Sunday, January 27, 2008

Ang Talon sa Tanong





Ni Emmanuel M. Hizon

Bakit tayo nagtatayo ng mga matatayog na gusali,
Halos hipuin ang langit
Halos silipin ang kalawakan
Tila sumusuntok sa alapaap
mga manhid na bakal at semento ng ating museo,
para lamang lundagan ng ating mga ubos na pag-asa, katinuan at kasawian?

Bakit kay dami ng ating mga tulay, mahahaba, umiikot at matataas,
tinatagos ang mga dagat ng ating gunita,
tinatahi ang baybayin ng ating nakaraan
hinahakbangan ang natutulog nating mga alaala
ngunit bigo pa rin tayong makatawid at makapunta?

At bakit lagi pa rin tayo natatakot pumunta sa kabilang dako
at nagkakasyang makipagpatintero
makipagsapalaran at sumugal
sa bilis ng mga mapamuksang daloy ng lansangan?
Bakit mahilig tayong magpasagasa,
binubundol ng mga bangungot AT pighating ayaw lumaya,
binabangga ng mga multo at anino
pilit nagpapatiwakal ngunit walang pangako ng kamatayan,
nag-aabang sa estribo ng walang dumadating
naghihintay sa mga ayaw naman dumating?

Bakit tayo nagtatayo ng mga matatarik na pader,
Bakit natin ito sadyang binububugan at muling pinapatibay
Para lamang sandalan ng iba
Para lamang duruan, babuyin at ihian ng lubha,
para lamang wasakin, gibain at durugin
at upang makapasok ang hindi dapat papasukin?
Ilang beses mo na itong kinulayan at pininturahan
Ilang beses ko na rin itong kinulayan at piniNturahan.

Bakit pilit tayo naghahanap?
Bakit pilit mo siyang hinahanap?
Bakit pilit kitang hinahanap?
Bakit pilit niya akong hinahanap?

Lahat mayroong hinahanap
Lahat araw-araw naliligaw,
nawawala at muling maliligaw
tayo, mga estranghero ng mga umuulit at pamilyar na pook
nahihibang, nauubos ang mga buto
palaboy na walang dulo.

Enero 2008

Monday, January 21, 2008




"I Remember You."

Wednesday, January 16, 2008

And another

"I was reminded of a Greek goddess chiseled in marble: That's... a beautiful statue, damaged in a way you can't see till you get too close."

- Jude Law, Alfie

Tuesday, January 15, 2008

The Eternal Flaw II




By Emmanuel Hizon

Obviously flawed, the blemished sculpt of mistakes,
Series of imperfections nobody cared to comprehend or make.
Impaired without remorse
Our errors will not hesitate
Where are you, the bravest of all the cowards?
How many more do you have to take?

Broken dreams of scattered screams
Restrained whispers and silent fears,
Is it too much of a burden,
an encumber with no relent.
There is no light at the end of the tunnel
Down in a hole, inside the burrow
Come get me you gravedigger
I am damaged while you’re without a dent.



January 2008

Thursday, January 10, 2008

Labada at Buhay: Dalawang Tula

Paglalaba
niJames Miraflor


Bukas, lalabhan ko ang aking
pagkatao.

Sa umaga, ibababad ko sa tubig
ang manilaw-nilaw na tela ng aking
kahapon. Lalagyan ko ng kaunting
chlorox para matunaw ang mga mantsa
ng galit at pagsisi.

Sa tanghali, kukusutin ko
ang aking pagkatao sa isang baldeng
puno ng tubig at sabong panlaba.
Kukusutin ko hanggang sa ang
bawat hibla at alalaa ay
maputi na at mabango.
Kukusutin ko. Tapos
kukusutin ko pa.
Kukusutin.
Kukusutin.
Kukusutin.

Sa hapon, ibababad ko sa downy
ang aking nakaraan.
Palalambutin pagkatapos
manigas at gumaspang sa
matinding paglalaba. Ibababad
ko ito hanggang sa ang bawat
hibla ay maari ko nang tignan
ng walang hapdi ng paghuhugas
o pagtitika. Ibababad ko
ito hanggang sa ang bawat
alalaa ay maginhawa ko nang
maidadampi sa katawan
ng aking kukote.

Sa gabi, isasampay ko ang
aking basa ngunit malinis at
mabango ng pagkatao sa ilalim
ng pagpapatawad ng buwan.
Matutuyo sa mga halik ng
malamig na hangin ng
Oktubre ang tubig na luminis
sa aking kaluluwa.

Sana sa makalawa,
may bago na akong buhay
na maisusuot.



Pagod na labandero

(Sagot sa Paglalaba ni James Miraflor)
Ni Emmanuel Hizon

Minsan kahit gaano mo labahan, kahit gaano mo kusutin,
kahit gaano mo katagal ibabad,
kulahin at muling kusutin,
ang mantsa at bahid ng nakaraan ay hindi halos lumisan.

Ginawa mo na ang lahat,
ipinilit mo ang lahat,
ngunit sa dulo ikaw ang kumupas, numipis at nawasak.

Para kang lumang maong na pinagsasama na lamang ng mga himulmol
at balintuot na tela at sinulid.
Para kang damit na halos mapagkamalang basahan, punasan ng burak at dumi.
Sagana ka sa laba, hitik ka sa pagpupunyaging luminis at maging bago
ngunit sa dulo...

Ikaw ay naglaba,
Ikaw ay nilabhan,
Ngunit ikaw ay nasira.

Monday, January 7, 2008

Nothing

Yes, I know, I know. Recently, I've been posting stuff here consisting mostly of videos from the Youtube jungle, favorite song lyrics and other people's poems. I guess I got nothing new to show or write this new year. Geez, my 2007 year-end post was even a song from Imago.

I got nothing to write right now. Dead nothing. Blank. Kaput. Dead end.

Yet, I'm perfectly fine. In fact, I think I'm quite happy. Yeah, I'm happy. Wawa Emman, can't write happy thoughts. You sick little fuck.

And No! I will not write things like how I survived today's work, how I feel this week (with birds chirping nearby) or what's my point of view regarding the stupid network war. I won't do it just to fill in the spaces and just to to keep this blog from being so static. I'm tired of filling up the spaces.

So instead, you'll have a dose of videos from Youtube, song lyrics and poems from dead, near dead people.

Don't worry you'll hear from me soon. Or maybe not. Who cares.

Whatever.

End.

Stop.

Sunday, December 16, 2007

Christmas revisited



The song remains the same. But not everything is the same.


Akap

Nagtatanong
bakit mahirap
sumabay sa agos
ng iyong mundo

Nagtataka
Simple lang naman sana
Ang buhay
Kung ika'y matino

Sabihin sa akin lahat ng lihim mo
Iingatan ko
Ibaling sa akin ang problema mo
kakayanin ko

Pikit mata
kong iaalay
ang buwan at araw
pati pa sapatos kong suot

Nagtatanong
simple lang naman sana
ang buhay
kung ika'y lumayo

Sasamahan ka sa tamis
Sasamahan ka sa dilim
Sasamahan ka hanggang langit
Sasamahan ka sa tamis
Sasamahan ka sa pait
Sasamahan ka sa dilim
Sasamahan ka hanggang langit Sasamahan ka