Tuesday, January 29, 2008

Dalawang Dekada ng Musika ni Bobby Balingit


ni Soliman Santos


(Unang lumabas ang artikulong ito sa pahayagang Pinoy Weekly at matatagpuan din sa
bathatula, ang blog ng manunulat na si Soliman Agulto Santos)

Halos dalawang dekada na sa music scene ang Wuds, ang bandang kinabibilangan ni Bobby Balingit. Sa mahabang panahong ito, nanatili silang wala sa mainstream ng musikang Pinoy. Kuwento ni Bobby, saludo daw sa kanila ang ilang musikero dahil hindi sila nagbenta ng musika kapalit ng pera, walang kompromiso.

Sa ayaw at sa gusto natin, nandiyan pa rin ang Wuds. Sinong makakalimot sa kantang At Nakalimutan ang Diyos na pumutok sa radyo noong bandang dekada ’90? Bukod rito, nakaikot na sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang Wuds, naiimbitahan sa mga tugtugan. Sa haba ng panahong ito, hindi pa at mukhang walang balak maglubay ang Wuds. Marami pa silang gustong sabihin. Kinapanayam ng Pinoy Weekly si Bobby, ang bokalista/gitarista/songwriter banda para magbahagi ng kanilang pag-iral bilang isang banda.

Maikling background ni Bob at ng banda

Lumaki si Bobby sa urban poor community. Kaya sanay siya sa hirap. Noong kabataan niya, sumasama siya sa mga nagpipinta ng bahay. Iyon ang kanyang trabaho. Dose anyos siya natutong sumulat ng kanta. Kinse anyos nang nagsimulang gumitara.

“Punk na ako nun, naimpluwensiyahan ni Lito Mayo, isang pintor na punk,” sabi ni Bobby. “Punk talaga siya. Lampas, men. Minsan, nag-iiuman kami, sasabihin niya may nakikita siyang isang taong nakasakay sa kabayo na isa ang mata. Minsan naman, naglalakad kami tapos biglang sasabihin niya, hinto! Hihinto naman kami, matagal. Sabi niya, hayaan daw naming dumaan ang mga duwende. Lampas talaga.”

“Yung buong pamilya niya, lampas din. Sinasampal siya ng asawa niya tapos wala lang. yung nanay niya minsan tinanong si Lito, Anak, saan kukuha ng Tubig? magkakatitigan sila. Matagal, tapos sasabihin ni Lito, sa gripo. Aalis na nayung nanay niya nun.” “Malaki ang impluwensiya ni Lito sa akin. Talagang idol. Naging barkada namin siya. Nung minsang mageeksibit siya, pinag-perform niya kami. Nung nagpapraktis kami, maghapon kaming nagtalo kung saan kami papasok pagdating namin sa eksibit, e parisukat lang naman yung lugar. Tapos nakita niya yung bintana, mas maganda raw kung dun kami manggagaling. Inakyat niya ang bintana at saka tumalon. Pagbagsak niya, bali ang buto sa paa. Sinubukan niya talaga kung pwedeng dun kami manggaling. Kinabukasan sa eksibit niya, nakasaklay na siya.”

Naging malapit ang Wuds kay Lito. Siya nga dapat ang magma-manage sa banda. Nung araw na nakatakdang mag-usap para sa banda, hindi dumating si Lito. Nagtaka sila.Yun pala patay na siya. Wala na, hindi na natuloy yung plano.

Mga unang kanta

Mga bandang 1989. Wala na ang punk scene. New wave na ang uso tulad ng The Dawn. Nung panahong ito, nag-alok ng 4 o 5 kanta sa mga recording company ang Wuds. Walang tumanggap. Wala daw sa panahon. Si Heber Bartolome na ang katulong ng banda nun sa paglapit sa mga record company.

Noong pumutok yung At nakalimutan ang Diyos, hindi pa sa LA 105, humiwa sa isang radio station. pagkatapos may naghanap na ng album. Itinuloy na nila ang album si Heber ang namamahala. “Kami, wala naman kaming alam kung paano ang sistema sa rekording. Tinanong namin kung paano kami kikita. Parang nagalit si Heber. Noon din nagpirmahan kami ng kontrata. Babayaran kami ng P11,000.00. Ibig sabihin, paghahatian namin yung P11,000.00 kasama pa yung ibang mga sesyonista namin. Magkano na lang ang matitira sa amin? Ganon ang naging problema. Pero ok na sa amin yon. Tapos na,” paliwanag ni Bobby.

Bago ito, nakapagrekord na sila. Pero naloko rin daw sila. Palibahasa wala daw naman silang alam sa rekording noon. Panahon noon ng underground music. Mga punk band tulad ng Philippine Violators, Urban Bandits at iba pa. Tape pa ang uso noon, wala pang CD. “Wala naman kaming pinirmahang kontrata. Kaya hindi namin alam kung ilang kopya ang inilabas nila. Ang lumalabas, parang utang na loob pa namin sa record company na nailabas yung album namin. Wala kaming napala. Wala kaming nakuha sa pinaghirapan namin,” ani Bobby.

Sistema ng rekording sa bansa

“Iba kasi dito sa atin. Unang-una, napakahirap sa mga musikerong may kakaibang gustong sabihin ang pumasok sa industriya. Halimbawa, kung makabayan ka, walang susuporta sa iyo. Samantalang yung mga kantang walang gustong sabihin na hindi mo naman maintindihan, gustung-gustong iparinig sa mga radyo. Ito rin ang pinapatulan ng mga record company kasi ito ang kumikita.

Kapag nag-iisip ka, kapag may gusto kang sabihin sa mga kanta mo, walang makikinig sa iyo. Ganoon yata ang gusto ng mga tao sa industriya, bawal mag-isip. Dapat tanggap lang nang tanggap. Sabagay kahit naman sa lipunan natin, yun naman ang gusto ng mga nakapuwesto. Tanggap lang ng tanggap.”

Iba pang pinagkakaabalahan

Dire-diretso ang pagtugtog ni Bobby kasama ng Wuds. Kahit paano, naiimbitahan sila sa mga gigs. Sa mga club, sa mga konsiyerto, sa UP at sa ibang eskwelahan gayundin sa mga probinsiya.

“Pero bukod doon, marami akong ginagawa. Noong mga nauna, kahit ako lang mag-isa sumasama ko sa mga NGO (non government organization). Dati, na-involved ako sa mga kampanyang anti-droga. Pumupunta kami sa mga baryo-baryo. May mga seminar tapos ako kakanta naman. Parang pansingit lang. Kaskas ako nang kaskas sa entablado hindi ko alam kung may nakikinig. Minsan mga matatanda yung nanonood. Nakatugtog pa nga ako sa bilangguan. Parang specimen ako. Kasi nalulong din ako sa droga noon.” Pumasok din siya sa teatro. May isang dula na sinalihan siya. Umarte siya doon. Yung Lapu-lapu na idinirek ni Behn Cervantes.

“Tapos nun, nagtayo naman ako ng grupo. Multi-media. May painting, installation art, may tumutula tapos may kumakanta. Kakaiba din yun kasi pagpasok mo pa lang sa venue, may mga painting na nakasabit, may tumutula tapos yun nga may kumakanta. Nag-imbita ako ng mga artists. Pinuntahan ko pa sila sa isang bar noon tapos ako mismo ang nag-abot ng imbitasyon. Nung concert/exibit na, si Dong Abay lang ang pumunta. Kahit yata sa mga kapwa artista, hindi ako nakakuha ng suporta.”

Sa ngayon, nakikipagtulungan siya sa ibang artists. May grupo sila, yung ARREST GLORIA. Isang grupo ito ng mga manunulat, pintor, manganganta at iba pa na ayaw na kay Gloria. “Para kasing ayaw ko nang kumilos nang mag-isa,” pakli no Bobby. “Mas maganda yata ang may katuwang. May nagawa na kaming isang kanta. Kolektibo ito. Sinulat ng mga manunulat tapos nilapatan namin ng musika. Nasa internet na yata ito ngayon,” dagdag niya

Kapag may mga gig o mini concert na anti-GMA, sumasama sila Bobby. Kakaiba daw talaga itong si Gloria. “Mayaman na nga, gusto pang magpayaman. Walang kasiyahan. Ganyan yata ang lahat ng pulitiko,” ayon pa sa kanya. Sa ngayon, nagtuturo siya ng patugtog ng gitara. Tutorial. Kahit ano, classical, jazz, blues, rock at iba pa.

Sa lipunang Pilipino

Maraming maling nakikita si Bobby sa lipunang Pilipino. Para sa kanya, bahagi ang mga artista para sa pagbabago ng lipunan.

“Yun nga, maraming hindi tama sa lipunan natin. Halimbawa yung pinatay na lider-manggagawa sa Nestle, si Ka Fort. Wala naman siyang kasalanan. Gusto lang naman niyang magkaroon ng sapat na suweldo at iba pa. Pinatay siya. Samantalang iyong iba, mayaman na, patuloy pa ring nagnanakaw sa kaban ng bayan.

Pero ako, dapat magtiyaga tayong lumaban. Babagsak din ang mga iyan. Tutulan natin ang hindi tama. Yun ang mas mahalaga sa akin, yung kontribusyon mo sa iyong panahon. Pag matanda ka na at nagkaanak ka ng matalino, tatanungin niyan kung ano ginawa mo. kailangang may maisagot ka. Kaya nga yung mga magnanakaw sa gobyerno, siguro nanalangin sila na huwag silang magkaanak ng matalino dahil kapag tinanong sila baka wala silang maisagot. Baka isuka sila ng kanilang mga anak o mga apo dahil sa mga pinagagawa nila.”

Sunday, January 27, 2008




WE STAND ALONE TOGETHER.

Ang Talon sa Tanong





Ni Emmanuel M. Hizon

Bakit tayo nagtatayo ng mga matatayog na gusali,
Halos hipuin ang langit
Halos silipin ang kalawakan
Tila sumusuntok sa alapaap
mga manhid na bakal at semento ng ating museo,
para lamang lundagan ng ating mga ubos na pag-asa, katinuan at kasawian?

Bakit kay dami ng ating mga tulay, mahahaba, umiikot at matataas,
tinatagos ang mga dagat ng ating gunita,
tinatahi ang baybayin ng ating nakaraan
hinahakbangan ang natutulog nating mga alaala
ngunit bigo pa rin tayong makatawid at makapunta?

At bakit lagi pa rin tayo natatakot pumunta sa kabilang dako
at nagkakasyang makipagpatintero
makipagsapalaran at sumugal
sa bilis ng mga mapamuksang daloy ng lansangan?
Bakit mahilig tayong magpasagasa,
binubundol ng mga bangungot AT pighating ayaw lumaya,
binabangga ng mga multo at anino
pilit nagpapatiwakal ngunit walang pangako ng kamatayan,
nag-aabang sa estribo ng walang dumadating
naghihintay sa mga ayaw naman dumating?

Bakit tayo nagtatayo ng mga matatarik na pader,
Bakit natin ito sadyang binububugan at muling pinapatibay
Para lamang sandalan ng iba
Para lamang duruan, babuyin at ihian ng lubha,
para lamang wasakin, gibain at durugin
at upang makapasok ang hindi dapat papasukin?
Ilang beses mo na itong kinulayan at pininturahan
Ilang beses ko na rin itong kinulayan at piniNturahan.

Bakit pilit tayo naghahanap?
Bakit pilit mo siyang hinahanap?
Bakit pilit kitang hinahanap?
Bakit pilit niya akong hinahanap?

Lahat mayroong hinahanap
Lahat araw-araw naliligaw,
nawawala at muling maliligaw
tayo, mga estranghero ng mga umuulit at pamilyar na pook
nahihibang, nauubos ang mga buto
palaboy na walang dulo.

Enero 2008

Monday, January 21, 2008




"I Remember You."

Wednesday, January 16, 2008

And another

"I was reminded of a Greek goddess chiseled in marble: That's... a beautiful statue, damaged in a way you can't see till you get too close."

- Jude Law, Alfie

Tuesday, January 15, 2008

The Eternal Flaw II




By Emmanuel Hizon

Obviously flawed, the blemished sculpt of mistakes,
Series of imperfections nobody cared to comprehend or make.
Impaired without remorse
Our errors will not hesitate
Where are you, the bravest of all the cowards?
How many more do you have to take?

Broken dreams of scattered screams
Restrained whispers and silent fears,
Is it too much of a burden,
an encumber with no relent.
There is no light at the end of the tunnel
Down in a hole, inside the burrow
Come get me you gravedigger
I am damaged while you’re without a dent.



January 2008

Thursday, January 10, 2008

Labada at Buhay: Dalawang Tula

Paglalaba
niJames Miraflor


Bukas, lalabhan ko ang aking
pagkatao.

Sa umaga, ibababad ko sa tubig
ang manilaw-nilaw na tela ng aking
kahapon. Lalagyan ko ng kaunting
chlorox para matunaw ang mga mantsa
ng galit at pagsisi.

Sa tanghali, kukusutin ko
ang aking pagkatao sa isang baldeng
puno ng tubig at sabong panlaba.
Kukusutin ko hanggang sa ang
bawat hibla at alalaa ay
maputi na at mabango.
Kukusutin ko. Tapos
kukusutin ko pa.
Kukusutin.
Kukusutin.
Kukusutin.

Sa hapon, ibababad ko sa downy
ang aking nakaraan.
Palalambutin pagkatapos
manigas at gumaspang sa
matinding paglalaba. Ibababad
ko ito hanggang sa ang bawat
hibla ay maari ko nang tignan
ng walang hapdi ng paghuhugas
o pagtitika. Ibababad ko
ito hanggang sa ang bawat
alalaa ay maginhawa ko nang
maidadampi sa katawan
ng aking kukote.

Sa gabi, isasampay ko ang
aking basa ngunit malinis at
mabango ng pagkatao sa ilalim
ng pagpapatawad ng buwan.
Matutuyo sa mga halik ng
malamig na hangin ng
Oktubre ang tubig na luminis
sa aking kaluluwa.

Sana sa makalawa,
may bago na akong buhay
na maisusuot.



Pagod na labandero

(Sagot sa Paglalaba ni James Miraflor)
Ni Emmanuel Hizon

Minsan kahit gaano mo labahan, kahit gaano mo kusutin,
kahit gaano mo katagal ibabad,
kulahin at muling kusutin,
ang mantsa at bahid ng nakaraan ay hindi halos lumisan.

Ginawa mo na ang lahat,
ipinilit mo ang lahat,
ngunit sa dulo ikaw ang kumupas, numipis at nawasak.

Para kang lumang maong na pinagsasama na lamang ng mga himulmol
at balintuot na tela at sinulid.
Para kang damit na halos mapagkamalang basahan, punasan ng burak at dumi.
Sagana ka sa laba, hitik ka sa pagpupunyaging luminis at maging bago
ngunit sa dulo...

Ikaw ay naglaba,
Ikaw ay nilabhan,
Ngunit ikaw ay nasira.

Monday, January 7, 2008

Nothing

Yes, I know, I know. Recently, I've been posting stuff here consisting mostly of videos from the Youtube jungle, favorite song lyrics and other people's poems. I guess I got nothing new to show or write this new year. Geez, my 2007 year-end post was even a song from Imago.

I got nothing to write right now. Dead nothing. Blank. Kaput. Dead end.

Yet, I'm perfectly fine. In fact, I think I'm quite happy. Yeah, I'm happy. Wawa Emman, can't write happy thoughts. You sick little fuck.

And No! I will not write things like how I survived today's work, how I feel this week (with birds chirping nearby) or what's my point of view regarding the stupid network war. I won't do it just to fill in the spaces and just to to keep this blog from being so static. I'm tired of filling up the spaces.

So instead, you'll have a dose of videos from Youtube, song lyrics and poems from dead, near dead people.

Don't worry you'll hear from me soon. Or maybe not. Who cares.

Whatever.

End.

Stop.