Thursday, November 20, 2008

Royale Blood


ANG KASAYSAYAN NG SCOUTS ROYALE BROTHERHOOD
By Bro Jun Cristobal
Alpha Delta '74









* Currently, there are three types (not factions as some would claim) of SRB, One is the SRB-APO, SRB members who eventually became APO but have deep affection and bonds with SRB, the second is the SRB traditionalists, members who while remained SRB have maintained a strong bondship and fraternal affinity with APO by virtue of its bloodline with the APO Alpha Delta chapter and lastly, the SRB Forever, who have since declared independence. However, all SRBs are united in developing Leadership, promoting Friendship and rendering genuine Service.

In some schools, SRB and APO not only co-exist but have strong mutual and fraternal relationships.

From an intermediate service fraternity for high school students in 1975, SRB is now an Intermediate and Collegiate International Service Fraternity with chapters in major colleges and universities nationwide as well as abroad. Last September 22, SRB celebrated its 33rd anniversary. Mabuhay ang SRB! LFS!

The owner of this blog identifies himself with the second type of SRB.





Alpha Delta

Ang Alpha Delta ay ang chapter ng Alpha Phi Omega sa San Sebastian College-Recoletos na nabuo noong 1965. Ito ay isa sa mga matibay at malakas na chapter ng APO di lamang sa University Belt area kundi sa buong kamaynilaan at Pilipinas. Sa katunayan isa sa mga brother na mula sa Alpha Delta ang naging pambansang pangulo ng APO, si Bro Cary Lazo, Alpha Delta '70. Bukod dyan kilala ang mga kapatid sa Alpha Delta sa pagdamay sa mga iba't ibang chapter na may mga problema partikular noong dekada 70.

Ang dekada 70

Ang dekada 70 ay isang kasaysayan sa Pilipinas na punong-puno ng karahasan sa hanay ng mga kabataan at estudyante. Pumutok ang First Quarter Storm noong Enero 1970 at mula noon ay lumubha ng lumubha ang gulo sa Kamaynilaan bunga ng labanan ng mga estudyanteng aktibista at mga pulis na na naging dahilan upang ipataw ang batas militar (Martial Law).

Tumahimik ang mga kolehiyo at unibersidad nguni't mga ilang panahon lamang ay nagkagulo na naman sa mga paaralan, hindi bunga ng aktibismo kundi dahil sa Frat Wars na kinatatampukan ng Alpha Phi Omega, Beta Sigma at iba pang fraternities sa iba't ibang unibersidad at kolehiyo sa Kamaynilaan tulad ng sa Alpha Delta.

Frat war ng APO at Beta Sigma




Ang Frat War ng APO at Beta Sigma ay pinakatampok sa mga Frat Wars noong dekada 70. Ito ay marahas at madugo ngunit labanan din ito ng talino, stratehiya at taktika sa pag-atake, rambulan at kahit na sa larangan ng katalinuhan sa pag-aaral. May mga magkakaibigan sa magkabilang panig ngunit kung may Frat War nagiging magkaaway sila. Nagpapaligsahan din sa recruitment ang APO at Beta Sigma ng mga neophytes. Violente, mapanganib nguni't punong puno ng indoktrinasyon sa prinsipyo ng APO at Scouting ang initiation ng mga kapatid sa APO. Hindi lang tapang ang kailangan, higit na kailangan ng talino para pumasa at maging APO ang isang neophyte.


Ang pagtatatag ng Scouts Royale Brotherhood

Hindi basta naitatag ang Scouts Royale Brotherhood nang ganoon na lamang. May mga sitwasyon at dahilan bakit ito nabuo ng mga kapatid sa Alpha Delta. Ito ay bunga ng gulo ng APO at Beta Sigma. Ang Alpha Delta ang isa sa pinakamalakas na chapter ng APO at ganoon din ang Beta Sigma sa San Sebastian College. Hindi lang tagisan ng tapang, kasama rin ang talino sa karakter ng Frat War sa Alpha Delta. Nagbuo rin ng high school fraternity ang Beta Sigma at tinawag nila itong Betan Elite na may chapter din sa San Beda College.

May mga high school din sa Alpha Delta na di maiiwasan na maging interesado sa mga nangyayari sa APO at Beta Sigma. Lumalapit sila at minsan ay umiistambay sa tambayan ng APO sa likod ng Simbahan ng San Sebastian College, sa 1925 International Restaurant at iyong Bamboo House. Karamihan sa kanila sa pamumuno ng yumaong Bro Bing Marabut ay gustong mag-APO ngunit hindi maaari dahil ang APO ay pang kolehiyo lamang. Madalas sila doon at nagmamasid sa mga kilos ng mga kapatid sa APO.

Sa panahong ito ng unang semestre ng school year 1975, si Bro Bong Manuel, Alpha Delta '72, ang Grand Chancellor ng Alpha Delta at si Bro Len Toledo, Alpha Delta '73, naman ang sumunod sa kanya. Ang master initiator ay si Bro Col Vic Tomelden, Alpha Delta '73 at Bro Ferdie Villa ng Alpha Eta. Malakas ang pwersa ng Alpha Delta at halos ganoon din ang Beta Sigma at ang Betan Elite.

Tanghali ng September 19, 1975, naglalakad si Bro Col Vic Tomelden at Jun Cristobal, Alpha Delta '74, sa harap ng gate ng San Sebastian College upang mananghalian sa Luisa and Sons sa may CM Recto at Legarda. Bigla na lamang silang pinaligiran ng mahigit 50 miembro ng Betan Elite na may hawak na mga panaksak, tubo, kadena at iba pa. Nabigla ngunit di nawalan ng loob sa gitna ng panganib ang dalawa at bago pa man maihampas ang unang tubo, nakapagsalita si Bro Jun Cristobal upang makipagnegotiate sa mga Betan Elite. Nakumbinsi na hindi dapat magkagulo ang mga high school at college students kahit magkaiba pa ang mga fraternities sa iisang kolehiyo. Hindi natuloy ang gulo ngunit nagbigay ito nang isang kakaibang sitwasyon sa mga pwersa APO at Beta Sigma.

Bunga nito, napag-isip ng dalawa na gumawa ng hakbang upang mabalanse ang pwersa ng APO at Beta Sigma sa Alpha Delta. Nakipag-usap ang dalawa kay Bro Bing Marabut at itanong kung ano ang lagay ng Betan Elite sa mga high school na estudyante sa San Sebastian College. Sinabi ni Bro Bing na maraming galit sa mga Betan Elite na mag-aaral at sila ay binu-bully madalas at pinagtatangkaang saktan. Kung maoorganisa ang mga naaaping high school ay matitigil ang pagsisiga-sigaan ng mga Betan Elite. Napagkasunduan na makipagpulong iyong mga inaaping high school sa dalawang APO matapos ang klase. Ipinaalam din ng dalawa ang nangyari kay Bro Bong Manuel at ilang brods sa Alpha Delta.

Kinagabihan ding iyon ay nakipagpulong si Bro Vic Tomelden at Bro Jun Cristobal kay Bro Cary Lazo sa bahay nito at agad syang sumang ayon sa ideya ng pagbubuo ng high school fraternity sa Alpha Delta. Matapos ang dalawang araw at sa basbas ng Grand Chancellor na si Bro Bong Manuel, naging pormal ang initiation ng mga high school sa San Sebastian College Church Yard noong September 22, 1975, alas tres ng hapon.

Nang malaman ito ni Bro Boy Aure, Beta Alpha '75, nakapagrecruit sya ng 3 high school mula sa NCBA upang maisama sa 37 charter member. Tinagurian ni Bro Len Toledo ang yumaong Bro Bing Marabut, presidente ng mga charter members bilang Il Duce. Napagkasunduan din na tawagin ito na Scouts Royale Brotherhood (SRB) upang magkaroon ng distinction sa ibang Greek Letter Fraternities. Ang unang seal ng SRB ay dinesenyo ni Bro Bobby Vette ng Pi. Si Bro Vic Tomelden at Bro Jun Cristobal naman ang naging master initiators.

Ang indoktrinasyon ng SRB ay base sa mga prinsipyo at paniniwala ng APO tulad ng Leadership, Friendship and Service, the 12 Jewels of Scout Law, 4 Folds of Services at yong Motto of doing a good turn daily. Halos walang pinag-iba dahil ang pinaka adhika ng SRB ay maging isang fraternity sa high school tulad ng sa APO sa kolehiyo. Ang SRB rin ay isang hakbang upang palawakin ang impluwensya ng APO sa high school. Bawal ang physical contact at puro indoktrinasyon at serbisyo ang pinakabuod ng initiation ng mga charter members.

Hindi rin naging madali na suportahan ng mga kapatid sa Alpha Delta ang pagbubuo ng SRB. Nagkaroon ng debate at mga argumento kung dapat ituloy o itigil ang pagbubuo ng SRB. Nanatiling matibay ang posisyon ni Bro Cary Lazo, Bro Bong Manuel, Bro Len Toledo, iyong 2 MIs na ituloy ito ngunit marami ring mga kapatid ang ayaw sumang-ayon. Ang mga diskusyon ay naging mainit at ito ang laging pinag-uusapan araw-araw. Umabot ito sa punto na maaring ikahati ng Alpha Delta ang usaping SRB at dahil dito nanawagan si Bro Boy Cruz, Alpha Delta '66 ng isang eleksyon upang desisyunan kung mabubuo o hindi ang SRB.

Nagbigay ng ilang araw na palugit upang magkampanya at ipaliwanag ang mga advantages at disadvantages ng SRB sa Alpha Delta at sa APO, at ng dumating ang eleksyon, nanalo ang boto na ituloy ang pag-oorganisa ng SRB. Dito ipinakita ng mga kapatid sa Alpha Delta ang pagsunod sa demokratikong proseso ng pagpili at ang pagsunod sa gusto ng karamihan. Nagkaisa ang lahat upang tumulong para maging isang tagumpay ang pagbuo sa SRB.

Matapos ang finals na ginawa sa bahay ni Bro Ching Nieva, Alpha Delta '75 at rituals, nabuo ang unang chapter ng SRB sa Roosevelt College, Concepcion, Marikina at mula noon ay lumaganap ang Scouts Royale Brotherhood sa buong Pilipinas, sa mga paaralan man o komunidad.

Mga Aral sa Pagbubuo ng SRB

Ang Scouts Royale Brotherhood ay hindi na-organisa ng ganoon na lamang. Ito ay may dahilan at iniluwal ito ng isang kondisyon noong dekada '70 sa panahon ng tunggalian ng APO at Beta Sigma at kalakasan ng iba't ibang fraternities.

Pinatunayan ng SRB at ng Betan Elite, na hindi maihihiwalay ang mga high school sa kabuuang karakter ng mga fraternities o iba't ibang organisasyon sa kolehiyo. Kailangan lamang nang modification at iayon ito sa sitwasyon.

Sa ilang attempt na maging parte ng APO ang SRB, ang pinakahuli ay gawing Associate Members ang mga kapatid sa SRB, walang nagtagumpay sa mga ito. Ang sabi nga ni Bro Mel Adriano, ang pambansang pangulo ng APO, ito ay destiny ng SRB na maging isang fraternity hiwalay sa APO ngunit parehong prinsipyo at paniniwala.

Ang mabilis at malaking paglawak ng SRB noong 1975 ngunit walang malinaw na organizational structure at makinarya at walang pormal na suporta ng APO sa national level ay mabigat na pasanin kay Bro Cary Lazo at Bro Len Toledo na nagpatuloy sa pag-gabay sa liderato ng SRB.

Isang pagkakamali ang kawalan ng pagtingin at di pagbibigay halaga sa mga SRB na hindi makakapag-APO ng ito ay simulang iorganisa. Isa itong dilemma at bagahe sa ibang hindi nakapag-APO noon na ang isang dahilan para mag SRB ay maging APO pagdating sa kolehiyo. Ito rin ang posibleng sanhi ng di-pagkakaunawaan ng mga kapatid sa SRB at APO, ang pagkakawatak-watak at di pagkakaunawaan sa loob mismo ng SRB at namuong galit ng iba sa APO. Bagama't nasa tao at sitwasyon kung makapag-APO o hindi ang isang kapatid, ang usaping ito ay mananatiling bukas at hamon upang maiayos at mabigyan ng solusyon sa hinaharap.

Hindi kailanman mababago ang kasaysayan at ito ay nangyari na. Ang SRB ay binuo ng isang chapter ng APO, ang Alpha Delta. Ang SRB ay galing sa APO at ang APO ay binuo ng isang Freemason, si Bro Frank Reed Horton.





18 comments:

Anonymous said...

sana magkaunawaan ang lahat ng mga brods sa RB. Ganun di sana sa poaps.

Sana mas marami ang bukas ang puso st isip at hindi kainin ng galit, mga tinagong sakit at di-pagkakaintindihan. I believe mas marami sa RB at poaps ang bukas.

Sana ay pukawin at pagkaisahin tayo ng LFS. Kung magkakaayos man ang relasyong SRB at APO ay tadhana lamang ang makakaalam.

Pero sana sa pinaka-immediate ay magkaroon sana ng respesto ang SRB at APO sa isa't isa.

Alang alang kay kapatid na Bing Marabut. Dakilang kapatid ng SRB gayundin ng APO.


Alpha 2005

Anonymous said...

sana di na mag-away ang mga `90`s pataas na mga apo at srb4ever..kung alam lang nila ang pinagsamahan ng srb at apo (sa hirap at ginhawa)nung `late `70`s at `80`s,kung bigyan nila ng importansya ang srb at apo brotherhood dati, magkaka-ayos..itong mga bagong apo(`90`s above e minamaliit/inaapi ang srb..itong mga bagong srb(`90`s above) ay nagtatanim ng galit sa mayayabang na apong bata)PARE-PAREHO LANG KAYONG MGA BAGONG SIBOL ANG ME KASALANAN,AYUSIN NYO ITO
SA SRB NATIONAL COUNCIL--ok ang ginawa nyong pag-ayos sa srb,may mga mali lang sa batas nyo like your resolution# 3 na kung saan di na magiging srb ang sinumang srb na mag-apo starting year 2003
.....yang iba sa inyo e BASTOS NA KUNG MAKIPAG-USAP SA IBA SA SRB FOUNDERS NATIN,SI BONG MANUEL LANG ANG GUSTO NYO...IGALANG NYO PA DIN ANG LAHAT NG FOUNDERS....KUNG GALIT KAYO SA IBANG APO,WAG NYO LAHATIN ANG BUONG APO,STOP YOUR APO HATE CAMPAIGN,TIGILAN NYO ANG PAGBE-BRAINWASH SA MGA YOUNG SRBS AT NEOS NYO NA MAGALIT SA APO
SA MGA APO--HOY WAG NYO APIHIN ANG SRB..KUNG DI DAHIL SA SRB, MATAGAL NA KAYONG BINURA NG MGA KALABAN NYONG FRATS DATI
PEACE TO ALL

Anonymous said...

My two cents. Saraba din ako.

Ang kailangan sa ganitong konteksto, hinahon ng usap at klaridad ng paninindigan at prinsipyo. Gabayan sana tayo ng ating mga cardinal principles mga brod. Wag pabigla bigla. wag mapusok.

Totoo, pare-parehong may sala. May sala ang mga dating APO (hindi lahat ha) na hindi binigyan ng sapat na halaga ang mga kapatid na SRB, ginawa pang cannon-fodder sa mga frat rumbles at tinuring na hindi patas.

Ganundin sa makailang ulit (3x) na pag-deny ng pambansang liderato at konseho ng APO sa SRB bilang kapatid kahit ito ay nilaban ng ilang SRB na naging APO.

Kaya yung lumabas na APO Reso ukol sa pagiging associate member ng RB sa poaps ay matabang na sinalubong ng ilang RB. Kung baga, parang bakit ngayon lang?

Hindi masisisi ang galit na namuo sa mga kaptaid na SRB. Sa pinakasimple, tatlong beses ka ng tinakwil ng magulang mo, babalik ka pa ba?

Hindi rin masisi na ang APO Reso ay tignan ng isang scheme upang lapatan ng solusyon ang recruitment issue ng mga gwapo imbes na isang paraan ng pag-aabot ng kamay ng kapatiran at pormal na pakikipag-ayos na kay tagal hinintay ng SRB. Hinintay sa loob ng 33 years!

Ngunit hindi ibig sabihin wala rin pagkakamali ang ilan sa mga kapatid natin sa SRB. Imbes na mas tumimbang at patunayan sa mga APO na mas kaya nating isabuhay ang LFS, imbes na ipakita na mas bughaw ang ating dugo at malawak ang pananaw, ang hinasik ay galit, poot at lalong hindi pagkakaintindihan.

Hindi rin tama na kondenahin ng ilang SRB ang ating mga founders at mamili lamang sa kanila kung sino ang tatanikalain.

Mayroong sala ang dalawang kampo. Ngunit sana maging mas bukas tayo sa isa't isa. Tandaan natin, hindi lahat ng APO ay maliit ang pagtingin sa SRB at hindi lahat ng SRB pangit ang pananaw sa mga APO.

Naniniwala pa rin ako marami pa rin sa atin ang gusto magkaayos ang dalawang kapatiran.

Tama si Bro. Jun Cristobal, hindi na maaari pang baguhin ang nangyari na at ang ating kasaysayan. Ang SRB ay galing sa APO Alpha Delta. Ang APO Alpha Delta ay parte ng kabuuan ng APO Philippines. Ang SRB at APO ay parehas sinasaklawan ng LFS.

Hindi ko pino-propose na magsama sa pinakamabilis ang 2 kapatiran, baka nga tama si Adriano na baka nga destiny ng SRB na maging isang hiwalay na kapatiran, pero wag sana natin kakalimutan ang kasaysayan. Noong unang panahon naitatag ang SRB sa tulong ng APO Alpha Delta at lumabong din ang APO at hanggang ngayon buhay dahil din sa tulong ng SRB.

Tama si Alpha 2005, kung hindi man makamit ngayon ang pagkakaisa at kung ito ay magiging responsibilidad ng susunod na henerasyon ng mga kaptid na SRB at APO, kahit ngayon, respeto lang muna sa isa't isa ay makuha at maibigay.



Delta Reyes

Anonymous said...

fratman pala may-ari ng blog na ito. I thought into poetry stuff lang at aktibista?

well, i'm just passing by.....you know from th9is thread i can sense the discernment and positivity of SRB members. Well mannered and sober. Ganyan din ba A.P.O.? keep it up.

Hope things get well between you guys.

Cynthia

Anonymous said...

greetings in the name of L.F.S.

way back 92 when i first heard sa GC namin na hiwalay na ang SRB sa APO for the reason that SRB's are just being used by APO in their rumbles with other frat I saw and experienced it myself specially when we are in our frat house and an SO order came to us, its been 33 yrs of unguided and mis used of the organization happened to us i guess its about time for APO not to put their hands on us anymore becoz youre not looking at ordinary "HIGHSCHOOL" guys anymore more of the brothers and sister had same position as you brothers/sisters in APO.
We dont compete on you all what we wanted is to do it on our own way.Lets face the truth APO will not survive till now without the help of SRB on early times. Yes u are affiliated on the APO america but did they fight for you? no! its SRB who fought for you thats why you still survives.
Now as a matured and responsible brods/sis of SRB its about time to think of ourselves(SRB) our own. There is no way that you can tear us apart and divide SRB into your propaganda of res# 24 we know theres a hidden agenda on that proposals " to weaken us and suddenly erase us as possible" but im sorry brods/sis in APO many brods in SRB already risk their life in the organization and its enough reason to keep it till we die.But i do hope in the end that the relation between SRB and APO will prosper.

SRB betatau

violent dispersal said...

SRB Beta Tau,

Bro, Beta Tau chapter din ako. Actually dati kaming PI chapter pero dahil nga sa sigalot at hindi pagkakaintindihan ng RB at APO sa school namin, binago ng mga elder brods chapter name namin to differenriate us from them.

Hindi ako papasok sa kampihan at debate kung forever ba o dapat sa APO. Mukhang maliwanag naman na may sarili ng kasaysayan at kapalaran ang SRB na iba sa APO.I just posted the article by Cristobal to enlighten other brods and sis as well as the public of our history, how it all become and why we are in this predicament. Hopefully, future brods and sis can use it as an instrument, a tool of analysis to resolve this issue,kung mareresolba man.

I also posted the article para malaman ng mga APO (lalo na yung sarado at mapang-api ang pananaw sa saraba) na hindi lahat ng SRB galit sa kanila o sarado ang pananaw ukol sa issue na ito. Bagamma't may mga hinanakit, hindi yon hadlang para hindi mag-usap ng tuwid at tama.

Ngunit sabi nga ng isang brod, "SRB is SRB. APO is APO."

Akin lang, Respeto lang at paggalang sa nakaraan, kasaysayan at dating pinagsamahan.

Anonymous said...

Eh di inamin din ng mga tingap na binuo nila tayo para balansehin ang pwersa ng nagtutunggaling Beta Sigma at APO ng 70s. Pantapat daw sa mga Betan Liit. Nasaan ang pagpapalawig ng LFS dito?

Tapos na ang kasaysayan. Tapos na ang debate. SRB is SRB. apo is apo. different entities. same principles.

sa mga apo dyan, we bled with you, for you. all we ask in return for the last 33 years is for you to treat us as equals. Pero ano ginawa ninyo?

inyo na reso 24 ninyo. Huli na ang lahat.

Walang problema sa respeto. ibigay ninyo, susuklian namin.

peace

Anonymous said...

"An ounce of loyalty is worth a pound of cleverness."

Let us all stay true to the principles of SRB. Utmost leadership, Friendship and genuine Service.

SRB is SRB, APhiO is APhiO. Though different entities, All Royale Blood.

Respeto mga kapatid, respeto. 12th Jewel!

Phi Omega

violent dispersal said...

Maari siguro seryosohin ang isang mungkahi ng isang brod, magtayo ng isang lehitimong LFS Council na binubuo ng APO at SRB upang ayusin ang mga sigalot, foment greater solidarity and understanding at plawakin pa ng husto ang LFS.

As I see it, APO's Resolution 24 on Associate Membership virtually declares SRB as a partner fraternity guided by the same cardinal principles as APO. Keyword here is PARTNER.

We are no longer "juniors" as what was perceived before. Partner nga eh. Equal footing yet different entities. Ngayon, kung gusto ng isang kapatid mag-APO eh di mag-APO siya, desisyon ng individual yon. Kung SRB forever ok lang din, at dapat igalang yon. Wala dapat problema. Wala dapat diskusyon o mababaw na talakayan na mas ok ang APO, mas matapang at magaling ang SRB, etc etc.

Let's admit it, both organizations have its own unique character. May mag bagay sa APO na hindi kaya ibigay ng SRB, may mga bagay din sa SRB na SRB lang ang kaya magbigay. Ang importante, parehas ang ugat, parehas ang prinsipyo at nag-uunawaan.

Huwag na tayo sumawsaw sa bangayang APO vs. SRB. Nakakapagod, nakakalungkot lang at counter-productive. Marami na tayo nasabi sa pagkakaiba natin at mga alitan at mga hinanakit. Mag-usap na naman tayo kung saan tayo puwede magsama maliit man o malaki. Alang-alang sa susunod na henerasyon ng mga yayakap sa LFS.

Sa huli, huwag na huwag natin kakalimutan ang kasaysayan natin. Ang ugnayan natin sa APO Alpha Delta, ang importansya at sakripisyo ng lahat ng SRB, ang mga prinsipyo at mga batayan na parehas nating pinagsasaluhan SRB man o APO.

Maraming salamat sa lahat ng brods na nag-post dito, at sa respeto ng bawat isa sa isa.



Emman Hizon
94-C Beta Tau Chapter
University of Santo Tomas
Scouts Royale Brotherhood (SRB)

Anonymous said...

cnu ka brod? saraba ako batch 91 beta-tau baclaran galing naman ng pag comply mo ng cronology of events.. is this certify correct by our senior SRB or APO brods. any way heres my email add.. ded_sperm@yahoo.com.

tnks.. and nice work
emon

violent dispersal said...

The said article was written by Bro. Jun Cristobal. Yes, this is our history.

Beta Tau ako, University of Santo Tomas.

joshua'beta-tau said...

brod' beta tau din ako ermita,manila chapter..

09272831161

violent dispersal said...

Talagang maraming at malawak ang pamilyang beta tau. Anyway, yung beta tau namin ay sa UST. Pero originally, we are Pi chapter.

Anonymous said...

ei tol alpha zeta chapter ako from laguna mga kapatid s SRB at APO sana maayos n yang pnagdi2batihan n yan tayo tayo lang dn nman ang mag 22lungan mga kapatid

Anonymous said...

im proud to be SARABA SRB LONG LIVE no one can destroy the UNITY of SCOUTS ROYALE BROTHERHOOD...ALPHA ZETA chapter ako tol from ALAMINOS,laguna dami d2ng brods at sis....

lord vhon said...

mahi ang walang unity sa apo at srb... kahit dito sa alaminos may mga srb at apo n hindi magkasundo dahil minamata ng ibang apo ang srb at yun ang hindi mapayagan ng mga kapatid sa saraba...pakiusap lang na tayo ay may equality wag sana magkaron ng pagcocompare sa magkabilang frat. nasan n ang discip[line n sinsabi kung sa bawat sarili natin eh nagpapataasan tayo sa pagkilala sa sinalihan natin frat. SRB\APO ay iisang kapatiran yan ang ating tandaan. iisa ang prinsipyo at iisa ang adhikain L.F.S......... mabuhay ang kapatiran ng saraba at alpha phi omega naway patuloy tayong gabayan ng poong maykapal...


BISMARK of Alpha Sigma chapter
control no. ko ay LPC-001-D0806

lord vhon said...

mahirap ang walang unity sa apo at srb... kahit dito sa alaminos may mga srb at apo n hindi magkasundo dahil minamata ng ibang apo ang srb at yun ang hindi mapayagan ng mga kapatid sa saraba...pakiusap lang na tayo ay may equality wag sana magkaron ng pagcocompare sa magkabilang frat. nasan n ang discip[line n sinsabi kung sa bawat sarili natin eh nagpapataasan tayo sa pagkilala sa sinalihan natin frat. SRB\APO ay iisang kapatiran yan ang ating tandaan. iisa ang prinsipyo at iisa ang adhikain L.F.S......... mabuhay ang kapatiran ng saraba at alpha phi omega naway patuloy tayong gabayan ng poong maykapal...


BISMARK of Alpha Sigma chapter
control no. ko ay LPC-001-D0806

lord vhon said...

mga kapatid itigil na natin ang walang kwentang pagaaway na yan. nasan ang unity of both frats and our equality...