Thursday, May 31, 2007

Perfect Day

By Lou Reed
Transformer (1972)

Just a perfect day,
Drink Sangria in the park,
And then later, when it gets dark,
We go home.
Just a perfect day,
Feed animals in the zoo
Then later, a movie, too,
And then home.

Oh it's such a perfect day,
I'm glad I spent it with you.
Oh such a perfect day,
You just keep me hanging on,
You just keep me hanging on.

Just a perfect day,
Problems all left alone,
Weekenders on our own.
It's such fun.
Just a perfect day,
You made me forget myself.
I thought I was someone else,
Someone good.

Oh it's such a perfect day,
I'm glad I spent it with you.
Oh such a perfect day,
You just keep me hanging on,
You just keep me hanging on.

You're going to reap just what you sow,
You're going to reap just what you sow,
You're going to reap just what you sow,
You're going to reap just what you sow...


"Perfect Day" is a song written by Lou Reed in 1972. Its fame was given a boost in the 1990s when it was featured in the 1996 film Trainspotting, and after its release as a charity single in 1997.

The song was originally featured on the 1972 album Transformer. The song's lyrics are often considered to suggest simple, conventional romantic devotion, possibly alluding to Reed’s relationship with Bettye Kronstadt (soon to become his first wife) and Reed’s own conflicts with his sexuality, drug use and ego.[1]

However, on a deeper reading of the song's lyrics, amongst the idealised description of a "perfect day", interposed lines such as "You just keep me hanging on", and "I thought I was someone else, someone good" suggest a far deeper yearning than just the superficial romantic cliches, and allude to the underlying and painful bitterness of nostalgia often felt even as an event is lived - an event one knows or fears to be a mere distraction or illusion.

Some commentators have further seen the lyrics as displaying Reed's romanticised attitude towards a period of his own addiction to heroin. Critics of this view assert that Reed never tried to conceal his drug use, so the song does not have concealed meanings of this nature. However, this popular belief of the song's underlying meaning gave many across the United Kingdom a smile when the BBC used the song and the charity version was released.

Reed re-recorded the song for his 2003 album The Raven.

(sourced from wikipedia)

Tuesday, May 29, 2007

Open Sea

By Emmanuel Hizon

She is a shipwreck
Feral tide in love with disorder
Overthrowing life
An orgy of pandemonium and un-peace
Drowning the unbelievers
Dragging to uncertainty who do

She is the brave blissfulness of disarray
Watching bodies upon bodies of desperation
Seeking air,
Clutching to whatever handles just to live
Their tired reruns
Holding on to loveless loves

Will you trespass the depths of her sanity
And plunge to the bosom of her promise?
The promise of getting you lost
You, closet wanderer, broken compass
Lonely lost and found attendant person
Finding almost everything, everyone
Except yourself.

Make love to her; make love to the open sea
Embrace her
Succumb to her
Resist her
Rebel for and against her
Break away
Swim wherever.

Tuesday, May 22, 2007

Ruins

By Emmanuel Hizon

Don’t talk to me anymore. Don’t utter nice words to me.
Don’t greet me with your beautiful smile. Do not even patronize me.
Don’t be so pleasant when I see you. Don’t try to be civil with me.
Don’t try to have a short chat with me. Don’t even try asking me how I am doing these days.
Don’t be too kind and concerned. Don’t look at me with your unyielding stares. Don’t thank me for anything. Don’t be a friend.
Just be on your on way. Just be on your way.

Instead, I want you to throw me your dagger glances that will cut me to pieces.
I want you to dismiss me without relent and mercy.
I want you to utter awful words that will stab my heart repeatedly like how a serial killer will.
Remind me how I almost wrecked your life.
Tell me that I am incapable of change or of having second chances.

I want you to be a full-time snob, an unmindful person,
Become my most distinguished radical stranger by the day.
Hate me again and again, despise me, and mock me if you will until I’m convinced with the feeling.
Be harsh and insensitive. Push me to the wall, make me feel that I’m a worthless piece of shit, the loser of all losers hitting rock bottom.
Let me scrap my own empty barrel; make me realize that I’m a negligible piece of dirt that must be kicked without remorse.

Do all these things…

Because each time you talk to me, I get rapt in your melodious voice and fragrant sighs.
Each time you utter nice words to me, hope, the deep-seated optimist will once again tap my back and let me charge the unconquerable windmills.
Because each time you smile, my wall of defenses I’ve worked so hard to build simply crumble into pieces. And I am tired of building it over and over again.
I’m tired of the ruins. I’m tired of sleepless nights thinking of you.
I am tired of writing every song and poem about you.

So, be callous, uncaring, cruel, numb, indifferent, cold and distant.
Obliterate me,
smash me to pieces,
beat the senses out of me and leave me for dead.
Show me no compassion, no understanding.
Obliterate me
Reduce me to nothing.



February 26, 2007

Friday, May 18, 2007

Paano Kitang Minamahal

ni Ravelth Castro


Ano’t kailangan ko ng lumisan ay hindi kita maiwan-iwan
Hindi masanay-sanay gayong paulit-ulit ka na noong namaalam
Tatakbo na lamang ang tren sa istasyon
Subalit waring mga punong nakaugat
Itong aking mga paa sa pagkakatindig sa hinatayan.
Hindi ko nais matinag o yumukod man lang,
Kahit kumurap at malingat ang tingin sa iyong mukha.
Ganito ang tindig ng isang pararangalan
Kapag tatanggapin ang kanyang parangal, kinakabahan
Subalit nakatango, nakamasid sa kanyang ginto
O ng isang deboto tuwing mamanata sa harap ng altar,
Mataimtim kung magdasal, malalim, katulad ng aking panalanging
Sinasambit parang ritwal, panay na panay kahit hindi
Nakaharap sa mga santo o mga litratong dinadasalan.
Ganyan din ang pag-usal ng dasal ng isang bayaning
Babarilin o lalatayin ang likod para sa kanyang bayan
Hindi mapag-imbot kung mag-isip, buong-buo kung magbigay
Ng sarili. Namamaalam subalit iiwanan ang kanyang aral
Maisusulat sa mga aklat, maikikintal sa mga utak
Ng mga anak, hanggang sa kanilang mga anak-anak
At mistulang isang istoryang hindi nagwawakas
Kung paanong ang pagkabilog ng isang bilog
Ay di nauubos o napuputol katulad ng singising
Kahit san malaglag ay mananatili sa kanyang hugis
Hindi maikakaila ang pagkabilog kahit anong panahon.

Ganyan sinta kung ibigin kita, walang kinikilalang
Taon, lugar, salita. Walang paghihiwalay na susukat
Sa aking di mabibilang na pagmamahal, di mahahati,
Kahit paulit-ulit mo akong iwan, saktan o masaktan kita.
Hindi itong pamamaalam ang siyang wawaksi
Sa di maampat kong damdaming lampas-dibdib
Iniibig kita hanggang sa muling pagkikita,
Hanggang sa muling paghihiwalay iniibig kita.
Hanggang sa muling walang katiyaka’y ikaw pa rin sinta
Kung ikaw ma’y muli’t-muling darating at lilisan sa aking kandungan.
Buong ringal kong sasabihin kung paano kitang minamahal
Minahal at mamahalin, paulit-ulit at malakas na malakas
“Ikaw lang at wala ng iba”, “Ikaw lang at wala ng iba”.

Wednesday, April 25, 2007

Walang tula ang kayang magbalik ng dating tayo

Emmanuel Hizon

Walang tula ang kayang magbalik ng dating tayo.
Walang mga tugma, linya at mga berso ang kayang magpalambot
sa mga pusong tila mga asero kung sumuntok sa pagmamatigas.
Walang mga suyuan, nakagisnang ritwal at pagsasamo ang kayang pakiligin at kilitiin ang mga malulungkot na sulok ng ating mga damdaming halos inamag na sa pagkaumay.

Walang tula ang kayang magbalik ng dating tayo.
Walang mga paumanhin, pangungumpisal at pagsisisi ang kayang magpapurol sa mga
Matatalim na tinginan at salita na ating pinansasaksak sa isa’t isa,
Malalalim at magpapasyang mga unday na sumusugat,
Tila mga lason sa ating mga ugat.
Walang anumang awit o ritmo ang kayang magpatulog o magpaindak sa ating mga kamalayang gising at dilat sa kalaliman ng gabi
Umiiyak,
nagluluksa
Sumisigaw ng tahimik sa ating mga ‘di inaasahang inabot at pasanin.

Walang tula ang kayang magbalik ng dating tayo.
Walang buhay, naghihingalo at patay na makata ang kayang mangumbinsi na dapat nating bisitahin ang museo ng ating nakaraan.
Lubhang hindi uubra ang mga taludtod at prosa nila Pablo, Francisco, Virgilio at Krip
Lahat sila ay pawang mga serye ng kabiguan
Walang historyador ang kayang maghalungkat ng ating mga nakatagong buto, mga antigong sumpaan at iba pang reliko,
Walang simuman ang may kakayahan,
Walang sino man ang makakahukay.

Walang tula ang kayang magbalik ng dating tayo.
walang bahay-aklatan at biblioteka ang makapagbibigay ng anumang ayuda
walang lansangan at bulwagan ang kayang magbitiw ng mga talumpati para muli tayong ipagdiwang
walang papel at panulat ang makakasulat ng anuman upang maging tayo muli.
Walang tula ang kayang magbalik ng dating tayo.
Wala,
Wala,
Wala.

Monday, April 9, 2007

Minsan, Kailangan Natin Ang Tumula

ni Fermin S. Salvador

Minsan, kailangan natin ang tumula:
Pagbigyan ang utos ng mayuming puso
Na isalaysay ang hibla ng pagsuyo
Sa panahong tigang ngunit nagdurugo.

Minsan, kailangan natin ang tumula:
Hangga't may sandali, ngayong dapithapo'y
Tila gumagapang dapwat nag-aapoy,
At ang kamalaya'y pawang pagtatanong.

Minsan, kailangan nating mabahiran
Ng tintang may hiyaw, may samyo, may igkas
Sa daliri't maging sa pusod ng lakas
Matapos mahimbing, maghaka't magmalas.

Minsan, kailangan natin ang umibig:
Sa kinabuwalang malamig na lupa,
Tukod ay pangarap at mga pandama,
Minsa'y kailangan natin ang tumula.

Thursday, March 29, 2007

Jun Ducat

Ano kaya ang tumatakbo sa isip mo ng mga panahong iyon?
Ano kaya ang nilalaro ng iyong pagal na pagmumuni-muni at pagninilay
Ng piliin mong igarahe ang bus sa tapat ng monumento ni Bonifacio
Bitbit ang iyong nakatikom kamaong galit na kay tagal mong tinago at binusalan.

Ano kaya ang tunay na dahilan?
Ano kaya ang sadya mong layunin?
Ng isara mo ang pintuan ng bus
kasama ang iyong mga mahal na musmos
Upang magbukas lamang ng panibagong pinto
ukol sa isang partikular na yugto
na wala halos nangangahas sumilip o panandaliang pumasok.

At ano ang yugtong ito?
Ano ang iyong binabanggit na realidad?
Ano itong katotohanan na sadyang pilit pinapagpag ng marami
At pinagdadamutan ng pansin?
Ano itong luma at inaamag na istorya na iyong nais muling ikwento
At ilathala sa panlipunang libreto ng tao?

Ito ba yung sumisigaw na realidad na kailangan mong gawin ito?
na kailangan pang mangyari ito?
Upang maipaabot at mairehistro ang sugat ng marami,
Ang lalim ng peklat ng mga binusabos at inapi
sa mga nahihimbing at kinakalyong damdamin ng mga walang pakiramdam
sa hanay ng mga kunwaring inosente at walang alam
sa mga nagbabalat-kayo at mga swapang.

Ito ba yung katotohanan na sadyang binabaliw tayo ng bulok na sistemang ito
Ang paulit-ulit na kwento ng mga pamilyang sama-samang nagpapakamatay
nasisiraan ng bait dahil sa gutom
Kahirapan at kawalan ng pag-asa
Ang araw-araw na pagpapatiwakal ngunit walang pangako ng kamatayan
Ang taon-taon na kalbaryo
Ang minu-minutong paghuhukay ng sariling libingan
Ang paghahanda ng mumurahing nitso.

Ngunit ano ang sinabi at ganti nila sa iyo?
Ikaw daw ay sira-ulo, anarkista
Bayolente at terorista.
Silang mga hipokrito, mga bulol na verbalista at mga sinungaling,
Silang mga mahilig ngumawa at magreklamo
Habang komportableng sumisipsip ng kape sa malalamig na coffee shop,
Silang mga hungkag at duwag na usisero ng buhay.

Alam ko at alam mo rin,
Muli ka nilang ilalagay sa piitan,
dudurugin,
wawasakin
at pilit lilimutin.
Ngunit huwag kang mag-alala,
Huwag kang malulungkot.

Darating ang araw tunay na sasabog ang mga granada,
Darating ang araw mabibingi ang lahat sa putok ng mga gatilyo,
Susuntok sa langit ang milyong mga kamao
At sasaya ang mga musmos gaya ng pinapangarap mo.



Emmanuel Hizon Marso 2007