Sunday, June 10, 2007

Maraming pangalan ang kalungkutan


Nakikita mo sila sa iba’t-ibang hugis
Lumilitaw silang paisa-isa o sabay-sabay
Nagpapasalin-salin sa mga labi, sa mga pisngi
Dumadampi sa mga guhit ng palad sa kamay
Dumadadagan sa dibdib sa yakap na mahigpit.

Nagpaparamdam sila nang walang pasintabi -
Sa madaling-araw, sa tanghali o sa kalaliman ng gabi.
At madalas kung walang pagsidlan lumalabas sila
Sa mga lansangan, nakakasalubong mo sa tawiran
Humahangos kapag green na ang signal.

Sumasakay sila, nakikipagsiksikan sa MRT pa-Ayala
Nasa huling upuan sa bus papuntang Alabang
O taga-abot ng bayad sa jeep na biyaheng Baclaran.
Umuupo sila sa may fountain area sa Glorietta
O kasabay mong humihigop ng white choco mocha.

Nagsusuot sila ng iba’t-ibang estilo, bago o retro
Nanganganak ng maraming kulay, humahalo
Sa karamihan minsan kusang humihiwalay:
Matingkad na pula, itim, puting-puti, basta sari-sari
Ang tubog ng balat, ng damit, ng buhok, ng labi.

Kinakawayan sila, binabati ng kakilala,
Nakakabunggo, nakakasabay sa daan
Tinatawag sa maraming pangalan ang kalungkutan
Sa iba’t-ibang araw, sa iba’t-ibang lugar
Kahit pa nananahan sa iisang katawan.

6 comments:

Bonn Juego said...

'Tol,

Malungkot ka ba? Iinom na lang natin 'yan!

Sagot sa kalungkutan? Eh, ano pa nga ba? Kaligayahan! At ang kaligayahan ay marami ring pangalan.

violent dispersal said...

paano kaya yon? Estonia ka, Pinas ako. dayain mo pa ako sa tagay. pag-uwi mo dito painom ka na lang.

hayaan mo, iiwan ko na si Billy Corgan sa kanyang celebration of "the human condition of mortal sorrow".

Anonymous said...

bonn --

what a nice thought. ang kaligayahan ay marami ding pangalan. kelan ka ba talaga uuwi? puro ka nalang propa na pauwi ka na.

mwah!
jae

Anonymous said...

uy! napadaan lang po. salamat sa pagdikit ng tula.

Unknown said...

canada goose outlet, moncler outlet, supra shoes, replica watches, toms shoes, moncler, thomas sabo, hollister, marc jacobs, swarovski, montre pas cher, moncler, ugg pas cher, louis vuitton, pandora jewelry, canada goose, sac louis vuitton pas cher, ugg,ugg australia,ugg italia, juicy couture outlet, canada goose, moncler, pandora charms, karen millen, pandora charms, juicy couture outlet, canada goose, bottes ugg, louis vuitton, swarovski crystal, links of london, canada goose, pandora jewelry, moncler, wedding dresses, canada goose outlet, louis vuitton, moncler, doudoune canada goose, ugg,uggs,uggs canada, coach outlet, louis vuitton, moncler, moncler, ugg boots uk, canada goose uk

chenmeinv0 said...

mcm handbags
longchamp pas cher
replica rolex watches
ugg outlet
rolex watches
louis vuitton outlet
heat jerseys
kate spade outlet
coach outlet
cheap jerseys
chenyingying20161222