Thursday, November 20, 2008
Royale Blood
ANG KASAYSAYAN NG SCOUTS ROYALE BROTHERHOOD
By Bro Jun Cristobal
Alpha Delta '74
* Currently, there are three types (not factions as some would claim) of SRB, One is the SRB-APO, SRB members who eventually became APO but have deep affection and bonds with SRB, the second is the SRB traditionalists, members who while remained SRB have maintained a strong bondship and fraternal affinity with APO by virtue of its bloodline with the APO Alpha Delta chapter and lastly, the SRB Forever, who have since declared independence. However, all SRBs are united in developing Leadership, promoting Friendship and rendering genuine Service.
In some schools, SRB and APO not only co-exist but have strong mutual and fraternal relationships.
From an intermediate service fraternity for high school students in 1975, SRB is now an Intermediate and Collegiate International Service Fraternity with chapters in major colleges and universities nationwide as well as abroad. Last September 22, SRB celebrated its 33rd anniversary. Mabuhay ang SRB! LFS!
The owner of this blog identifies himself with the second type of SRB.
Alpha Delta
Ang Alpha Delta ay ang chapter ng Alpha Phi Omega sa San Sebastian College-Recoletos na nabuo noong 1965. Ito ay isa sa mga matibay at malakas na chapter ng APO di lamang sa University Belt area kundi sa buong kamaynilaan at Pilipinas. Sa katunayan isa sa mga brother na mula sa Alpha Delta ang naging pambansang pangulo ng APO, si Bro Cary Lazo, Alpha Delta '70. Bukod dyan kilala ang mga kapatid sa Alpha Delta sa pagdamay sa mga iba't ibang chapter na may mga problema partikular noong dekada 70.
Ang dekada 70
Ang dekada 70 ay isang kasaysayan sa Pilipinas na punong-puno ng karahasan sa hanay ng mga kabataan at estudyante. Pumutok ang First Quarter Storm noong Enero 1970 at mula noon ay lumubha ng lumubha ang gulo sa Kamaynilaan bunga ng labanan ng mga estudyanteng aktibista at mga pulis na na naging dahilan upang ipataw ang batas militar (Martial Law).
Tumahimik ang mga kolehiyo at unibersidad nguni't mga ilang panahon lamang ay nagkagulo na naman sa mga paaralan, hindi bunga ng aktibismo kundi dahil sa Frat Wars na kinatatampukan ng Alpha Phi Omega, Beta Sigma at iba pang fraternities sa iba't ibang unibersidad at kolehiyo sa Kamaynilaan tulad ng sa Alpha Delta.
Frat war ng APO at Beta Sigma
Ang Frat War ng APO at Beta Sigma ay pinakatampok sa mga Frat Wars noong dekada 70. Ito ay marahas at madugo ngunit labanan din ito ng talino, stratehiya at taktika sa pag-atake, rambulan at kahit na sa larangan ng katalinuhan sa pag-aaral. May mga magkakaibigan sa magkabilang panig ngunit kung may Frat War nagiging magkaaway sila. Nagpapaligsahan din sa recruitment ang APO at Beta Sigma ng mga neophytes. Violente, mapanganib nguni't punong puno ng indoktrinasyon sa prinsipyo ng APO at Scouting ang initiation ng mga kapatid sa APO. Hindi lang tapang ang kailangan, higit na kailangan ng talino para pumasa at maging APO ang isang neophyte.
Ang pagtatatag ng Scouts Royale Brotherhood
Hindi basta naitatag ang Scouts Royale Brotherhood nang ganoon na lamang. May mga sitwasyon at dahilan bakit ito nabuo ng mga kapatid sa Alpha Delta. Ito ay bunga ng gulo ng APO at Beta Sigma. Ang Alpha Delta ang isa sa pinakamalakas na chapter ng APO at ganoon din ang Beta Sigma sa San Sebastian College. Hindi lang tagisan ng tapang, kasama rin ang talino sa karakter ng Frat War sa Alpha Delta. Nagbuo rin ng high school fraternity ang Beta Sigma at tinawag nila itong Betan Elite na may chapter din sa San Beda College.
May mga high school din sa Alpha Delta na di maiiwasan na maging interesado sa mga nangyayari sa APO at Beta Sigma. Lumalapit sila at minsan ay umiistambay sa tambayan ng APO sa likod ng Simbahan ng San Sebastian College, sa 1925 International Restaurant at iyong Bamboo House. Karamihan sa kanila sa pamumuno ng yumaong Bro Bing Marabut ay gustong mag-APO ngunit hindi maaari dahil ang APO ay pang kolehiyo lamang. Madalas sila doon at nagmamasid sa mga kilos ng mga kapatid sa APO.
Sa panahong ito ng unang semestre ng school year 1975, si Bro Bong Manuel, Alpha Delta '72, ang Grand Chancellor ng Alpha Delta at si Bro Len Toledo, Alpha Delta '73, naman ang sumunod sa kanya. Ang master initiator ay si Bro Col Vic Tomelden, Alpha Delta '73 at Bro Ferdie Villa ng Alpha Eta. Malakas ang pwersa ng Alpha Delta at halos ganoon din ang Beta Sigma at ang Betan Elite.
Tanghali ng September 19, 1975, naglalakad si Bro Col Vic Tomelden at Jun Cristobal, Alpha Delta '74, sa harap ng gate ng San Sebastian College upang mananghalian sa Luisa and Sons sa may CM Recto at Legarda. Bigla na lamang silang pinaligiran ng mahigit 50 miembro ng Betan Elite na may hawak na mga panaksak, tubo, kadena at iba pa. Nabigla ngunit di nawalan ng loob sa gitna ng panganib ang dalawa at bago pa man maihampas ang unang tubo, nakapagsalita si Bro Jun Cristobal upang makipagnegotiate sa mga Betan Elite. Nakumbinsi na hindi dapat magkagulo ang mga high school at college students kahit magkaiba pa ang mga fraternities sa iisang kolehiyo. Hindi natuloy ang gulo ngunit nagbigay ito nang isang kakaibang sitwasyon sa mga pwersa APO at Beta Sigma.
Bunga nito, napag-isip ng dalawa na gumawa ng hakbang upang mabalanse ang pwersa ng APO at Beta Sigma sa Alpha Delta. Nakipag-usap ang dalawa kay Bro Bing Marabut at itanong kung ano ang lagay ng Betan Elite sa mga high school na estudyante sa San Sebastian College. Sinabi ni Bro Bing na maraming galit sa mga Betan Elite na mag-aaral at sila ay binu-bully madalas at pinagtatangkaang saktan. Kung maoorganisa ang mga naaaping high school ay matitigil ang pagsisiga-sigaan ng mga Betan Elite. Napagkasunduan na makipagpulong iyong mga inaaping high school sa dalawang APO matapos ang klase. Ipinaalam din ng dalawa ang nangyari kay Bro Bong Manuel at ilang brods sa Alpha Delta.
Kinagabihan ding iyon ay nakipagpulong si Bro Vic Tomelden at Bro Jun Cristobal kay Bro Cary Lazo sa bahay nito at agad syang sumang ayon sa ideya ng pagbubuo ng high school fraternity sa Alpha Delta. Matapos ang dalawang araw at sa basbas ng Grand Chancellor na si Bro Bong Manuel, naging pormal ang initiation ng mga high school sa San Sebastian College Church Yard noong September 22, 1975, alas tres ng hapon.
Nang malaman ito ni Bro Boy Aure, Beta Alpha '75, nakapagrecruit sya ng 3 high school mula sa NCBA upang maisama sa 37 charter member. Tinagurian ni Bro Len Toledo ang yumaong Bro Bing Marabut, presidente ng mga charter members bilang Il Duce. Napagkasunduan din na tawagin ito na Scouts Royale Brotherhood (SRB) upang magkaroon ng distinction sa ibang Greek Letter Fraternities. Ang unang seal ng SRB ay dinesenyo ni Bro Bobby Vette ng Pi. Si Bro Vic Tomelden at Bro Jun Cristobal naman ang naging master initiators.
Ang indoktrinasyon ng SRB ay base sa mga prinsipyo at paniniwala ng APO tulad ng Leadership, Friendship and Service, the 12 Jewels of Scout Law, 4 Folds of Services at yong Motto of doing a good turn daily. Halos walang pinag-iba dahil ang pinaka adhika ng SRB ay maging isang fraternity sa high school tulad ng sa APO sa kolehiyo. Ang SRB rin ay isang hakbang upang palawakin ang impluwensya ng APO sa high school. Bawal ang physical contact at puro indoktrinasyon at serbisyo ang pinakabuod ng initiation ng mga charter members.
Hindi rin naging madali na suportahan ng mga kapatid sa Alpha Delta ang pagbubuo ng SRB. Nagkaroon ng debate at mga argumento kung dapat ituloy o itigil ang pagbubuo ng SRB. Nanatiling matibay ang posisyon ni Bro Cary Lazo, Bro Bong Manuel, Bro Len Toledo, iyong 2 MIs na ituloy ito ngunit marami ring mga kapatid ang ayaw sumang-ayon. Ang mga diskusyon ay naging mainit at ito ang laging pinag-uusapan araw-araw. Umabot ito sa punto na maaring ikahati ng Alpha Delta ang usaping SRB at dahil dito nanawagan si Bro Boy Cruz, Alpha Delta '66 ng isang eleksyon upang desisyunan kung mabubuo o hindi ang SRB.
Nagbigay ng ilang araw na palugit upang magkampanya at ipaliwanag ang mga advantages at disadvantages ng SRB sa Alpha Delta at sa APO, at ng dumating ang eleksyon, nanalo ang boto na ituloy ang pag-oorganisa ng SRB. Dito ipinakita ng mga kapatid sa Alpha Delta ang pagsunod sa demokratikong proseso ng pagpili at ang pagsunod sa gusto ng karamihan. Nagkaisa ang lahat upang tumulong para maging isang tagumpay ang pagbuo sa SRB.
Matapos ang finals na ginawa sa bahay ni Bro Ching Nieva, Alpha Delta '75 at rituals, nabuo ang unang chapter ng SRB sa Roosevelt College, Concepcion, Marikina at mula noon ay lumaganap ang Scouts Royale Brotherhood sa buong Pilipinas, sa mga paaralan man o komunidad.
Mga Aral sa Pagbubuo ng SRB
Ang Scouts Royale Brotherhood ay hindi na-organisa ng ganoon na lamang. Ito ay may dahilan at iniluwal ito ng isang kondisyon noong dekada '70 sa panahon ng tunggalian ng APO at Beta Sigma at kalakasan ng iba't ibang fraternities.
Pinatunayan ng SRB at ng Betan Elite, na hindi maihihiwalay ang mga high school sa kabuuang karakter ng mga fraternities o iba't ibang organisasyon sa kolehiyo. Kailangan lamang nang modification at iayon ito sa sitwasyon.
Sa ilang attempt na maging parte ng APO ang SRB, ang pinakahuli ay gawing Associate Members ang mga kapatid sa SRB, walang nagtagumpay sa mga ito. Ang sabi nga ni Bro Mel Adriano, ang pambansang pangulo ng APO, ito ay destiny ng SRB na maging isang fraternity hiwalay sa APO ngunit parehong prinsipyo at paniniwala.
Ang mabilis at malaking paglawak ng SRB noong 1975 ngunit walang malinaw na organizational structure at makinarya at walang pormal na suporta ng APO sa national level ay mabigat na pasanin kay Bro Cary Lazo at Bro Len Toledo na nagpatuloy sa pag-gabay sa liderato ng SRB.
Isang pagkakamali ang kawalan ng pagtingin at di pagbibigay halaga sa mga SRB na hindi makakapag-APO ng ito ay simulang iorganisa. Isa itong dilemma at bagahe sa ibang hindi nakapag-APO noon na ang isang dahilan para mag SRB ay maging APO pagdating sa kolehiyo. Ito rin ang posibleng sanhi ng di-pagkakaunawaan ng mga kapatid sa SRB at APO, ang pagkakawatak-watak at di pagkakaunawaan sa loob mismo ng SRB at namuong galit ng iba sa APO. Bagama't nasa tao at sitwasyon kung makapag-APO o hindi ang isang kapatid, ang usaping ito ay mananatiling bukas at hamon upang maiayos at mabigyan ng solusyon sa hinaharap.
Hindi kailanman mababago ang kasaysayan at ito ay nangyari na. Ang SRB ay binuo ng isang chapter ng APO, ang Alpha Delta. Ang SRB ay galing sa APO at ang APO ay binuo ng isang Freemason, si Bro Frank Reed Horton.
Tuesday, October 21, 2008
Maningning
Ginising ako ng tula ni Maningning Miclat. Dumaan tila isang patalim, matalas, nanghihiwa, umuunday, bumabaon sa aking nanlalamig na laman, sa aking naghihingalong kaluluwa. Tapos na dapat ang lathalain na ito, ang tala-arawan ng mga tinago ngunit kinalingang sakit. Ngunit tinatawag ako upang muling magsimula, muling sumulat at kumanta sa mga pinakamadilim, pinakamalungkot at pinakamalalamig na sulok ng aking isipan.
Walang pinapangako, walang kayang ibigay, ngunit tila naghihintay. Dinaanan ako ni Maningning at ako ay muling nabuhay.
E
Berso #2
Ni Maningning Miclat
Cynthia Alexander singing Berso #2
Dumaan ako sa tahimik na ilog,
Ang buong mundo ay parang natutulog.
Kung may bunga mang sa tubig ay mahulog,
Parang ang puso ko itong nadudurog.
Kung mag-isa ako huwag nang isipin,
Sa dilim ay dapat pa akong hanapin.
Habang may luha ay huwag pang ibigin,
Sa pangarap ko ay huwag nang gisingin.
Kaya kong maghintay sa mga tula mo
Makinig sa awit ng kabilang dako
At tuklasin sa paglalakad na ito
Hamog at luha ng bulaklak at damo.
Mapapanood and sayaw ng tutubi
Mapapakinggan ang ibong humuhuni
Hihinahon ang pusong di mapakali
At hihimlay na sa mapayapang gabi.
Dumaan ako sa tahimik na ilog,
Ang buong mundo ay parang natutulog
Kung may bunga mang sa tubig ay nahulog
Parang ang puso ko nga itong nadudurog.
Walang pinapangako, walang kayang ibigay, ngunit tila naghihintay. Dinaanan ako ni Maningning at ako ay muling nabuhay.
E
Berso #2
Ni Maningning Miclat
Cynthia Alexander singing Berso #2
Dumaan ako sa tahimik na ilog,
Ang buong mundo ay parang natutulog.
Kung may bunga mang sa tubig ay mahulog,
Parang ang puso ko itong nadudurog.
Kung mag-isa ako huwag nang isipin,
Sa dilim ay dapat pa akong hanapin.
Habang may luha ay huwag pang ibigin,
Sa pangarap ko ay huwag nang gisingin.
Kaya kong maghintay sa mga tula mo
Makinig sa awit ng kabilang dako
At tuklasin sa paglalakad na ito
Hamog at luha ng bulaklak at damo.
Mapapanood and sayaw ng tutubi
Mapapakinggan ang ibong humuhuni
Hihinahon ang pusong di mapakali
At hihimlay na sa mapayapang gabi.
Dumaan ako sa tahimik na ilog,
Ang buong mundo ay parang natutulog
Kung may bunga mang sa tubig ay nahulog
Parang ang puso ko nga itong nadudurog.
Wednesday, February 20, 2008
Thursday, February 14, 2008
Seven Years Later, Driving Home
By Justine U. Camacho
It is impossible to fall in love again
for the first time.
the first blush, the heart quickening,
racing madly with a secret:
these things happen only once.
Yesterday, in the car,
only half-listening to a song,
I remembered.
And in my mind, I turned around.
If I had known that I would never
see you again.
If I had known that afternoon in August,
I would have stayed rooted there.
Watching you.
Nineteen yet and dreamy.
I felt the years deaden me, one by one.
And all the headlamps around me
blurred.
It was so sweet,
even to feel
that wound again.
*This poem was lifted from the book One Hundred Love Poems: Philippine Love Poetry Since 1905, edited by Gemino Abad and Alfred Yuson. What can I say? fuck love. Hate love. Love love. There's no way out. Might as well find that "perfect peace." Maligaya, makabuluhan at payak na araw ng mga puso sa lahat.
It is impossible to fall in love again
for the first time.
the first blush, the heart quickening,
racing madly with a secret:
these things happen only once.
Yesterday, in the car,
only half-listening to a song,
I remembered.
And in my mind, I turned around.
If I had known that I would never
see you again.
If I had known that afternoon in August,
I would have stayed rooted there.
Watching you.
Nineteen yet and dreamy.
I felt the years deaden me, one by one.
And all the headlamps around me
blurred.
It was so sweet,
even to feel
that wound again.
*This poem was lifted from the book One Hundred Love Poems: Philippine Love Poetry Since 1905, edited by Gemino Abad and Alfred Yuson. What can I say? fuck love. Hate love. Love love. There's no way out. Might as well find that "perfect peace." Maligaya, makabuluhan at payak na araw ng mga puso sa lahat.
Sunday, February 10, 2008
Greed has a name: illegitimate debt
By Emmanuel Hizon
Illegitimate debt is the result of an acquisitive or selfish desire for something beyond reason. It is the result of a hunger or an addiction that is without satisfaction and fulfillment. It is the outcome of the gluttony and the voraciousness of financial institutions and personalities who derive power and supremacy by using debt as an instrument to advance unfair socio-economic relations and the exercise of these relations to exploit and dominate.
This is also the new name of greed.
For what is greed but the naked acquisition of something beyond ordinary? It is the selfish desire to satisfy one’s caprice without regards for others. It is the rapaciousness to plunder without apprehension. It is selfishness in bold capital letters.
This is also the paramount message delivered by the recent revelation of whistle-blower Rodolfo “Jun” Lozada over the aborted $ 323 million ZTE National Broadband Network (NBN) project. Far from what it is, it is not just a simple issue of an obviously corrupt ex-Comelec official sucking the nation dry with his multi-million dollar commission. It is not just about Mrs. Arroyo and her First Family engaging in “dysfunctional” public procurement processes to further enrich themselves or is it a fair squabble between the Arroyos and their gang of new “power merchants” pitted against the old guard of patronage politics epitomized by Representative Jose De Venecia.
In truth, it tells about the sorry state of our nation still very much incarcerated to illegitimate debt. It exposes the weakness of our economy heavily reliant on debt to finance government projects and programs, many of which went unaccounted for or were wasted to corruption. It reveals the government’s insatiable debt addiction, its frivolity in acquiring new and yet unwanted debts, its subservience to international financial institutions, the vulnerability of our procurement processes for plunderers to use it as their own playground and the callousness of our leaders in seeing business opportunities and huge kickbacks amidst the heavy debt yoke our people are already carrying.
We salute Rodolfo Lozada not only because he blew the whistle on this overtly fraudulent deal, not only because he decided to do what is right and necessary, but more importantly, we laud him for reminding this nation that it is in fact our lingering debt problem that is one of the main reasons why we are poor, why our leaders are unabashedly corrupt and why we remain in this wretched condition.
Without a shred of a doubt, Mrs. Arroyo’s pronouncement together with her economic managers and neo-liberal apologists that the debt problem is over falls flat with the testimony of Lozada. The link between the NBN deal with the equally fraudulent $ 503 million North Luzon Railways Project, the South Luzon Railways Project and the $ 500 million Cyber Education Project (CEP) says it all.
Truly, the debt problem is far from over. It was never over.
The best way to honor the courage and selflessness of Rodolfo Lozada is not by merely extolling his good deeds. The best way to honor and give meaning to his bravery is by replicating it with the same act of daring and courage brought about by our collective struggle to liberate ourselves from debt domination.
Let us pay tribute to the bravery of Rodolfo Lozada. Let us build the necessary conditions to rid our country of greed and illegitimate debt. Now is the time.
Illegitimate debt is the result of an acquisitive or selfish desire for something beyond reason. It is the result of a hunger or an addiction that is without satisfaction and fulfillment. It is the outcome of the gluttony and the voraciousness of financial institutions and personalities who derive power and supremacy by using debt as an instrument to advance unfair socio-economic relations and the exercise of these relations to exploit and dominate.
This is also the new name of greed.
For what is greed but the naked acquisition of something beyond ordinary? It is the selfish desire to satisfy one’s caprice without regards for others. It is the rapaciousness to plunder without apprehension. It is selfishness in bold capital letters.
This is also the paramount message delivered by the recent revelation of whistle-blower Rodolfo “Jun” Lozada over the aborted $ 323 million ZTE National Broadband Network (NBN) project. Far from what it is, it is not just a simple issue of an obviously corrupt ex-Comelec official sucking the nation dry with his multi-million dollar commission. It is not just about Mrs. Arroyo and her First Family engaging in “dysfunctional” public procurement processes to further enrich themselves or is it a fair squabble between the Arroyos and their gang of new “power merchants” pitted against the old guard of patronage politics epitomized by Representative Jose De Venecia.
In truth, it tells about the sorry state of our nation still very much incarcerated to illegitimate debt. It exposes the weakness of our economy heavily reliant on debt to finance government projects and programs, many of which went unaccounted for or were wasted to corruption. It reveals the government’s insatiable debt addiction, its frivolity in acquiring new and yet unwanted debts, its subservience to international financial institutions, the vulnerability of our procurement processes for plunderers to use it as their own playground and the callousness of our leaders in seeing business opportunities and huge kickbacks amidst the heavy debt yoke our people are already carrying.
We salute Rodolfo Lozada not only because he blew the whistle on this overtly fraudulent deal, not only because he decided to do what is right and necessary, but more importantly, we laud him for reminding this nation that it is in fact our lingering debt problem that is one of the main reasons why we are poor, why our leaders are unabashedly corrupt and why we remain in this wretched condition.
Without a shred of a doubt, Mrs. Arroyo’s pronouncement together with her economic managers and neo-liberal apologists that the debt problem is over falls flat with the testimony of Lozada. The link between the NBN deal with the equally fraudulent $ 503 million North Luzon Railways Project, the South Luzon Railways Project and the $ 500 million Cyber Education Project (CEP) says it all.
Truly, the debt problem is far from over. It was never over.
The best way to honor the courage and selflessness of Rodolfo Lozada is not by merely extolling his good deeds. The best way to honor and give meaning to his bravery is by replicating it with the same act of daring and courage brought about by our collective struggle to liberate ourselves from debt domination.
Let us pay tribute to the bravery of Rodolfo Lozada. Let us build the necessary conditions to rid our country of greed and illegitimate debt. Now is the time.
Friday, February 8, 2008
Listen
“Another world is not only possible, she is on her way. On a quiet day, I can hear her breathing.” -Arundhati Roy
Ginang Arroyo, magbalot ka na ng gamit. Isama mo na pamilya mo at isang katerbang tuta mo! Malapit ka ng bumagsak! Parating na ang sambayanan!
Photo from: http://img68.imageshack.us/img68/3416/riot01rr2.jpg
Tuesday, January 29, 2008
Dalawang Dekada ng Musika ni Bobby Balingit
ni Soliman Santos
(Unang lumabas ang artikulong ito sa pahayagang Pinoy Weekly at matatagpuan din sa
bathatula, ang blog ng manunulat na si Soliman Agulto Santos)
Halos dalawang dekada na sa music scene ang Wuds, ang bandang kinabibilangan ni Bobby Balingit. Sa mahabang panahong ito, nanatili silang wala sa mainstream ng musikang Pinoy. Kuwento ni Bobby, saludo daw sa kanila ang ilang musikero dahil hindi sila nagbenta ng musika kapalit ng pera, walang kompromiso.
Sa ayaw at sa gusto natin, nandiyan pa rin ang Wuds. Sinong makakalimot sa kantang At Nakalimutan ang Diyos na pumutok sa radyo noong bandang dekada ’90? Bukod rito, nakaikot na sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang Wuds, naiimbitahan sa mga tugtugan. Sa haba ng panahong ito, hindi pa at mukhang walang balak maglubay ang Wuds. Marami pa silang gustong sabihin. Kinapanayam ng Pinoy Weekly si Bobby, ang bokalista/gitarista/songwriter banda para magbahagi ng kanilang pag-iral bilang isang banda.
Maikling background ni Bob at ng banda
Lumaki si Bobby sa urban poor community. Kaya sanay siya sa hirap. Noong kabataan niya, sumasama siya sa mga nagpipinta ng bahay. Iyon ang kanyang trabaho. Dose anyos siya natutong sumulat ng kanta. Kinse anyos nang nagsimulang gumitara.
“Punk na ako nun, naimpluwensiyahan ni Lito Mayo, isang pintor na punk,” sabi ni Bobby. “Punk talaga siya. Lampas, men. Minsan, nag-iiuman kami, sasabihin niya may nakikita siyang isang taong nakasakay sa kabayo na isa ang mata. Minsan naman, naglalakad kami tapos biglang sasabihin niya, hinto! Hihinto naman kami, matagal. Sabi niya, hayaan daw naming dumaan ang mga duwende. Lampas talaga.”
“Yung buong pamilya niya, lampas din. Sinasampal siya ng asawa niya tapos wala lang. yung nanay niya minsan tinanong si Lito, Anak, saan kukuha ng Tubig? magkakatitigan sila. Matagal, tapos sasabihin ni Lito, sa gripo. Aalis na nayung nanay niya nun.” “Malaki ang impluwensiya ni Lito sa akin. Talagang idol. Naging barkada namin siya. Nung minsang mageeksibit siya, pinag-perform niya kami. Nung nagpapraktis kami, maghapon kaming nagtalo kung saan kami papasok pagdating namin sa eksibit, e parisukat lang naman yung lugar. Tapos nakita niya yung bintana, mas maganda raw kung dun kami manggagaling. Inakyat niya ang bintana at saka tumalon. Pagbagsak niya, bali ang buto sa paa. Sinubukan niya talaga kung pwedeng dun kami manggaling. Kinabukasan sa eksibit niya, nakasaklay na siya.”
Naging malapit ang Wuds kay Lito. Siya nga dapat ang magma-manage sa banda. Nung araw na nakatakdang mag-usap para sa banda, hindi dumating si Lito. Nagtaka sila.Yun pala patay na siya. Wala na, hindi na natuloy yung plano.
Mga unang kanta
Mga bandang 1989. Wala na ang punk scene. New wave na ang uso tulad ng The Dawn. Nung panahong ito, nag-alok ng 4 o 5 kanta sa mga recording company ang Wuds. Walang tumanggap. Wala daw sa panahon. Si Heber Bartolome na ang katulong ng banda nun sa paglapit sa mga record company.
Noong pumutok yung At nakalimutan ang Diyos, hindi pa sa LA 105, humiwa sa isang radio station. pagkatapos may naghanap na ng album. Itinuloy na nila ang album si Heber ang namamahala. “Kami, wala naman kaming alam kung paano ang sistema sa rekording. Tinanong namin kung paano kami kikita. Parang nagalit si Heber. Noon din nagpirmahan kami ng kontrata. Babayaran kami ng P11,000.00. Ibig sabihin, paghahatian namin yung P11,000.00 kasama pa yung ibang mga sesyonista namin. Magkano na lang ang matitira sa amin? Ganon ang naging problema. Pero ok na sa amin yon. Tapos na,” paliwanag ni Bobby.
Bago ito, nakapagrekord na sila. Pero naloko rin daw sila. Palibahasa wala daw naman silang alam sa rekording noon. Panahon noon ng underground music. Mga punk band tulad ng Philippine Violators, Urban Bandits at iba pa. Tape pa ang uso noon, wala pang CD. “Wala naman kaming pinirmahang kontrata. Kaya hindi namin alam kung ilang kopya ang inilabas nila. Ang lumalabas, parang utang na loob pa namin sa record company na nailabas yung album namin. Wala kaming napala. Wala kaming nakuha sa pinaghirapan namin,” ani Bobby.
Sistema ng rekording sa bansa
“Iba kasi dito sa atin. Unang-una, napakahirap sa mga musikerong may kakaibang gustong sabihin ang pumasok sa industriya. Halimbawa, kung makabayan ka, walang susuporta sa iyo. Samantalang yung mga kantang walang gustong sabihin na hindi mo naman maintindihan, gustung-gustong iparinig sa mga radyo. Ito rin ang pinapatulan ng mga record company kasi ito ang kumikita.
Kapag nag-iisip ka, kapag may gusto kang sabihin sa mga kanta mo, walang makikinig sa iyo. Ganoon yata ang gusto ng mga tao sa industriya, bawal mag-isip. Dapat tanggap lang nang tanggap. Sabagay kahit naman sa lipunan natin, yun naman ang gusto ng mga nakapuwesto. Tanggap lang ng tanggap.”
Iba pang pinagkakaabalahan
Dire-diretso ang pagtugtog ni Bobby kasama ng Wuds. Kahit paano, naiimbitahan sila sa mga gigs. Sa mga club, sa mga konsiyerto, sa UP at sa ibang eskwelahan gayundin sa mga probinsiya.
“Pero bukod doon, marami akong ginagawa. Noong mga nauna, kahit ako lang mag-isa sumasama ko sa mga NGO (non government organization). Dati, na-involved ako sa mga kampanyang anti-droga. Pumupunta kami sa mga baryo-baryo. May mga seminar tapos ako kakanta naman. Parang pansingit lang. Kaskas ako nang kaskas sa entablado hindi ko alam kung may nakikinig. Minsan mga matatanda yung nanonood. Nakatugtog pa nga ako sa bilangguan. Parang specimen ako. Kasi nalulong din ako sa droga noon.” Pumasok din siya sa teatro. May isang dula na sinalihan siya. Umarte siya doon. Yung Lapu-lapu na idinirek ni Behn Cervantes.
“Tapos nun, nagtayo naman ako ng grupo. Multi-media. May painting, installation art, may tumutula tapos may kumakanta. Kakaiba din yun kasi pagpasok mo pa lang sa venue, may mga painting na nakasabit, may tumutula tapos yun nga may kumakanta. Nag-imbita ako ng mga artists. Pinuntahan ko pa sila sa isang bar noon tapos ako mismo ang nag-abot ng imbitasyon. Nung concert/exibit na, si Dong Abay lang ang pumunta. Kahit yata sa mga kapwa artista, hindi ako nakakuha ng suporta.”
Sa ngayon, nakikipagtulungan siya sa ibang artists. May grupo sila, yung ARREST GLORIA. Isang grupo ito ng mga manunulat, pintor, manganganta at iba pa na ayaw na kay Gloria. “Para kasing ayaw ko nang kumilos nang mag-isa,” pakli no Bobby. “Mas maganda yata ang may katuwang. May nagawa na kaming isang kanta. Kolektibo ito. Sinulat ng mga manunulat tapos nilapatan namin ng musika. Nasa internet na yata ito ngayon,” dagdag niya
Kapag may mga gig o mini concert na anti-GMA, sumasama sila Bobby. Kakaiba daw talaga itong si Gloria. “Mayaman na nga, gusto pang magpayaman. Walang kasiyahan. Ganyan yata ang lahat ng pulitiko,” ayon pa sa kanya. Sa ngayon, nagtuturo siya ng patugtog ng gitara. Tutorial. Kahit ano, classical, jazz, blues, rock at iba pa.
Sa lipunang Pilipino
Maraming maling nakikita si Bobby sa lipunang Pilipino. Para sa kanya, bahagi ang mga artista para sa pagbabago ng lipunan.
“Yun nga, maraming hindi tama sa lipunan natin. Halimbawa yung pinatay na lider-manggagawa sa Nestle, si Ka Fort. Wala naman siyang kasalanan. Gusto lang naman niyang magkaroon ng sapat na suweldo at iba pa. Pinatay siya. Samantalang iyong iba, mayaman na, patuloy pa ring nagnanakaw sa kaban ng bayan.
Pero ako, dapat magtiyaga tayong lumaban. Babagsak din ang mga iyan. Tutulan natin ang hindi tama. Yun ang mas mahalaga sa akin, yung kontribusyon mo sa iyong panahon. Pag matanda ka na at nagkaanak ka ng matalino, tatanungin niyan kung ano ginawa mo. kailangang may maisagot ka. Kaya nga yung mga magnanakaw sa gobyerno, siguro nanalangin sila na huwag silang magkaanak ng matalino dahil kapag tinanong sila baka wala silang maisagot. Baka isuka sila ng kanilang mga anak o mga apo dahil sa mga pinagagawa nila.”
Sunday, January 27, 2008
Ang Talon sa Tanong
Ni Emmanuel M. Hizon
Bakit tayo nagtatayo ng mga matatayog na gusali,
Halos hipuin ang langit
Halos silipin ang kalawakan
Tila sumusuntok sa alapaap
mga manhid na bakal at semento ng ating museo,
para lamang lundagan ng ating mga ubos na pag-asa, katinuan at kasawian?
Bakit kay dami ng ating mga tulay, mahahaba, umiikot at matataas,
tinatagos ang mga dagat ng ating gunita,
tinatahi ang baybayin ng ating nakaraan
hinahakbangan ang natutulog nating mga alaala
ngunit bigo pa rin tayong makatawid at makapunta?
At bakit lagi pa rin tayo natatakot pumunta sa kabilang dako
at nagkakasyang makipagpatintero
makipagsapalaran at sumugal
sa bilis ng mga mapamuksang daloy ng lansangan?
Bakit mahilig tayong magpasagasa,
binubundol ng mga bangungot AT pighating ayaw lumaya,
binabangga ng mga multo at anino
pilit nagpapatiwakal ngunit walang pangako ng kamatayan,
nag-aabang sa estribo ng walang dumadating
naghihintay sa mga ayaw naman dumating?
Bakit tayo nagtatayo ng mga matatarik na pader,
Bakit natin ito sadyang binububugan at muling pinapatibay
Para lamang sandalan ng iba
Para lamang duruan, babuyin at ihian ng lubha,
para lamang wasakin, gibain at durugin
at upang makapasok ang hindi dapat papasukin?
Ilang beses mo na itong kinulayan at pininturahan
Ilang beses ko na rin itong kinulayan at piniNturahan.
Bakit pilit tayo naghahanap?
Bakit pilit mo siyang hinahanap?
Bakit pilit kitang hinahanap?
Bakit pilit niya akong hinahanap?
Lahat mayroong hinahanap
Lahat araw-araw naliligaw,
nawawala at muling maliligaw
tayo, mga estranghero ng mga umuulit at pamilyar na pook
nahihibang, nauubos ang mga buto
palaboy na walang dulo.
Enero 2008
Monday, January 21, 2008
Wednesday, January 16, 2008
And another
"I was reminded of a Greek goddess chiseled in marble: That's... a beautiful statue, damaged in a way you can't see till you get too close."
- Jude Law, Alfie
- Jude Law, Alfie
Tuesday, January 15, 2008
The Eternal Flaw II
By Emmanuel Hizon
Obviously flawed, the blemished sculpt of mistakes,
Series of imperfections nobody cared to comprehend or make.
Impaired without remorse
Our errors will not hesitate
Where are you, the bravest of all the cowards?
How many more do you have to take?
Broken dreams of scattered screams
Restrained whispers and silent fears,
Is it too much of a burden,
an encumber with no relent.
There is no light at the end of the tunnel
Down in a hole, inside the burrow
Come get me you gravedigger
I am damaged while you’re without a dent.
January 2008
Thursday, January 10, 2008
Labada at Buhay: Dalawang Tula
Paglalaba
niJames Miraflor
Bukas, lalabhan ko ang aking
pagkatao.
Sa umaga, ibababad ko sa tubig
ang manilaw-nilaw na tela ng aking
kahapon. Lalagyan ko ng kaunting
chlorox para matunaw ang mga mantsa
ng galit at pagsisi.
Sa tanghali, kukusutin ko
ang aking pagkatao sa isang baldeng
puno ng tubig at sabong panlaba.
Kukusutin ko hanggang sa ang
bawat hibla at alalaa ay
maputi na at mabango.
Kukusutin ko. Tapos
kukusutin ko pa.
Kukusutin.
Kukusutin.
Kukusutin.
Sa hapon, ibababad ko sa downy
ang aking nakaraan.
Palalambutin pagkatapos
manigas at gumaspang sa
matinding paglalaba. Ibababad
ko ito hanggang sa ang bawat
hibla ay maari ko nang tignan
ng walang hapdi ng paghuhugas
o pagtitika. Ibababad ko
ito hanggang sa ang bawat
alalaa ay maginhawa ko nang
maidadampi sa katawan
ng aking kukote.
Sa gabi, isasampay ko ang
aking basa ngunit malinis at
mabango ng pagkatao sa ilalim
ng pagpapatawad ng buwan.
Matutuyo sa mga halik ng
malamig na hangin ng
Oktubre ang tubig na luminis
sa aking kaluluwa.
Sana sa makalawa,
may bago na akong buhay
na maisusuot.
Pagod na labandero
(Sagot sa Paglalaba ni James Miraflor)
Ni Emmanuel Hizon
Minsan kahit gaano mo labahan, kahit gaano mo kusutin,
kahit gaano mo katagal ibabad,
kulahin at muling kusutin,
ang mantsa at bahid ng nakaraan ay hindi halos lumisan.
Ginawa mo na ang lahat,
ipinilit mo ang lahat,
ngunit sa dulo ikaw ang kumupas, numipis at nawasak.
Para kang lumang maong na pinagsasama na lamang ng mga himulmol
at balintuot na tela at sinulid.
Para kang damit na halos mapagkamalang basahan, punasan ng burak at dumi.
Sagana ka sa laba, hitik ka sa pagpupunyaging luminis at maging bago
ngunit sa dulo...
Ikaw ay naglaba,
Ikaw ay nilabhan,
Ngunit ikaw ay nasira.
niJames Miraflor
Bukas, lalabhan ko ang aking
pagkatao.
Sa umaga, ibababad ko sa tubig
ang manilaw-nilaw na tela ng aking
kahapon. Lalagyan ko ng kaunting
chlorox para matunaw ang mga mantsa
ng galit at pagsisi.
Sa tanghali, kukusutin ko
ang aking pagkatao sa isang baldeng
puno ng tubig at sabong panlaba.
Kukusutin ko hanggang sa ang
bawat hibla at alalaa ay
maputi na at mabango.
Kukusutin ko. Tapos
kukusutin ko pa.
Kukusutin.
Kukusutin.
Kukusutin.
Sa hapon, ibababad ko sa downy
ang aking nakaraan.
Palalambutin pagkatapos
manigas at gumaspang sa
matinding paglalaba. Ibababad
ko ito hanggang sa ang bawat
hibla ay maari ko nang tignan
ng walang hapdi ng paghuhugas
o pagtitika. Ibababad ko
ito hanggang sa ang bawat
alalaa ay maginhawa ko nang
maidadampi sa katawan
ng aking kukote.
Sa gabi, isasampay ko ang
aking basa ngunit malinis at
mabango ng pagkatao sa ilalim
ng pagpapatawad ng buwan.
Matutuyo sa mga halik ng
malamig na hangin ng
Oktubre ang tubig na luminis
sa aking kaluluwa.
Sana sa makalawa,
may bago na akong buhay
na maisusuot.
Pagod na labandero
(Sagot sa Paglalaba ni James Miraflor)
Ni Emmanuel Hizon
Minsan kahit gaano mo labahan, kahit gaano mo kusutin,
kahit gaano mo katagal ibabad,
kulahin at muling kusutin,
ang mantsa at bahid ng nakaraan ay hindi halos lumisan.
Ginawa mo na ang lahat,
ipinilit mo ang lahat,
ngunit sa dulo ikaw ang kumupas, numipis at nawasak.
Para kang lumang maong na pinagsasama na lamang ng mga himulmol
at balintuot na tela at sinulid.
Para kang damit na halos mapagkamalang basahan, punasan ng burak at dumi.
Sagana ka sa laba, hitik ka sa pagpupunyaging luminis at maging bago
ngunit sa dulo...
Ikaw ay naglaba,
Ikaw ay nilabhan,
Ngunit ikaw ay nasira.
Monday, January 7, 2008
Nothing
Yes, I know, I know. Recently, I've been posting stuff here consisting mostly of videos from the Youtube jungle, favorite song lyrics and other people's poems. I guess I got nothing new to show or write this new year. Geez, my 2007 year-end post was even a song from Imago.
I got nothing to write right now. Dead nothing. Blank. Kaput. Dead end.
Yet, I'm perfectly fine. In fact, I think I'm quite happy. Yeah, I'm happy. Wawa Emman, can't write happy thoughts. You sick little fuck.
And No! I will not write things like how I survived today's work, how I feel this week (with birds chirping nearby) or what's my point of view regarding the stupid network war. I won't do it just to fill in the spaces and just to to keep this blog from being so static. I'm tired of filling up the spaces.
So instead, you'll have a dose of videos from Youtube, song lyrics and poems from dead, near dead people.
Don't worry you'll hear from me soon. Or maybe not. Who cares.
Whatever.
End.
Stop.
I got nothing to write right now. Dead nothing. Blank. Kaput. Dead end.
Yet, I'm perfectly fine. In fact, I think I'm quite happy. Yeah, I'm happy. Wawa Emman, can't write happy thoughts. You sick little fuck.
And No! I will not write things like how I survived today's work, how I feel this week (with birds chirping nearby) or what's my point of view regarding the stupid network war. I won't do it just to fill in the spaces and just to to keep this blog from being so static. I'm tired of filling up the spaces.
So instead, you'll have a dose of videos from Youtube, song lyrics and poems from dead, near dead people.
Don't worry you'll hear from me soon. Or maybe not. Who cares.
Whatever.
End.
Stop.
Subscribe to:
Posts (Atom)