Thursday, September 20, 2007



total wreck...

Monday, September 17, 2007

Silent All These Years - Tori Amos featuring Leonard Cohen



The saddest is also the most beautiful...
The loneliest is also the most fulfilled
The most fulfilled is also the the emptiest
The most loved is also the most hated...

Sunday, September 2, 2007

BRAD

***Para sa lahat ng katotong hindi naging mga kaibigan dahil naging mga kagyat na kaaway. Para sa lahat ng nasaktan, dinusta, kinamuhian ng walang dahilan at sinaktan pang muli. Mapatawad sana tayo ng kasaysayan at ng buhay sa ating mga kapalaluhan. Sayang at sadyang sayang ang mga pagkakaibigang hindi nangyari. Higit sa lahat, para kay Bems.


Kunin ang pamalo
Paluin at lumpuhin ang mahina ang pananampalataya
Utusan at gawing alipin ang mga kaibigan, kaklase at kasama
Umastang mga macho, siga at palaban
Gumuhit ng linya sa pagitan ng mga 'barbaro' at mga mahihina
gumihit ng linya at dugo sa pagitan natin at ng mga uhuging kapatiran
Gumuhit ng gumuhit
mamalo ng mamalo
umasta ng umasta

Kunin ang mga tubo, boga, martilyo at mga beinte nueve
karnehin ang kaaway paputukin ang mga ulo
Ihagis ang mga pillbox
Saluhin ang mga suntok
sugod atras sugod
may gulo tayo
may gulo tayo
may gulo tayo!
Ano nga ba ang iskor na? 3-2? 2-1? 0-2?
Basta,
Abangan sila sa kanto
Abangan sila sa kanto
Patayin sila sa kanto

Ipagdiwang ang kapatiran
Ipagdiwang ang bagong tinira
magyabangan
magbidahan
magpataasan ng ihi
'di ako umatras
'di ako natakot
buo ang aking loob
sinamahan kita sa dulo
Sinalba kita
pinagtanggol kita
Ginanti kita
malaki ang aking titi
Malaki ang ating titi

Kaya maghanda ng isang piging
Magkamayan tayo lagi
Magpalitan ng mga lihim at koda
Sampalin ang hindi matahimik
Magparami
Magparami
Mag-ubusan
Mag-ubusan
Brad
Sis
GC
GT
MI
Alpha
Beta
Chi
Delta
Epsilon
Neo
Full Brad
Half Brad
Master
Lord
Senyores
Alumni
Anib
Forever
May gulo
May gulo

Lahat tayo ay mga uhugin, duwag at iyaking paslit.
Kasing pangit at kasing krudo ng tulang ito, tayo.

Fratman ako.
Hindi ako fratman.




Emman Hizon
Scouts Royale Bortherhood (SRB)
Beta Tau Chapter
University of Santo Tomas

Ang Trahedya ng Wowowee Part 2 (Mga Tula ng Galit at Desperasyon)

At nahugot nga ni Willie, mula sa kahon, ang tamang sagot sa bugtong
Ni Lolito Go

Napako ang mga naluluhang
mata ni Tiya Meling sa T.V.
nang makita niyang umiiyak
ang Idol na si Willie,
hinahamon si Joey, kinukumbinsi
ang sambayanan na hindi siya
mandaraya, at ang istasyong
kinabibilangan niya ay laging
matapat sa layunin nitong
makapagbigay saya at pag-asa.
Nakalimutan na ni Tiya na iisang
tao lang ang nanghipo noon sa isang
kandidata sa Calendar Girl ,
ang nanakit sa bagong kasal niyang
asawa, ang naabsweltong bugaw sa Ultra
at ngayon, ang nabistong nananalamangka.

Nakalimutan na ni Tiya na galit siya
sa mga mandaraya, nakalimutan
din ni Tiya na noong nanakawan siya
ng paninda sa bangketa, binayaran
niya ng tig-sisingkuwenta ang mga
binatang gumulpi sa nahuling istambay.
At ni hindi tumulo ang kanyang luha
nang makita ang gumagapang
at duguang katawan ng kawatan.
Subalit tuwing humihingi ng paumanhin
ang idolo nya sa T.V., binubuksan niya
ang puso, pati lagusan ng kanyang luha,
at tinatanggap ang mga pampalubag-loob
na katulad nito: "Kapamilya, kayo po
ang tunay na bida dito, at hindi ako".

Araw araw tuwing tanghali,
bukambibig ito sa Wowowee.
"Salamat sa mga subscribers ng TFC.
Salamat sa pinadadala ninyong tseke,
sa mga pinagpaguran nyong dolyares.
Makakaasa po kayong aabot ito
sa bibig ng mga nagugutom."
Subalit hindi laging naililihim
sa loob ng mga bayong o ng mga kahon
ang katotohanang hindi kawang-gawa
ang paboritong palabas ni Tiya;
isa lamang ito sa maraming
hanap-buhay ng iilang nasa itaas
na magkakapamilya.