave your parents’ house? Gone to live abroad? Has a long-lasting friendship ended all of a sudden?

You can spend a long time wondering why this has happened. You can tell yourself you won’t take another step until you find out why certain things that were so important and so solid in your life have turned into dust, just like that.

But such an attitude will be awfully stressing for everyone involved: your parents, your husband or wife, your friends, your children, your sister, everyone will be finishing chapters, turning over new leaves, getting on with life, and they will all feel bad seeing you at a standstill.

None of us can be in the present and the past at the same time, not even when we try to understand the things that happen to us. What has passed will not return: we cannot for ever be children, late adolescents, sons that feel guilt or rancor towards our parents, lovers who day and night relive an affair with someone who has gone away and has not the least intention of coming back.

Things pass, and the best we can do is to let them really go away.

That is why it is so important (however painful it may be!) to destroy souvenirs, move, give lots of things away to orphanages, sell or donate the books you have at home. Everything in this visible world is a manifestation of the invisible world, of what is going on in our hearts – and getting rid of certain memories also means making some room for other memories to take their place.

Let things go. Release them. Detach yourself from them. Nobody plays this life with marked cards, so sometimes we win and sometimes we lose. Do not expect anything in return, do not expect your efforts to be appreciated, your genius to be discovered, your love to be understood. Stop turning on your emotional television to watch the same program over and over again, the one that shows how much you suffered from a certain loss: that is only poisoning you, nothing else.

Nothing is more dangerous than not accepting love relationships that are broken off, work that is promised but there is no starting date, decisions that are always put off waiting for the “ideal moment.” Before a new chapter is begun, the old one has to be finished: tell yourself that what has passed will never come back. Remember that there was a time when you could live without that thing or that person – nothing is irreplaceable, a habit is not a need. This may sound so obvious, it may even be difficult, but it is very important.

Closing cycles. Not because of pride, incapacity or arrogance, but simply because that no longer fits your life. Shut the door, change the record, clean the house, shake off the dust.

Stop being who you were, and change into who you are.

Friday, March 2, 2007

The Eternal Flaw

Let’s just say that I’m tired. I’m tired of all the wrongs and the occasional rights that I have done and will continue to do. I just want to stop. Halt and rust until time forgets all about me. I just wanted to end whatever life is breathing, beating in this dung heap flesh held together by a tattered and worn out soul. How I yearn for a car crash, an accident that does not want to be rescued, jammed traffic intersections where I can just lay still, go deaf and oblivious.

Have you been at the edge of the roof? The eternal flaw is so profound that it is impossible to fix it. You are left with nothing genuine, nothing true except the feeling of being alone and empty. It is always raining in my mind. And I am flooding this barrenness in me. The dam I built a long time ago now stands in ruin, proud no more. The craving of deliverance is unsatisfied, unfulfilled. Dearth of everything I miss. My seasons are leaving without any particular reason. My demons I try to exorcise in a ritual of sincerity and mendaciousness. However, they come back. I know they’ll come back. They always do. How I wish I could talk to an angel and tell him, tell her, tell them that I am here, there and nowhere all at the same time.

Sometimes I wish for a sunburn. Walk indiscriminately in a white shoreline and bask in the radiance that never was. I wish I could touch the horizon and see what is beyond the fixated stars that shine best when nearing death. My ever-gazing star. You shine best now.

I wanted to drown together with you because last night you were the sky and today you are the moon. But you are not there. Can I ask you where are the fireflies that make your slit eyes glow like fire in dark caverns where I hide my sorrows? I almost miss your fragile hands. I can still hear how it makes beautiful music like how a piano makes a filthy bistro the most beautiful place in this fleeting world with her melody of black and white keys.

Let’s just say its over. The start and the end are fast closing on us. Like a faded black and white film, you have seen the reruns but you still fall for it everytime. You fall into a thousand pieces. You are scattered like unmindful pieces of glass waiting to cut and slit some wrist, some vein, some drifting life. You and I are the shards of my former self.

Apr1012_puerto_galera_088

I am tired. But I am fine.



sashaninel may182006

Wednesday, February 28, 2007

HOPE

Katulad ng iyong pangalan umasa ka sa pag-asa na
Maaari kang yakapin ng lantay na pag-ibig
Na baka sakaling mauwi ang mga palihim na tagpuan at suyuan
Sa isang matamis na pagtatapos
katulad ng lagi nating nababasa
Sa mga wakasang nobela at komiks

Katulad ng iyong pangalan, kumapit ka sa pag-aakalang mapagbigay
Ang dampi ng pag-asa, ang bulsa ng kapalaran sa mga katulad mong
Naghahanap, lumalaban para sa sariling espasyo at kahalagahan sa tila
Walang katuturang ikot ng mundo

Katulad ng iyong pangalan,
pilit kang nagpumilit na baka sana, siguro, maaari
at nagtatanong bakit naman kaya hindi?

Pero hindi mabait ang kapalaran sa madaming pagkakataon
At ang matapang mong pag-ibig ay hinusgahan at kinutya
Ang iyong pagtitimpi at sakripisyo ay hinamak at paulit-ulit na
Pinaglaruan sa artipisyal na pagsusuri ng midya at bulaang tsismisan
Ang iyong matiponong iniirog ay iniwan kang nag-iisa,
Itinakwil, pinagtulakan, inaalay sa mga buwitre at pinasinungalingan.

Ngayon, ikaw ay nag-iisa,
sadyang pinagtutulungan ng lahat
Pinagpipiyestahan ng lahat
Binansagan, minaliit at pinagtatawanan
Mismong tawing mong pag-asa ay tila nilayasan ka at pinagtaguan
Ikaw o Pag-asa, na ang tanging kasalanan ay umibig ng matapang.

Ngunit sino nga ba ang tunay na pokpok at kaladkarin?
Ikaw ba na ang tanging nais lamang ay lumigaya at mahalin?
Ikaw ba na nangahas na basagin ang mitos ng moralidad ng bugaw na lipunang ito
At sadyang ipagdiwang kung ano talaga ang pag-ibig
Labas sa mga nakagisnang depenisyon,
Parametro,
Limitasyon
At tradisyon?

O baka naman sila ang tunay na may bahid ng putik?
Ang mga duwag at uhugin na hindi kayang umalpas at
bumasag ng mga masisikip na konsepto ng pagmamahalan,
Ang mga nagba-banal-banalan at pagod na mga purista,
Ang milyon-milyong kaladkarin na mas may panahon pa
sa mga buhay ng artista at basketbolista kaysa sa kanilang tunay na panlipunang suliranin.

O Pag-asa, marami silang sinasabi,
Kay dami nilang mga gawi
May lason sa kanilang mga labi
Ngunit ‘di hamak, sa katotohanan
mas marami kang binabali…


Pebrero 2007




Gunita

May mga bagay na hindi kayang burahin
Ng nayayamot na panahon
Hindi kayang ibaon sa baul ng pagkalimot
May mga hapdi araw-araw
Dayap ang kapanalig
May mga peklat
Dumudugo ng tahimik.

Kagaya mo multo ka ng aking alaala
Ilang beses na kitang pinalayas
Ngunit nandito ka pa rin at nagwawala
Sinakop ang bawat kanto, tuldok ng aking gunita
At ako’y nakikiusap
Nakikiraan
Patabi-tabi
Na baka pwedeng mamasyal sa nakaraan
Ng hindi ka laging sumisilip.

Nasaktan nga kita
Labis pa sa paulit-ulit
Bumitiw ako, napagod
Ngayon tila ako ang tumitirik
Sa paahon na kalsada
Bumibigat sa patutsada
Ng mga maling paghihinala
Baluktot na pag-aakala
Ngayon ikaw ay wala na
Naririyan ngunit tila wala na
At dahil dito, ako rin ay wala na.

Janica

Mahal ngayon ako ay hinahabi ng gabi
karayom at sinulid na pilit pinagsasama ng panahon
katulad ng tula ko sa iyo hindi ko alam kung saan
binurda, kung saan tinahi
ang alam ko lang uumagahin ako sa
pagreretaso ng iyong mukha at alaala.

Ako ang mananahi ng lahat ng lungkot
patuloy na patiwakal sa ugong
ng ating mundo
ikaw ang kamay na sumusuklay sa hangin
lantarang walang kibo
tulala sa lundo ng...

ewan ko
basta
ang nararamdaman ko lang ay
inaantok na ako
ngunit mamaya siya ay lilisan din
ngunit ikaw ay huwag sana
dahil
ikaw
na
lang
wala
ng iba

Dreaming of Green


You are creation’s color painted in my self-imaginings
Celebrated in a dream sequence of cut and paste realities
From previous pages of known boxed worlds.

You are a rockstar
Envy of walking spotlights and big stages
Making long lines only to transform them into a beautiful mob
Them building a temple
Them building a pedestal
Them building an altar
For you divine deity
Exquisite rabble-rouser
When all you sincerely want is the embrace and the tempest of the open sea.

You are more than a thought
For thoughts are forgotten or shelved intended for another time.
You defy time, space and constraints
You are my most pleasant anomaly
Burying the old with your quick-paced wit
Unmatched
Stuff of legend.

You are a shooting star (and I am the tail)
Profound
Perfect and yet fleeting…
I used to dream of forever when all I really need is a moment
My self-being is complete and yet lacking.
You are.
And my words are desperate in deciphering you.
In my dreams I am blissfully drowning in evergreen.
Posted: June 9, 2006

>I< Revisited

I am writing this thing because i terribly miss you.
Miss you in ways my heart cannot endure. i see beauty
in a country full of lovely people and yet i cant help
but think about you, write you in this great distance,
search for your soul and clarity in this sea of great
severance, want you and crave for you again and again.

Yes you are right,
India is a very beautiful place.

But nothing compares to you, nothing surpasses your
rhyme. If your heart is a lovely continent, a lost
country of beauty and grace, ill go back again maybe
even settle there. Stay there not because i want to
take over the affairs and beatings of your heart nor
to treat it like a conquest suffered by many nations
colonized.

I want to settle and dwell in your heart because i beg
for the nourishment of your sweet escape, to inherent
your time even if it is temporal, and lastly humbly
love you, love you and love you.

My heart is like
Calcutta and Mumbai. We share the
same beggars, we share the same want, needs and alms.
We share the same longing and waiting. The beggars of

Calcutta and mumbai want their lives and dignity back,
while me, I want your light like how moths fall in
love with fireflies. I long for your you, yes you,
woman of countless words.


I crave. I search and search for the captivating
redemption of your closet heart.Taking you away from
me is like taking away a very important piece of me,
its like taking away a large part of me.

I miss you very much and
India greatly understands.



last night it rained.

/////////////////////////////////////////////////////////////////////////////
///////////////////////////////////////////////////
//////////////////////////////////////////////////
////////////////////////////////////////////////
/////////////////////////////////////////////////
///////////////////////////////////////////////////
///////////////////////////////////////////////////
//////////////////////////////////////////////////
/////////////////////////////////////////////////
/////////////////////////////////////////////////

Then i remembered you. I remember you and your small
and fragile hands. So small raindrops will wither in
envy.... so fragile, music of butterflies.

Butterfly

TrbutterflyI saw you last night in my dreams. You are the same radiant and beautiful soul that profoundly roams this barren and desolate world. The same woman I held once with in the cold night of Sagada. You possess those fragile hands, those deep penetrating eyes that are subject of my many poems about you. I saw you last night in my dreams and it pains me in such sweet abandon to know that you occupy my mind even the remoteness of my seldom imaginings.

Why is it that I cannot exorcise you and your face from myself? Why is it you keep on coming back like a tired black and white film? Why is that I desire you and your presence even if I know that it will take me to the end of all life even time itself just to be granted with that wish?

And yet I am still here consumed by your memory, burning with your fragrance, sometimes from a distance often without remorse. You haunt me more than restless souls will, lurking and drilling my dismal heart as if searching for things, for eroded memories I have long ago kept deep in my fleeting soul.

I thought it was just a sudden surge of feelings in a very cold and beautiful place. Good conversation, meeting of some sorts. But I was wrong. Now I know the answers. I found in that unfathomable place a special thing, the gift of the union of hearts locked in the sweet air of our breath… even if it is ephemeral, it is true and honest love. The right love at the right place but at the wrong time you said. But what is time compared to this? Love like time when properly defined loses its meaning, its purpose and logic.

Why am I doing this? You’re taken like you always say. Did I come in late? I know you feel the same. Strongly you said but certain things hinder you from letting it soar. Free without the usual boxes, labels and excuses. Then why am I like this? Why am I feeling this?

Hope. Like what I said to you before, hope the perpetual and radical optimist. Hope, the quixotic friend of love lost and wanderers. Hope even in the certainty of failure, of defeat. You asked, what would you do if you know that you will not fail? I countered back with the question, what would I do if I know I will?

I already told you the answer. That’s why I’m doing this. Ready to suffer the consequences like how a moth seeks the burning flame of redemption. I want you. To be away from you is like taking away the air I consume to live.

One thing is for sure… I realized through countless reflections that I really want you, even love you. Love you like how saints and martyrs have shown the way. Love you as if I am running out of air to breathe, of life to live, of time to exist.

Lastly, I admire you not just because of aesthetic and physical reasons but because in you I can share thoroughly my passion, my beliefs, convictions and sadness. I truly admired your sorrow and sadness for a beautiful country ravaged and robbed by its own people. Your sometimes disillusionment to our cause because it genuinely reflects how honestly you care and love our people.

Words are never enough to capture you. But I am writing with utmost sincerity, honesty and unsullied intentions. I write this not in haste, nor to rush you at things. I write this because it must be written and it belongs to you.

sashaninel 2003

Bagahe

Lubusang bagahe ang iyong mga alaala sa akin. Halos makuba ako sa pagbibitbit ng mga dalahing ito ngunit patuloy ang aking pagkarga, patuloy ang pagdala ko sa iyo. Male-maleta ng iyong nakaraan ang aking araw-araw na dinadala. Sa mga makikipot na daan na minsan lamang dapuan ng liwanag, sa mga eskinitang tinambayan ng aking lungkot at pagdurusa, sa mga kalsadang inaspalto ng luha, pagod at kawalan ng pag-asa, sa mga baku-bakong lansangang madalas ko tirikan. Dito,dito kita pilit tinatawid.

Madalas, gusto na kita iwan, madalas gusto na kita itapon sa mga matatarik na bangin ng pagkalimot, madalas gusto na kita ibaon sa aking baul at ilibing ito sa kinakalawang kong puso, ngunit ikaw ang tipo ng bagaheng hindi ko maisantabi, maiwan at maitapon.

Hanggang kailan kaya kita papasanin, hanggang kailan ka kaya manunukso ng mga baka at posibilidad sa aking naghihingalong pagsusuma, kung may pag-asa pa nga ba tayo? Male-maleta ang iyong nakaraan na umiikot sa aking gunita, kahon-kahon ang ating mga away at hindi matapos na paalam sa isa’t isa.

Alam ko ganito ka rin dati. Naglalakad ng nakayuko, halos mabali ang mga buto sa mabibigat na pasanin. Ngunit sabi mo nga ikaw ay lubusang masaya na, sa ganyan, walang hinahanap, walang ginugusto, walang hinihintay.

Bakit ba tayo umabot sa ganito? Sino ang makakapagsabi na magpapalitan tayo ng mga mala-punyal na salitang hindi natin alam kung saan hinugot, na magbibigayan tayo ng sakit at pighati at sa dulo halos pumasan ng mga kabundok na pasanin at bagahe na ‘di nagpapatulog sa atin sa maraming gabi?

Mahal na mahal pa rin kita. Ngunit baka tama ka nga na malamang hindi na rin sasapat ang mga ito. Wala na siguro sasapat. Wala ng makakahatid sa atin sa pampang upang maging tulad ng dati.

Naiisip parin kita. Naluluha pa rin ako sa mag paulit-ulit na bangungot ng ating nakaraan. Hanggang kailan kaya kita papasanin? Hanggang kailan kaya kita titiisin?

Ikaw ang aking pinakamasaya, pinakamaganda at pinakamalungkot na bagahe at alaala.

Nakakakuba magmahal at ang pagtatangkang lumimot…


sashaninel feb2007