Sunday, November 4, 2007

Ang Natatanging Papel ng Uring Manggagawa

Emmanuel Hizon

Ang sinasabi lang natin dito ay: ang uring manggagawa ang “pangunahing” motibong pwersa at hindi natatangi o
eksklusibong motibong pwersa ng rebolusyon o pagbabago.







Sino ang Manggagawa?

Bago natin muling balikan ang natatanging papel ng
uring manggagawa para sa tunay na pagbabago importante
na muli natin suriin at tukuyin kung sino ba at ano
ang manggagawa lalo na sa isang panahon na binobomba
tayo ng isang katerbang depenisyon at pagpapaliwanag
na sa katotohanan ay pamamaraan lamang upang tayo ay
patuloy na malito at sadyang hindi maintindihan ang
ating posisyon at kamalayan sa ilalim ng isang
kapitalistang lipunan.

Sabi sa Communist Manifesto, sila ang uri ng modernong
sahurang trabahador/manggagawa na walang anumang
pagmamay-ari sa kagamitan sa paggawa, at ang tanging
natitirang kapangyarihan ay ang kanilang kakayahang
gumawa na kadalasan ay tinatawag na “labor power” o
kapasidad ng gumawa kapalit ang kakarampot na sahod o
kita.

Samakatuwid, ang uri (class) ay sadyang nabibigyan ng
konkretong depinisyon ayon sa relasyon sa produksyon.
Sa madaling pagpapaliwanag, ang uring nang-aapi
(kapitalista) ay nabubuhay sa pamamagitan ng
pagmamay-ari ng mga sensitibong kagamitan sa paggawa
(private ownership of the means of production) at sa
kabilang banda ang mga manggagawa ay nabubuhay sa
pamamagitan ng pagtatrabaho (wage slavery).

Dahil sa malinaw na pagkakahati ng dalawang uring ito
sa ating lipunan, maraming mga akademiko,
sosyolohista, maging mga seksyon ng sosyalistang
intelektuwal ay nagtangka na mag-isip ng mga
alternatibong depenisyon sa marxista/sosyalistang
pagpapaliwanag. Sa iba, lalo na sa mga burgis-liberal
na sosyolohista at mga romantisista, importante ang
istilo ng pamumuhay (lifestyle) bilang batayan upang
sukatin kung saang uri ka napapabilang. Oo nga
importante ang istilo ng pamumuhay ngunit hindi ito
sapat na batayan upang sukatin kung saan kang uri
napapabilang! Dahil dito, Sa kanila ang manggagawa ay
natatagpuan lamang sa tradisyonal na komunidad ng
paggawa kagaya ng mga planta o pagawaan. Kaya’t kapag
may nakita silang seksyon ng mga manggagawa na umaalis
sa mga tradisyonal na komunidad ng paggawa ay agad
nilang sasabihing ang mga ito ay nagiging gitnang uri
(middle class) na. kaya sa kanila ang mga manggagawa
sa hotel at restaurant, maging mga manggagawa sa auto
industry ay hindi na lantay na manggagawa kundi mga
manggagawang nasa proseso na maging peti-burges o
peti-bruges na (babalikan natin ang usapin ng
peti-burgesya mamaya).

Sa iba naman, pera ang batayan ng depenisyon ng uri
dahil ang kapitalistang sistema daw ay tungkol sa
pera. Sa unang banda mukhang lohikal naman na sabihin
na maaari kang sukatin bilang manggagawa batay sa
tinatanggap mong pera. Kaya’t kapag tumatanggap ka ng
below minumum wage ay tunay na tunay kang manggagawa
ngunit kung ikaw ay sumasahod ng P 700/800 kada araw
ay hindi ka na ganap na manggagawa. Sa katotohanan,
Hindi lamang ito baluktot kundi hiwalay sa isang tunay
na pagtatangkang sosyalistang pagsusuri ukol sa uri na
kung gagamiting parametro ng pagsusuri ay tila
paghingi ng tulong sa isang bulag upang tumawid sa
isang tawiran.

Tayo bilang mga sosyalista ay mas interesado hindi sa
gaano kalaki o kaliit ang sahod ng isang tao upang
tawagin siyang manggagawa kundi kung sino ang
nagpapasahod sa kanya at kung saan ito nagmumula.
Bagama’t totoo na iba-iba ang kita ng mga manggagawa,
wala naman yumayaman sa kanila sa ilalim ng ganitong
relasyon at sistema. Kahit na ang mga sinasabing mga
manggagawang may mataas na sahod ay barya lamang kung
ikukumpara ito sa kabuuang kita ng kapitalista.
Kadalasan, ang mga mas nakakaangat sa buhay na mga
manggagawa pa nga ang mas militante dahil hindi nila
maaabot ang ganoong antas ng pamumuhay kung hindi sila
kolektibong lumaban para sa kaganapan ng kanilang mga
ekonomiko at politikal na karapatan.

Sa iba naman at ito ang opisyal na depenisyon ng
burgis nating gobyerno, ang manggagawa ay yaon lamang
mga may malinaw na employee-management/employer
relationship, matatagpuan sa mga pagawaan o opisina at
sa huli may “regular” na katangian. Kaya’t ang mga
casual, informal o contractual na mga manggagawa ay
hindi pa mga “ganap” na manggagawa at dahil dito wala
silang karapatang mag-unyon o makinabang sa CBA ayon
sa lohika ng ating batas. Kadalasan, pinag-aaway pa
ang mga ito, regular laban sa contraktual,
rank-and-file laban sa superbisor.

Ngayon, kung ang mga nabanggit ay mga mali o kundi man
ay mga bansot ng pagpapaliwang ng uri at ng
manggagawa, Kung gayon, sino ba talaga ang manggagawa?

Bagama’t ang Communist Manifesto, isa sa maraming mga pagunahing
dokumento ng kilusang Marxista at mga sosyalista, ang
nagbigay ng unang konkretong pagpapaliwanag kung sino
ang manggagawa hindi rin ito sumasapat sa kasalukuyang
realidad. Ngunit tayo bilang mga sosyalista ay sadyang
humahabi pa rin ng malaking pagsusuri batay dito.
Kaya’t para sa atin, ang manggagawa ay kinakailangang
sinusuri pa rin sa ilalim ng lenteng sosyalista na may
malalim na pagdiin sa Marxistang pagsusuri at dahil
dito ang manggagawa ay sinumang:

1. Hindi nagmamay-ari ng kapital o mga kagamitan upang
lumikha ng bagay, serbisyo sa kanilang sariling
kapasidad.
2. Hindi nagmamay-ari ng kagamitan sa paggawa na
pwedeng mang-api ng kapwa tao.
3. Dahil hindi sila nagmamay-ari ng kapital o
kagamitan, lumilikha sila ng produkto o serbisyo para
sa iba kapalit ang konting kita.
4. Bahagi sila ng isang malawak ng hukbo ng reserbang
murang manggagawa (unemployed and underemployed).
Kaya sa ganitong klaseng depenisyon ng manggagawa na
mataimtim pa rin sa marxista o sosyalistang pagsusuri
hindi na lamang mga manggagawang industriyal ang
manggagawa kagaya ng tradisyunal na depenisyon ng mga
klasikong Marxista/sosyalista kundi kung sino man ang
pumapasaok sa kateogryang ito (may kotse man o wala,
nagsasaya sa dvd player o hindi, regular man o casual,
etc.) na sa dulo ay naiisantabi (marginalized),
‘alienated” kumpara sa mga kapitalista at nagmamay-ari
ng malaking negosyo.


Ang Nahiwalay na Seksyon ng Manggagawa

Ngunit kung ganito ang depinisyon natin ng uri at ng
manggagawa hindi ba tama na sabihin na manggagawa rin
ang mga Chief Executive Officer (CEO) at ang hanay ng
management ng kayraming mga kompanya? Hindi rin naman
nila pag-mamay-ari ang mga kagamitan sa produksyon,
sila ay nagta-trabaho at kumikita din sa ilalim ng
sistemang aliping pasahod?

Ngunit kung sila ay mga manggagawa bakit tila kalaban
sila ng mga mulat na maka-uring manggagawa sa kanilang
mga politikal at pang-ekonomiyang mga pakikibaka?

Sa isang teknikal na pagtingin, OO sila ay mga
manggagawa. At kadalasan kabilang pa rin sila sa hanay
ng lumalaking hukbo ng uring manggagawa. Sila ay
manggagawa sa isang teknikal na pagtingin dahil sila
ay tumatanggap ng sahod at ang kanilang kabuhayan ay
nakabatay sa nasabing sahod. Ngunit hindi tulad ng mga
manggagawang dinadalisay natin, ang pangunahing gawain
nila ay magsilbing destakamento ng aparato ng burgesya
sa pamamahala o “management” ng produksyon,
distribusyon at pagpapalitan ng kalakalan o serbisyo
na pagmamay-ari ng mga kapitalista. Kadalasan, sila
ang tumatayong tagapagsalita ng may-ari ng kapital,
mga pangunahing tinyente ng malalaking negosyo at sa
dulo ay may tuwirang “KONTROL” (kadalasan tinatawag na
Management Prerogatives), ngunit hindi pagmamay-ari ng
kagamitan sa produksyon, distribusyon at kalakal.

Dahil sa sinasabing “KONTROL” na ito na hindi naman
katangian ng mayoryang manggagawa sa sistemang
kapitalismo ang naging dahilan na kanilang
pagkakahiwalay sa malawak na hukbo ng uring gumagawa.
Sila ay pangunahing nahiwalay sa makauring kamalayan
(class consciousness) ng mga manggagawa dahil sa
kanilang matingkad na kontrol at tila masugid na
pagsunod sa linyang interes ng kapital.

Kadalasan, kinakahon o tinatawag sila ng mga klasikong
Marxista sa ilalim ng lebelong “peti-burges”, isang
uri sa ating lipunan na may mga lehitimong
demokratikong aspirasyon at may kakayahan na makibaka
sa ilalim ng radikal demokratikong linya ngunit hindi
kayang lubusang yakapin ang makauring interes at
adhikain ng proletaryo. Kaya’t sila ay namomobilisa at
bumubuhos sa lansangan sa mga isyu gaya ng corruption,
moralidad, reporma etc. lalo na kung naapektuhan ang
kanilang pangkabuhayang katayuan sa lipunan.

Ang tanong, dapat rin bang organisahin, imulat at
pukawin ang nasabing nahiwalay na seksyon ng uring
manggagawa?

Sa ating punto de bista ay walang masama. Kung
kakayanin, isama natin sila lalo na pagsasakatuparan
ng mga demokratikong aspirasyon at pakikibaka ng
samabayanan. Ngunit dapat maging malinaw sa atin na
ang ating pangunahing pokus, atensyon at enerhiya ay
nakalaan sa pangunahing uri na magsusulong ng bagong
lipunan at mundo, ang sosyalistang uri: ang
manggagawa.

Ngayon kung malinaw na sa atin kung sino ang
manggagawa ay muli nating silipin ang kanyang iba’t
ibang tipo sa ating kasalukuyang eksperiensya.


Ito ang ilan sa mga iba’t ibang uri ng manggagawa sa
ilalim ng lipunang Pilipino:

1. Manggagawang pormal
2. Manggagawang impormal
3. Manggagawang agrikultural
4. Manggagawang kababaihan
5. Manggagawang kontraktuwal
6. OFWs
7. Manggagawang walang trabaho ngunit handang gumawa
(surplus labor)
8. Manggagawang Manegerial

Sa ngayon, sa huling pag-aaral ang manggagawang
Pilipino ay umaabot mahigit kumulang sa 34 million
(2001 labor force), kalahati ng ating buong
populasyon, Sapat na bilang upang maghalal ng sarili
nilang presidente o gobyerno, sapat na pwersa upang
maging rebolusyonaryong pwersa ng pagbabago.

Ngunit ang hindi maialis na mga tanong ay bakit hindi
pa rin dumarating ang pagbabago? Bakit wala pa rin
sariling gobyerno ang mga manggagawa? Bakit patuloy pa
rin nakatali sa kaapihan ang mga mangagawa? Wala pa
rin ang inaasahang rebolusyon na sa kayraming mga
sosyalistang literatura ay pangungunahan diumaano ng
uring mangagawa?


Manggagawa: Pangunahing Motibong Pwersa ng
Pagbabago?


Sabi ni Karl Marx, ang bagong lipunan labas sa
kapitalismo ay kinakilangang kakitaan ng demokratiko
at kolektibong pamamahala ng kagamitan sa paggawa na
kung saan ang esensya ng pagtatrabaho ay boluntaryong
pinagkakaloob ng bawat indibiduwal na tao para sa
kabutihan ng lahat at sa dulo ang lahat ng kayamanan
likas man o nilikha ay maipamudmod ng makatarungan at
batay sa kanya-kanyang pangangailangan. Ang sinasabing
talibang uri na mangunguna para sa pagbabagong ito
labas sa krisis ng kapitalismo ay ang uri ng modernong
sahurang mangagawa na nilikha mismo ng sistema ng
kapital.

Ngunit babalik ulit tayo sa nakakabagabag na tanong,
ang rebolusyonaryong papel o gampanin na iniatas ni
Marx at kay daming mga sosyalista sa mga manggagawa ay
kaya pa ba nilang gampanan? Sa ngayon, marami sa atin,
maski mismo sa hanay ng mga sosyalista, maging mismong
mga lider-manggagawa ay tila nawawalan na ng tiwala o
kung hindi man tuluyan ng nawalan ng kumpiyansa sa
kapasidad at determinasyon ng uring manggagawa upang
baguhin ang lipunan. Sadya bang wala ng pag-asa at ang
kapitalismo na ang katuldukan ng ating buong
kasaysayan?

Ngunit kung atin din namang muling susuriin ang ating
karanasan sa ilalim ng kapiltalistang sistema ay tila
wala rin naman pagbabago.
Kung may pagbabago man ay tila sa antas lamang ng
kaapihan at kahirapan na kadalasan ay laging papunta
sa kasidhian. Ang pangakong kasaganahan at
pagkapantay-pantay sa ilalim ng kapitalismo ay
nanatiling isang malayong hinaharap.

Sa totoo lang, sa buong kasaysayan ng sistemang ito,
ang mga manggagawa ang pianakamarami at
pinakadominanteng uri saan mang panig ng mundo.
Tendensiya kasi ng kapitalismo ay pagpapalawig ng
kanyang pang-ekonomiyang sistema (kaya may neo-liberal
globalisasyon tayo), pag-accumulate ng labis na
kapital na kinakailangan ng pagpapalawig din ng uring
manggagawa, ng reserbang hukbo ng murang manggagawa at
ang patuloy na pagkakahati ng mundo sa lumalawak na
pagitan ng mayoryang mahirap at kakarampot na mayaman,
minoryang kapitalista at mayoryang manggagawa. Kaya
kung importante ang papel ng manggagawa sa ikakatagal
ng sistemang kapitalismo, mas importante ang papel
niya sa pagbabago.

Tandaan natin ang pusod at kaluluwa ng kapitalismo ay:

1. Kailangan ng kapitalismo ang manggagawa upang
lumikha ng produkto o serbisyo sa pamamagitan ng
eksploytasyon sa pagkamkam ng
2. Surplus value- labis na trabaho na hindi
nababayaran bunga ng mahabang oras ng trabaho, barat
na pasahod na pinanggagalingan ng kita at tubo ng
kapitalista.
3. Paglikha ng yumayabong hukbo ng reserbang murang
manggagawa na kailangan din upang magarantiya ang tubo
at pag-igting ng eksploytasyon
4. Ang sagarang dibisyon sa ilang nag-iisip
(kapitalista) at mayoryang nagbabanat ng buto
(manggagawa) na
5. lubhang nagpapanatili ng “alienation” sa hanay ng
mga manggagawa, ang patuloy na pagkahiwalay nila sa
mga kagamitan sa paggawa at sa produkto at serbisyong
kanilang nililikha na sa dulo ay lantarang pagsamba sa
rabidong
6. pribadong pagmamay-ari ng mga kagamitan (private
property).

Sa lahat ng nabanggit, may importante o
napaka-sensitibong papel ang mga manggagawa hindi man
nila ito gusto sa ilalim ng kapitalismo.
Nangangahulugan ng napaka-importanteng papel o
kontribusyon ng mangagawa sa pagbabago.
Nangangahulugan din na wasto pa rin ang makasaysayang
atas sa uring manggagawa, na siya ang may radikal na
responsibilidad at gampanin na pangunahan ang
pakikibaka para baguhin ang lipunan.

Ngunit kung pagbibigyan naman natin ang argumento ng
ibang mga kasama na hanapin natin sa ibang grupo sa
lipunan ang rebolusyonaryong inspirasyon o iatas sa
iba ang papel ng pagiging “pangunahing motibong pwersa
ng pagbabago” na tila “binigo” ng manggagawa ay tila
babagsak tayo sa tatlong katergorya.

Ating isa-isahin. Ayon kay Michael Yates (Associate
Editor ng Monthly Review):

1. Kapitalistang uri- wala tayong maasahan sa uri na
ito. Ito ang talibang tagapagtanggol ng umiiral na
sistema at natural na lohika ay magsasabi sa atin na
ang interes niya ay ang pag-sasaayos at pagdedepensa
ng sistema imbes na pagkadurog nito. Kahit mismo ang
mga nabansagang “enlightened” ones sa hanay ng mga
kapitalista kagaya ni George Soros at ni Joseph
Stiglitz ay hindi nag-aalok ng radikal na programa ng
pagbabago labas sa kapitalismo.

2. Gitnang uri (peti-burgesya)- Sila ay hindi
kapitalista o maituturing na manggagawa, bukod na
lamang siguro sa isang seksyon ng mga manggagawang
pangunahing nangangasiwa sa gawain ng capital (CEOs,
managerial employees etc.) na hinanay rin sa gitnang
uri. Sila ay maaaring “self-employed”, sumasahod o may
konting kapital .Kadalasan, gumegewang ang kanilang
interes, may bahagi sa kanila na gusto maging
kapitalista (upward mobility) at sa kabilang banda may
bahagi sila na sumasama sa mga progresibong masang
organisasyon, nakaka-intindi sa kanilang kalagayan
ngunit hindi laging maasahan. Sa kabuuan, wala sila
masyadong interes bilang isang uri hindi gaya ng
kapitalista o ng manggagawa na sadyang kanilang
kalakasan at kahinaan na rin bilang isang uri. Sa
huli, kayang umigting ng sistema kahit wala sila.

3. Uring Magbubukid- Ang mga pesante ang unang
binibiktima ng kapitalismo dahil na rin sa sila ay
umusbong sa ibang panahon (pyudalismo) kaya’t ang
kanilang mga sinauna o tradisyonal na pagkatali sa
lupa ay araw-araw dinudurog. Ngunit may mahabang
kasaysayan ng militansya ang mga magbubukid. Kahit si
Marx ay kinilala ang kanilang rebolusyonaryong
kapasidad at importansya sa pagbabago. Ngunit
importanteng elemento man sila sa pagbabago hindi sila
pwedeng maging pagunahing pwersa. Una, tayo ay
kinukubabawan ng sistemang kapitalismo na ang lohika
ay relasyong eksploytasyon sa pagitan ng kapitalista
vs. manggagawa (dahil kung hindi ganito dapat naabot
na natin kaagad ang sosyalismo pagkatapos pa lamang ng
pyudalismo) Pangalawa, sila ay lubusang tintanggalan
ng katangiang magbubukid, kinakamkam ang mga lupain at
marami sa kanila ay napapabilang na sa reserbang hukbo
ng murang manggagawa. At sa dulo, may posibilidad sila
ng pagkaubos (extinction) at totoong pwede rin
tumuloy-tuloy ang sistema kahit wala sila.

Ilang Puntos Hinggil sa Magbubukid

Hindi dapat nating ikatuwa ang tuluyang pagkadurog ng
mga magbubukid sa ilalim ng kapitalismo o tignan na
progresibong transisyon ito sa pagkahinog ng
kapitalismo papuntang sosyalismo bagkus dapat itong
labanan. Importante ang gampanin ng mga magbubukid at
kanilang kaalaman lalo na sa isang sosyalistang
lipunan lalo na sa usapin ng food security,
environmental issues at alternatibong pamamaraan ng
paglikha ng pagkain na hindi sinsagasaan ang kalikasan
o ang supply ng pinanggagalingang pagkain. Importante
rin na mabuo ang alyansa sa pagitan ng proletaryo at
magbubukid dahil sa lahat ng nakatalang kasaysayan
(Rusya, Tsina, Vietnam etc.) ang magbubukid lalong
lalo na ang pinaka-abante at pinaksulong nilang
seksyon ang pinakaminam na kakampi ng uring manggagawa
sa pagbabago.

Uring Manggagawa: Sosyalistang Uri

“Walang dangal ang hindi gumagawa”. – Amado Hernandez

Sa pagbabalik, kung wala sa mga nasabing uri ang
karakter ng “pangunguna” (primary motive force), muli
tayong babalik sa uring manggagawa. Kung atin muling
susuriin ang karakter ng kapitalismo kitang-kita ang
esensya at importansya ng manggagawa sa ilalim ng
kapitalismo. Muli natin balikan:

a) Sila ang dominanteng uri sa halos lahat ng panig ng
mundo na pinaghaharian ng kapitalismo.
b) Kailangan sila ng kapitalista sa produksyon
c) Sa kanila pangunahing nanggagaling ang tubo at kita
ng mga kapitalista bilang surplus value
d) Sila ay nasa pusod ng sistema kaya mas may
kakayahan silang intindihin ang karakter at lohika ng
sistema
e) Walang mawawala sa kanila (workers have nothing to
lose but their chains) dahil wala sila halos
pagmamay-ari bukod sa kakayahan nilang gumawa.

Dahil dito, tumpak pa rin ang engrandeng pagsusuma ng
mga sosyalista na ang mga manggagawa ang tagahukay ng
libingan ng sistemang kapitalismo. Nilikha hindi
lamang ng sistemang kapitalismo ang mga modernong
alipin sa katauhan ng manggagawa ngunit nilikha rin
niya ang pwersang magsasarado ng kanyang maka-isang
panig na kasaysayan.

Ngunit huwag tayong magkamali na isipin na kakayanin
lamang mag-isa ito ng mga manggagawa. Huwag din tayo
magkamali na isipin na hindi na importante ang ibang
pakikibaka gaya sa mga estudyante, gitnang uri,
kababaihan, magbubukid etc. para sa pagbabago. Ang
sinasabi lang natin dito ay ang uring manggagawa ang
“pangunahing” motibong pwersa at hindi natatangi o
eksklusibong motibong pwersa ng rebolusyon o
pagbabago. Kaya sa bawat paghakbang ng mga manggagawa
sa pakikibaka ng sambayanan kagyat na kasama nila ang
mga magbubukid, kababaihan, kabataan at iba pang
inaaping uri sa ating lipunan.

Bagamat tila may mga pag-atras ang mga manggagawa sa
pakikibaka, luhaan, duguan at tila sugatan sa muling
panlalakas ng kapitalismo lalo na sa kanyang
pangunahing expresyon sa anyo ng globalisasyon hindi
dapat ito maging rason upang pagdudahan ang kakayahan,
kapasidad at rebolusyonaryong karakter ng manggagawa.
Dapat magsilbing aral, hamon sa mga sosyalista, mga
lider-manggagawa lalong lalo na sa mga kabataan kung
papaano maghahanap ng mga makabagong pamamaraan upang
organisahin, palakasin at muling patatagin ang tiwala
ng manggagawa sa kanyang sarili upang lumaban para sa
tunay na pagbabago. Lalo na sa isang yugto na mas
mahirap mag-organisa at pagkaisahin ang mga manggagawa
sa ilalim ng rehimeng kontraktuwalisasyon at sagarang
anarkismo ng merkado mas kailangan tayo ng uring
gumagawa hindi ang ating mga agam-agam at kawalan ng
tiwala.

Tandaan natin, naitayo ang kauna-unahang sosyalistang
gobyerno at sistema sa buong daigdig sa ilalim ng
liderato at talibang pakikibaka ng uring manggagawa.
Ito ang rebolusyonaryong ambag ng kasaysayan ng
rebolusyong Rusya bilang pagpapatunay na kayang abutin
ang sosyalitang lipunan at kaya itong itayo mula sa
bisig, pawis, dugo, pagkakaisa at pakikibaka ng uring
gumagawa kasama ang lahat ng inaaping uri na handang
yakapin ang radikal na programa ng pagbabago na
hinahandog nito.

Lagi natin isaisip, ang tunggalian ng uri ay isang
mahaba at mapait na digmaan ng magkabanggang interes.
Ang kasaysayan ng tunggalian ng uri ay isang mahabang
kasaysayan ng pag-atras at pag-abante ng uring
manggagawa. Maaaring panalo ngayon sa ilang maliliit
na labanan ang mga kampon ng kapital ngunit tandaan
natin hindi pa tapos ang buong digmaan. Isang digmaan
para sa isang mas magandang bukas, isang digmaan para
sa katuparan ng proletaryong demokrasya. Isang digmaan
para sa Sosyalismo. Sosyalismo o Barbarismo!

At kung hindi ito gagampanan ng uring manggagawa hindi
matatapos ang digmaan. Kung hindi niya maiintindihan
at mauunawaan ang kanyang rebolusyonaryo at
makasaysayang papel para sa tunay na pagbabago sa
tulong ng mga sosyalista hindi matatapos ang engrande
at makabuluhang trabaho upang baguhin ang buong mundo.







Reference:
Communist Manifesto, Karl Marx and Friedrich
Engels
Social Movement Unionism, Alliance of
Progressive Labor (APL)
“Can the Working Class Change the World”,
Michael Yates Monthly Review
Marxism Encyclopedia Marxism Internet
Archives (MIA)

9 comments:

doy said...

Emman,

Para masaya, diskurso ule..... maaring nakagulo, nakadagdag ng kalituhan o maari rin naman nakapag-levelling off. Wala lang, kahit paano, may nagkomentaryo sa artikulo. Napakaganda ang paglalarawan mo sa manggagawa lalo na yung panimula; “Ang sinasabi lang natin dito ay: ang uring manggagawa ang “pangunahing” motibong pwersa at hindi natatangi o eksklusibong motibong pwersa ng rebolusyon o pagbabago.” Maganda yan ah.

Hindi ako na-involve sa TU o sa ano mang grupong sektoral o samahang pangmanggagawa. Anway, ang masasabi ko lang, may kalituhan o maaring sabihin kahit paano'y may pagbabago ng sitwasyon sa nakalipas na dekada sa hanay ng sektor ng manggagawa.

Kung dati-dati'y may kilusang unyonismo at kilusang manggagawa na nananawagang ng “tunay, palaban at makabayan (RAs)” at nakikipagbalitaktakan sa usapin ng unyunismo laban sa dilawang unyumismo, peke at genuine. Kung may “unyunista sa paggawa at may aktibista sa hanay ng paggawa o may nagrerepresentang partido ng manggagawa at vanguard party.”

Tama o mali, komplikado o malaki ang ipinagbago at hugis ng industriya (kung saan ang nakalagak ang mga manggagawa at empleyado). Sa tingin ko, pwedeng sabihing hindi na lamang ito'y usapin ng bansa, maging ang globalisadong lagay pang-rehiyon ay kinukunsidera na. Malaking bahagi ng pabrika'y halos nagsara na't inililipat na sa kalapit bansa, sa China, Vietnam o sa ibang lugar sa Asia.

Nagbabago na rin ang kalagayan ng paggawa, (kung ikukumpara noong panahon ng COLD WAR), pagha-hanapbuhay o ang sistem ng employment sa bansa. Nagbago na rin ang kahulugan at konsepto ng trabaho o hanapbuhay at definition ng “full employment” ayon sa isinasaad na standard ng International Labor Organization (ILO).

Sa tantya ko, sa dami ng nakakausap ko sa komunidad, nakakalungkot sabihing ang mahalaga ngayon sa tao ay ang magkaroon ng trabaho, anumang kalagayan (regular o hindi, maliit o mababa ang sahod, kung may equity ba ang manggagawa o wala, kung may seguridad man o wala, kung may dignidad man o wala, kung tama ba o pinili ba niya ang trabaho o napilitan lamang) at saka na lamang isipin ang mga karapatan, benepisyo't pagtatayo ng unyon. Idagdag pa ang nakakapanglupaypay na pangitaing lumalaki ang bilang ng child labor sa bansa (isa sa pinakamarami sa Asia). Ultimo nga IRAQ, (hindi alintana ang suicide bombing) ay susuungin ng Pinoy basta't may sapat na dolyar na mauuwi sa pamilya.

Laganap na sa ngayon ang inpormalisasyon (informal economy) ng paggawa. Subukan nating baybayin ang Commonwealth Av, (mula Philcoa hanggang Litex) at makikitang may 10,000 vendor ang nakabalagbag sa bagketa lalo na kung papagabi. Araw-araw sa ginawa ng diyos na nire-raid ito ng MMDA, tuloy pa rin at bumabalik at wala pa rin nangyari.

Mas malaki na ang bilang ng kontrakwal kaysa sa regular na manggagawa. 80% ng kabuuang manggagawa sa kasalukuyan ay inpormal. Malaki rin ang problema sa hanay ng pormal na employment kung saan, nakakaranas din ng paglabag sa requirement ng pag-eempleyo. Talamak ang sistemang “trainee ka muna sa loob ng anim na buwan, walang SSS at walang benepisyo.”

Habang patuloy na lumiliit ang bilang ng Unyon, lumalaki naman ang bilang ng “independent na unyon”. Naglilitawan ang mga bagong tipo ng samahan, may mga bagong “kooperatiba, asosasyon o ibang tipo ng samahan” sa ngayon ang itinatayo sa pagawaan, imbis na unyon? Papatindi't lumalala ang problema sa kilusang paggawa.

Ultimo sa hanay ng magsasaka ay komplikado na rin. May worker-peasant na tinatawag at may usaping magkaiba ang magsasaka sa pesante? Minsan nagiging parochial ang interest ang bawat isa (may kontradiksyon o magka-contra fellow pa ang magsasaka sa manggagawa). May kanya-kanyang tinutungtungang environment, may kanya-kanyang agenda at kadalasa'y nag-iiba-iba ang engagement.

Ang hamon sa ngayon ay hindi na lamang simpleng debate sa tactical engagement (diversification of areas of engagement), ang usapin ngayon ay kung sino ang may wasto at epektibong may basa (reading) sa nilulugarang konteksto o sektor. Ang hamon ng panahon ngayon ay kung ang usapin ay contestable ba o kayang icontest ang labanan. Ang hamon sa ngayon ay kung paano kikilalanin ang mas malawak na diskurso sa politika, pang-ekonomya't usapin ng demokratisasyon.

Hindi na lamang usapin ito ng pagiging “rebolusyunaryo, nananawagan ng reporma o ang pagiging repormista at isahang pagtingin ng mga bagay-bagay (plurarity at katangiang diverse na kalagayan). Ang isa ng malaking katanungan ngayon ay kung paano mapapaunlad ang kapasidad ng mamamayan bilang mamamayan (political at civil citizenship) at bilang social citizenship na may imahinasyon, mapanglikha at compassionate!

Doy
Nov 8, 2007

violent dispersal said...

Salamat doy sa pagsagot. Medyo mahaba rin ang iyong tugon.

Tama ka, gaya rin ng sinaad ko, iba na ang manggagawa ngayon. Hindi na sila limitado sa manggagawang industriyal na sinasad ni Marx.

Ito rin ang kinaganda nito. Ngayon, regular ka man o hindi, nasa nayon o urban, unemployed o underemployed, lahat tayo ay manggagawa.

Ngunit sa bawat pagbabago, kailangan kilalanin kung sino ang uring magsasara ng inaagnas na lipunang ito. makakatulong ang lahat. ngunit makakatulong na lubos ay ang mga manggagawa.

Bonn Juego said...

Salamat sa inyong magandang diskurso, Emman at Doy.

Isang punto lang. Tingin ko wala ng saysay sa konteksto natin ngayon ang pag-uuri ng tao batay sa kanyang relasyon o pagmamay-ari sa means of production.

Sa ngayon, sa tingin ko, sa larangan ng pakikibaka at pakikipaglaban para sa panlipunang pagbabago, ang dapat na punto de vista ay ang kamalayan ng tao. May-ari man, kapitalista o manggagawa, wala na ako masyadong isyu rito. Ang batayan ko ngayon ay kamalayan o consciousness: pro-capitalist, pro-elite, etc. Ibig sabihin, kahit empleyado ka man, pero ang kamalayan, pagkilos, at aksyon mo ay para sa pagpapalakas at pagpapanatili ng sistema, ikaw ay pro-capitalist o pro-elite. Gayundin naman kung ikaw ay entrepreneur, depende sa kamalayan mo ang posisyon mo sa labanan.

Piso ko. Hehe! ;)

violent dispersal said...

Salamat Bonn.

In a politically charged situation, becoming "politically conscious" is meant to say that people have awakened to their true political role, their actual class identity.

Ibig sabihin, the working class would become conscious of themselves as the revolutionary class agents of changing history.

But first things first, we should identify who really are the working class.

Identification and stress is a must.

: )

Anonymous said...

mont blanc, insanity workout, valentino shoes, north face outlet, timberland boots, soccer shoes, vans shoes, babyliss, new balance, nfl jerseys, mac cosmetics, giuseppe zanotti, p90x workout, nike huarache, nike trainers, nike air max, reebok shoes, vans, ray ban, baseball bats, lululemon, hollister, mcm handbags, celine handbags, wedding dresses, hollister, soccer jerseys, nike air max, iphone cases, ralph lauren, abercrombie and fitch, instyler, chi flat iron, louboutin, converse outlet, north face outlet, herve leger, bottega veneta, nike roshe, longchamp, asics running shoes, birkin bag, hollister, beats by dre, ghd, lancel, oakley, jimmy choo shoes, gucci, ferragamo shoes

Anonymous said...

canada goose outlet, moncler outlet, supra shoes, replica watches, toms shoes, moncler, thomas sabo, hollister, marc jacobs, swarovski, montre pas cher, moncler, ugg pas cher, louis vuitton, pandora jewelry, canada goose, sac louis vuitton pas cher, ugg,ugg australia,ugg italia, juicy couture outlet, canada goose, moncler, pandora charms, karen millen, pandora charms, juicy couture outlet, canada goose, bottes ugg, louis vuitton, swarovski crystal, links of london, canada goose, pandora jewelry, moncler, wedding dresses, canada goose outlet, louis vuitton, moncler, doudoune canada goose, ugg,uggs,uggs canada, coach outlet, louis vuitton, moncler, moncler, ugg boots uk, canada goose uk

yanmaneee said...

jordan 12
christian louboutin outlet
nike air max 95
yeezys
air max
michael kors outlet
vans outlet
valentino
golden gooses
michael kors outlet

Anonymous said...

The merit casino | Play online at the best casinos for slots
The casino in the UK has been around for 온카지노 decades, and it certainly is today. Check out its 메리트 카지노 bonuses, 1xbet live casino games and sports betting.

Anonymous said...

jordan shoes
goyard bag
fear of god outlet
nike dunks
golden goose
golden goose
bape hoodie
cheap jordans
air jordan
jordans